Sunday, April 1, 2007

bente singko sa estero de balete de san marcelino

repost after deletion months ago
due to insistent public demand,
(2 tao lang ata 2ng tinutukoy kong public hehehe...)



sa title pa lang ng post na ito,
mlamang isang tao ang mtatawa pag nabasa nya to,

naalala mo pa ba yung bente singko natin
para sa estero de balete?

rewind... rewind... rewind...
1 taon at tatlong buwan pabalik,


naalala mo na ba unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin??

isang gabi sa may tulay
ng estero de balete,
na tourist attraction nang mga bagong salta sa
campus ng mga zobel-de-ayala-de-romualdez-de-kalaw-de-san-marcelino estupidents,
kasama ko si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
hndi ko alam pano kami nagkasamang dalawa,
hndi naman tlaga kmi nagkukwentuhang dlawa usually,
hi hello lang nga madalas,
pro ngaun bgla ko siyang napagtuunan ng pansin,
siguro dahil nakita kong,
binbalutan nang lungkot ang kanyang mga mata,
nagkukunwaring masaya siya,
sa mraming araw ko siyang pinagmamasdan,
nkikita ko ang hndi ko maipaliwanag na
pag-alinlangan s kanya,
ang akala ko,
pag tinabihan ko siya,
sa pagkakatayo nya sa gilid ng tulay,
mapaptawa ko siya..
(maganda at mataas pa ang record nang sense of humor ko nung college,
kya confident akong magagawa ko yun, hndi tulad ngaun,)
at kahit papano ay makalimutan nya ang lungkot na kanyang nararmdman,

pro nagkamali ako,
nung gabing yun,
ang isang napakalalim na buntong hininga nya ang
nagpagising sa isang pakiramdam na
hndi ko maunawaan...
(mas mlakas malamang ang sense of loneliness sa puso nya,
at ako ang napalungkot nya)
wla siya masyadong nasabi,
pro sa tingin ko,
naiintindihan ko sya bgla,
at naramdaman ko rin yung pakiramdam nya...


dalawang bente singko ang dinukot ko sa bulsa,
(tingin ko eto lang ata ang barya ko nun)
medyo corny to,
pro yun lang ang naisip ko,
dahil ayoko talagang magpatalo sa kanya,
tingin ko, at para sa akin,
mas malakas ang powers nang sense of humour ko
kesa sa sense of loneliness nya,
ang balak ko sana, maglalaro kami ng,
taguan ng bente singko (genius idea huh?very mature thinking db?),
kya lang,,,
niyaya ako ni unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin
na mang-trip at gawin nming mlaking wishing well
ang estero de balete,
natawa ako sa ideyang naisip nya,
pro sineryoso nya talaga ito,
parang batang pikit-matang hawak nya yung bente singko,
sbay hagis nya sa balete,
(medyo nahiya ako nung mga panahon na yun,
pano kung may makakita sa min,
eh di mwwla ang pa-cool kunong image ko)
ang akala ko after nyang ihagis yun eh tapos na,
ok, pasimpleng exit na lang ako,
tapos wala na makakaalala.
pro bglang napatingin sya sakin
sabay sabing.
"its your turn"
tinawanan ko lang sya sabay iling,
sbi ko wag na lang,
sa loob loob ko hndi ako magpapadala sa pagkasira nang ulo nya,
pro malungkot parin yung mata nya kya
no choice na ko,
pagbbgyan ko na sya,
hnwkan ko yung bente singko
sbay isip ako kung anong i-wiwish ko...
tska ko narealize...
shet!!!
wla akong maisip na i-wi-wish dun sa pagkalaki-laking wishing
well namin with multi-colored lights and floating water lilys at
unidentified objects in different shapes and odors.
(hndi dahil perpekto ang buhay ko ah, ewan ang hrap pag
may isang wish lang eh!)
(---- kitams, at sinabi kong katawatawa ang idea nya ah, pro sineryoso ko nmn)

very supportive nmn si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
at nagsabing i-wish ko na lang na sana eh gumradweyt na lang lahat sa
batch namin, o kya world peace, o kya, makarma si profesorr ______ (whe... bkt ko ssbihin? )

kya lang selfish ako nung gabing yun,
gusto ko isang wish na nga lang,
gamitin ko na lang pra sa sarili ko,
matapos ang brain-splitting kong pag-iisip,
isang kajologsang moment na
napa-close-your-eyes-and-dont-breathe-then-make-a-wish
ako.
kadiri,
pro sineryoso ko yun,
kasing-seryoso ko sa subject ko ng
world lit at phil. lit nung college.

pagkatapos nun,
napangiti siya,
tumawa pa ata,
hndi ko alm kung naisip nyang engot talaga ako at nauto nya ko,
o katawa tawa lang yung jologs moment ko
na dinedeny kong ginawa ko
dahil knkantiyawan ako nung ibang
nakakitang tambay sa estero de balete ng skul namin,
o dahil,
-
bka nakita nyang pareho lang kami ng wish.


toinks!

para dun sa kasama ko nung jologs moment ko
sa bente singko sa estero de balete,
ang tagal na kitang di nakikita
at nakakausap,
yun ata yung huling araw na nakausap kita eh.
natupad ba yung wish mo??
balitaan mo naman ako.

ntatawa ka ba??
mlamang pareho tau ng wish nun no?!?
buking na.
(mga selfish talaga.)


ako?
muntik na.

false alarm.

pag narinig mo ang salitang
"BUKAS NA LANG" at "AYOKO NG BUKAS"
sa loob ng tatlong oras paulit ulit
mlamang,

hndi ka na mniniwala sa bente singko sa estero de balete.


kng san man to napulot ni babs,
slamat.


we should cry to be able to laugh, fall apart to be
whole once more, and get hurt to learn and love
again...=)


ooooopppsss pro,
naniniwala pa rin ako dun sa wish ko
sa estero de balete,
(haha! at sinabi ko talagang di ko un sineryoso sa lagay na to.)
anlufet.