Wednesday, July 28, 2010

pwde pa ba?



di pa tau magkakilala, sbi na yan ng FB ko.

call it destiny... call it anything you want.
i was meant for you,
and you were meant for me.

cheesy ko bex. lech.

Sunday, June 27, 2010

pagkatapos ng dalawang taon

salamat sa pagpapatawad,
wag kang kang mag-alala,
pinag-bayaran ko na lahat.

kung pwde ko lang ibalik lahat
para hindi ka nasaktan at hindi ka nasasaktan.

pagkatapos ng dalawang taon,
salamat narinig ko rin sau na ako'y iyong pinapatawad na.

patawad uli.
salamat sa pambihirang pagmamahal.
salamat sa panibagong pagpapatawad.

pero hindi ko na maibabalik pa ang lahat,
magbago ka na, nagbago na ko at ang puso ko.
patawad.
i'll be going now.

Wednesday, February 24, 2010

fearless

and i don't know how it gets better than this,
you take my hand and drag me headfirst, fearless.
and i don't know why but with you i'd dance
in a storm in my best dress, fearless.



sa aking bagong inspirasyon ngaung 2010,
the only thing that can hurt me today, is you.

Saturday, July 11, 2009

temporary unavailable

this page is not available anymore
for the viewing public.

Saturday, April 25, 2009

missing andrei...

i'm missing you again today andrei...

galing ako trinoma kanina
nag-commute,
at nakakainis ung katabi ko,
un ang problema pag nag-co-commute ka eh,
di mo maiiwasan magkaroon ng kabadtrip na katabi.
grrrrrrrrrrrrrrhhhh....

habang bumibyahe ako,
nacompose ko to sa isip ko.
may nabasa na ko dating nagsabi ng mga ayaw niya sa pagbiyahe eh, ako naman ngaun ang maglalabas ng sama ng loob sa kapwa ko mga pasahero.


heto ang top 10 HATEST katabi ko sa pagco-commute ko.
(in no particular order)
1) si KUYA BUKAKA
- mga pamachong manong na super kung bumukaka sa upuan,
grabe ang mga kalalakihan na to,
hndi ko alam bakit kailangan nilang
kuhanin ang buong space para lang maibukaka ung mga legs
nila sa pagkakaupo, walang konsiderasyon at walang katiting na
pakialam na super nasisiksikan na ko..

2) Si ELBOW-KITIKITEXT
madalas babae ito,
siya si miss-ubod-ng-adik-sa-pagtetext,
ayus lang naman sa aking magtext siya,
kaya lang di ko maintindihan bakit kailangan
niya kong tusukin ng siko nya sa bandang tagiliran ko,
oh my gulay, kitikitext din naman ako
pero sinisiguro kong hindi dadapi ang aking siko sa yo
para di ka maperwisyo.


3) si MALINAMNAM ANG HAIR KO, WANNA TRY IT??
badtrip kasakay to sa jeep,
lalo pag mahangin,
heto naman si ateng ubod ng long hair,
alam niya at alam kong long hair sya
pero hindi sumasagi sa isip niyang itali to
o hawakan man lang habang umaandar ang jip,
hahayaan nya itong lilipad liparin ng hangin,
na para siyang nasa gitna ng parang
at hahayaan niyang hilamusan ng long silky black hair niya
ang nagpapacute na face ko.
sarap bulungan sa tenga ng
"Gee, you're hair tastes kadiri.",
sabay sabunutan/gupitan/kalbuhin at itapon palabas ng bintana ng jip


4) si MR or MISS SONGBIRD

heto.. mga di makatiis maki-sing-along sa radyo ni manong driver
siyeeeett!!! asar na asar ako dito lalo na
kung peborit ko yung song,
tapos sasabayan nya at ang pinakamasaklap
eh hindi niya mabigyan ng justice yung kanta.
alam kong hilig ng mga pinoy ang videoke,
pro naman,,,, sa loob ng fx?
sus! utang na loob!!!
AYOKO SAU SONGBIRD!!!


5) si POWERPUFF

masama na ko pag inelaborate ko pa kung sino si POWERpuff.
basta 1 time, nakasabay ko tong si POWERpuff,
minalas malas pa na sa "shortcut" way ng pauwi ang daan ng fx
(sikat ang way na to sa lahat ng pauwi ng taytay at angono)
at di ako pwedeng pumara, dahil wala akong msasakyan dun
o maisasama ako sa mga ibabalita ni gas abelgas kinabukasan,
sabay inabot pa ko ng katakot takot na trafic sa shortcut na yun,
almost 2 hrs kaming magkapiling ni POWERPUFF at
pagdating sa dulo ng pumara na ko, pagbaba ko ng FX...
muntik na kong bumulagta sa kalye sa sobrang
pagkahilo. (hindi exag ito.)


6) si IPAGLABAN-MO
usually babae ito, pro may nakasakay na rin akong lalake
at take note, ubod pa ng maskulado yun.
sila yung nakikipaglaban gamit ang balikat nila sa sandalan ng FX,
hinding hindi magpapatalo sayo
medyo kamag-anakan ito ni kuya-bukaka, nga lang itong tipo na to,
sasakit tlga ung shoulders mo after mo silang makatabi.


7) si PUT-YOUR-HEAD-ON-MY-SOULDER
mga hayok sa tulog
at ginagawang bedroom ang isang PUV,
nakakainis to kasi mga feeling boypren/gelpren
na ihihilig ung ulo sa balikat mo
para mapahimbing lalo ang kanilang tulog.
pero pag matatandang babae,
mga nasa nanay-lola range na,
hinahayaan ko nang matulog sa balikat ko,
so far, wla pa naman nkakapagbigay sa akin ng
SPRING MINERAL WATER NA straight from the mouth
habang nakikihilig sila sa balikat ko,

slightly inis lang ako sa mga ganito kasi
ganito rin ako paminsan minsan, hihihi...


8) si DRUMMERBOY
may pagka-epileptic,
me imaginary drumset sa tabi nya na puro bass lang ang tinutugtog.
walang pakundangang i-epileptic mode ung knees nya. epal.
sarap hatawin ng tubo.

9) si LUNETA boy and GIRL
subra kung maglambingan,
ok lang nmn maglambingan sila, OK lang yun,
ginawa ko rin nmn yun, magiging masaya pa ko sa kanila
na makitang malambing sila sa isat isa pero sana...
sana... HINDI NILA AKO ISINASAMA SA LAMBINGAN NILA, fuschia!
mnsan yung boylet sobra kung lambingin si
girlilet at ang arms nya na yumayakap sa kanya eh umaabot sa akin,
mnsan si girlilet din ganun,
mas malupet pa nito eh pag naisipan nilang magkilitian,
at masisiksikan ka na ng isa sa kanila,
tama ba namang makipag-body slam sakin? ano to?!? concert?
sa puntong ito, nagttransform ako bilang isang guidance counselor/bouncer,
at sisiguruhin kong hinding hindi na uli nila magagawang maglambingan
for the entire trip na katabi nila ako.

10) sina PYRAMUS at THISBET...
at ako ang kanilang wall.
pag minalas malas ka, mnsan mapapaupo ka sa jeep
kung saan mapapagitna ka sa dalawang magkakilalang
magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila eh
hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.



10) sina PYRAMUS at THISBET... (at ako ang kanilang wall)
pag minalas malas ka,
mnsan mapapaupo ka sa jeep kung saan mapapagitna ka
sa dalawang magkakilalang magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila
eh hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.


namimiss ko si andrei pag mayroong isa sa sampung yan
ang kasakay ko...

si andrei....
ang aking pagong noon,
ang tarajing ng barkada at mga insan ko sa tres,
andaming allowance ko noon ang tinitipid tipid ko
upang mapagkagastusan kita,
simula sa seat cover, kurtina, manibela,
stickers na nakasulat ang pangalan kong "DUCKS" sa unahan,
sa gulong, speakers at radyong nilimos ko kay erpats at kuya
upang maikabit sa iyo,
nalulungkot ako tuwing makikita kita sa garahe
at alam kong sinusumbatan mo kong
pinabayaan kita at kinalimutan,
patawad inuna ko ang thesis ko nung studyante pa ko at madalang na ko umuwi ng tres,
dun nagsimula ang paghihiwalay natin hindi ba?
tapos nakarating ako ng pabrika,
at lalong di na kita natingnan tuwing balik ko sa tres,
kasi bibihira na lang yun,
at hindi na ko muling nagkaroon ng interes sa iyo,
kaya ikaw'y naiwan sa garahe,
hinihintay ang aking pagbabalik,
para may muling pumansin sa iyo...
sa tuwing pupunta ako sa garahe at iba ang pintong bubuksan ko
at hindi ang iyo, hndi kita matingnan dahil
nahihiya ako sa iyo,
bka sumbatan mo ko na katulad din nila ako,
mas gusto ko na ng bago, ung mas maayos ang upuan,
ung may aircon, pa-pogi-points na rin ako.
matapos ang limang taon naalala kita ngaung gabi,
april21 kasi nung sang araw at kaarawan ni doday,
naalala ko ang daang pataas,
ung ilog sa kontrol,
ang where's the love,
ang paranum, manga at ang makopa,
naalala ko yung amoy ng karburador mo,
ang ala-politkong pagbusina ko sa lahat ng tao ng tres at sanagustin,
ang ngitiang walang kaparis,
ang ligawan sa kalye,
galaan sa kung saan,
abutin man ng hatingabi o madaling araw,
paglakad sa terakan,
pagdampot ng madaling araw sa presinto dahil walang lisensya,
naalala ko...
doday, tuks, dums, kiks, aru, ducks, iba pang tres pipol at... andrei.


happy bertdey insan!
sensha,,, ngeni ku pa mekaganaka,
asan ka man, naalala kita at nasenti ako...
kasabay ng pagsenti ko kay andrei.
hehehe...





wag ka munang uuwi,
hangat di pa ko ngumingiti...
ibabalik natin ang kahapon,
mabubuhay sa noon,
nakaraang laging masaya,
babalik sa dekada nobenta...
at ang unamg limang taon matapos ang katapusan ng dekada nobenta.




namimiss ko si andrei pag me badtrip akong kasakay,
hindi dahil ayaw ko nang mag-commute at gusto kong magka-andrei uli,
namimiss ko kasi siya ang naaalala ko
tuwing ginagawa ko itong nasa baba.

i need one happy thought to fly.

Saturday, March 21, 2009

NO COMMENT... please.

NO COMMENT... please.
(kunwari celebrity ako,
ala anne curtis at sam milby kumbaga.
at kunwari naghihintay kayo nang sasabihin ko,
o nang isasagot ko, o nang itatapat ko sa ibang naglalabasang statements.
although i think medyo totoo naman ang pangalawang statement ko.
nyahahahaha...)


This time there are no two sides of a story,
if that is what he tells then,
that's it., that's the whole story.
I am not speaking up again.



thankyou na lang
kay.. (in order of appeareance)
kaythart-kaydaga-kaygangs-kaykeso-kaySHEBANGS-sapetnakaibigannya-kaymaster-
kayama-kayextrarice-kayelhombresecondrunnerup-kayseatmate-sacrngcafejuanita-
kaymamita-kaymanangnanagtitindangdyaryosatulay-kayprincessamp(forstayingupallnight)-
saelpueblo-sasidebar-sajolibee-kayhanibants-sananaynihanibants-kayenzo-sapcnilasabahay-
sakantangsoclosengenchanted-satrinoma-samenangesalon-sanagmasahesakin-kayleean-kaypaks-kayklit-
kaynanay-kayluis-kaygian-kaygabriel-kayjulia-kayteks-kayerpat-kaybadjo-kaybesy
at higit sa lahat kaykanjiboy - hindi man maintindihan ng maraming
hindi nakakakilala sa atin kung paano tayo magturingan as magkaibigan
nang walang malisya (at medyo nakakapikon na pag naiisip nila yun),
i am so glad that you're there to put some sense in my head.
hindi na kita bibiguin ngaun.
sinusunod kita, pangako ko yan kay keso.
hindi nyo na makikita uli ang side na mamamalimos ako.



my life is an empty page again.
i am writing down today that i am lucky. (secret kung bakit)
ill do everything to be the best i could ever be. (whooo.. i can feel the pressure. joke)
sabi ni casper, change doesnt happen overnight.
pero gusto kong sabihing... pwede. pero nanahimik na lang ako.
nakita ko.
nakita ko sa daport at sa dafourth. may isang bagay that changed overnight.
i will be my best - the best, next time, i promised that to myself.
(at tinaasan ako ng kilay ni amp)


not yet stargazing,
but I am back in business.
I am going back to my estero de balete to return the bentesingko.
and finally after almost a lifetime, I have decided,
I am getting a new phone. (3310 with whooper speakers, hehehe...)
to stop every person that i know
from nagging me that my phone needs to retire
at ang bagal ko magreply. hehehe...
hindi na kasi umeepek ung katwiran kong
"hindi ako mahilig magtext" or yung
"aalis din naman uli ako, aanhin ko pa yung celfone, d ko naman mggmit un dun"
medyo sentimental tong part na to nang buhay ko,
nakakaiyak,
hindi ko kayang mawala ang celfone ko na kay tagal ko nang kasama.
seryoso.
pers celfone ko kaya yun as normal na tao...
magmukha man akong may sayad.
iiyakan ko yun pag binitiwan ko na siya.
magpapapadyak pa.



maraming payo sa mundo,
marami kang kaibigan,
lahat sila may kanya kanyang style nang maipapayo sa iyo,
may mabuti, may subarashii, may panalo. may ok lang, may sablay, may ikakapahamak mo,
may something that will make you stupid, at may payo na may hidden agenda.
nasa sa iyo na yun kung aling payo ang susundin mo.
malas mo pag sablay na payo ang pinakingan mo,
malas mo pag may ibang agenda ang nagpayo sa'yo,
malas mo pag ang payong pinakingan mo,
eh hindi ang dapat na ginawa mo.
maswerte ako.
salamat keso at kanjiboy.
i will be better.


bagong lesson na dapat isapuso ko...
yesterday ended last night,
and today is a new day.

goodluck sandy este lena pala.
-hindi ko kasi nakuha to, pero ok na, ako na lang magsasabi sa sarili ko.



I am not speaking up again.
sorry... di ko kayo mapagbibigyan... v",)

single-life
here i come again... =)

selda uno: nang maging direktor ako

may bago akong kalokohang niluluto ngaun.
hihihi...
malapit na siyang matapos at para maipahiwatig kong
malapit na siyang matapos,
ginawan ko ng trailer.


naisip namin ito isang araw ni mursy at hanibants
habang nasa japan kami, october noon at
nalulungkot sa paglisan ni baby boy sa pabrika.
upang mawala ang aming kalungkutan
(naks, natatawa akong imaginin nagsenti nga ba kami?)
naisip naming magpaka-sweet at gumawa ng video,
kaya lang hindi ata bagay sa amin ang sweet,
at likas na ata sa amin na me sayad kami
kaya ang ka-sweetan eh nauwi sa kalokohan,
humingi pa ng ambag na dagdag topak ke amp at casper,
nga lang di ito natapos noon,
me iba kasi akong naisipang pagkaabalahan at ni-prioritize,
hndi naman kasisisisi...
pero since... malapit na ang muling anniversary sa pabrika
(shiyeeettt... 3 years na un?)
bago man lang ako maglaho,
makagawa ng kalokohan na magtatagal talaga.


ps:
nga pala, pasensha na sa hindi ko naisali dito,
hindi ko kasi naisip na may gugustuhing maging parte
nang kalokohang ito. lahat kasi ng isinali namin ni murs,
alam naming may history ng me topak sa ulo,
kya madali nang kumbinsihing sumali...

EXAMPLES:
brilyante: oi ako isali mo ko diyan sa movie nyo ha?
ako: ahmmm... sige. (siyet saan ko kaya siya ilalagay?)

R: oist lena ako din ako din,
kuhanan mo ko.
ako: ahmm... (isip) ok sige alam ko na gagawin mo.

ako: sali ka na.
J: ayaw.
ako: masaya to.
J: ayaw talaga.
ako: heto na kukuhanan na kita....
J: sandali lang tatayo ako para maganda ang anggulo.
(o kunwari ayaw..)

kung may nagtatampo, o magtatampo man in the future,
sabihan na lang ako.
baka magawan nang paraan. (me ganun pa. epal.)
basta si employee-na-nanlibre-ng-spiderman-samin-ni-
princess-at-exclamation-point-dati,
me bagong isasapuso tungkol sa amin.
kaya no problem na sa ngaun.
hehehe...


from the success of juvynobela (hi boss J!)
comes another kakalukang movie
heto na siya...
ang aking bagong pinagkakaabalahan.
ang pinaghirapan ni mursy,
pinag-aksayahan ng panahon ng iba pang cast,
pinagpuyatan ko...
at ikakahiya ni purple and green haired monster.
(bestprens parin tau after mo mapanood to ha?)
hehehe...


SELDA UNO:
the baby boy dormitorio true to life story
murder is my middle name.




(try pasting this link in your browser
if the video below doesn't play...
http://www.youtube.com/watch?v=CpsHL_sB7OQ)


maraming maraming thank you's sa mga cast ng katopakan na to..
pero hindi pa full yung thank you,
tapusin muna natin ang shooting ni mursy.

pinagpaalam ko pala sa lahat ng cast itong
pag-upload ko ng video...
ay teka! nalimutan ko ata magpaalam ke mursy...
nagpaalam ata ako...
ay teka, hindi ata..
nagpaalam nga ba ako?
teka di ko maalala...
nagpaalam ba ko sau murs??? =)