Saturday, July 11, 2009

temporary unavailable

this page is not available anymore
for the viewing public.

Saturday, April 25, 2009

missing andrei...

i'm missing you again today andrei...

galing ako trinoma kanina
nag-commute,
at nakakainis ung katabi ko,
un ang problema pag nag-co-commute ka eh,
di mo maiiwasan magkaroon ng kabadtrip na katabi.
grrrrrrrrrrrrrrhhhh....

habang bumibyahe ako,
nacompose ko to sa isip ko.
may nabasa na ko dating nagsabi ng mga ayaw niya sa pagbiyahe eh, ako naman ngaun ang maglalabas ng sama ng loob sa kapwa ko mga pasahero.


heto ang top 10 HATEST katabi ko sa pagco-commute ko.
(in no particular order)
1) si KUYA BUKAKA
- mga pamachong manong na super kung bumukaka sa upuan,
grabe ang mga kalalakihan na to,
hndi ko alam bakit kailangan nilang
kuhanin ang buong space para lang maibukaka ung mga legs
nila sa pagkakaupo, walang konsiderasyon at walang katiting na
pakialam na super nasisiksikan na ko..

2) Si ELBOW-KITIKITEXT
madalas babae ito,
siya si miss-ubod-ng-adik-sa-pagtetext,
ayus lang naman sa aking magtext siya,
kaya lang di ko maintindihan bakit kailangan
niya kong tusukin ng siko nya sa bandang tagiliran ko,
oh my gulay, kitikitext din naman ako
pero sinisiguro kong hindi dadapi ang aking siko sa yo
para di ka maperwisyo.


3) si MALINAMNAM ANG HAIR KO, WANNA TRY IT??
badtrip kasakay to sa jeep,
lalo pag mahangin,
heto naman si ateng ubod ng long hair,
alam niya at alam kong long hair sya
pero hindi sumasagi sa isip niyang itali to
o hawakan man lang habang umaandar ang jip,
hahayaan nya itong lilipad liparin ng hangin,
na para siyang nasa gitna ng parang
at hahayaan niyang hilamusan ng long silky black hair niya
ang nagpapacute na face ko.
sarap bulungan sa tenga ng
"Gee, you're hair tastes kadiri.",
sabay sabunutan/gupitan/kalbuhin at itapon palabas ng bintana ng jip


4) si MR or MISS SONGBIRD

heto.. mga di makatiis maki-sing-along sa radyo ni manong driver
siyeeeett!!! asar na asar ako dito lalo na
kung peborit ko yung song,
tapos sasabayan nya at ang pinakamasaklap
eh hindi niya mabigyan ng justice yung kanta.
alam kong hilig ng mga pinoy ang videoke,
pro naman,,,, sa loob ng fx?
sus! utang na loob!!!
AYOKO SAU SONGBIRD!!!


5) si POWERPUFF

masama na ko pag inelaborate ko pa kung sino si POWERpuff.
basta 1 time, nakasabay ko tong si POWERpuff,
minalas malas pa na sa "shortcut" way ng pauwi ang daan ng fx
(sikat ang way na to sa lahat ng pauwi ng taytay at angono)
at di ako pwedeng pumara, dahil wala akong msasakyan dun
o maisasama ako sa mga ibabalita ni gas abelgas kinabukasan,
sabay inabot pa ko ng katakot takot na trafic sa shortcut na yun,
almost 2 hrs kaming magkapiling ni POWERPUFF at
pagdating sa dulo ng pumara na ko, pagbaba ko ng FX...
muntik na kong bumulagta sa kalye sa sobrang
pagkahilo. (hindi exag ito.)


6) si IPAGLABAN-MO
usually babae ito, pro may nakasakay na rin akong lalake
at take note, ubod pa ng maskulado yun.
sila yung nakikipaglaban gamit ang balikat nila sa sandalan ng FX,
hinding hindi magpapatalo sayo
medyo kamag-anakan ito ni kuya-bukaka, nga lang itong tipo na to,
sasakit tlga ung shoulders mo after mo silang makatabi.


7) si PUT-YOUR-HEAD-ON-MY-SOULDER
mga hayok sa tulog
at ginagawang bedroom ang isang PUV,
nakakainis to kasi mga feeling boypren/gelpren
na ihihilig ung ulo sa balikat mo
para mapahimbing lalo ang kanilang tulog.
pero pag matatandang babae,
mga nasa nanay-lola range na,
hinahayaan ko nang matulog sa balikat ko,
so far, wla pa naman nkakapagbigay sa akin ng
SPRING MINERAL WATER NA straight from the mouth
habang nakikihilig sila sa balikat ko,

slightly inis lang ako sa mga ganito kasi
ganito rin ako paminsan minsan, hihihi...


8) si DRUMMERBOY
may pagka-epileptic,
me imaginary drumset sa tabi nya na puro bass lang ang tinutugtog.
walang pakundangang i-epileptic mode ung knees nya. epal.
sarap hatawin ng tubo.

9) si LUNETA boy and GIRL
subra kung maglambingan,
ok lang nmn maglambingan sila, OK lang yun,
ginawa ko rin nmn yun, magiging masaya pa ko sa kanila
na makitang malambing sila sa isat isa pero sana...
sana... HINDI NILA AKO ISINASAMA SA LAMBINGAN NILA, fuschia!
mnsan yung boylet sobra kung lambingin si
girlilet at ang arms nya na yumayakap sa kanya eh umaabot sa akin,
mnsan si girlilet din ganun,
mas malupet pa nito eh pag naisipan nilang magkilitian,
at masisiksikan ka na ng isa sa kanila,
tama ba namang makipag-body slam sakin? ano to?!? concert?
sa puntong ito, nagttransform ako bilang isang guidance counselor/bouncer,
at sisiguruhin kong hinding hindi na uli nila magagawang maglambingan
for the entire trip na katabi nila ako.

10) sina PYRAMUS at THISBET...
at ako ang kanilang wall.
pag minalas malas ka, mnsan mapapaupo ka sa jeep
kung saan mapapagitna ka sa dalawang magkakilalang
magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila eh
hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.



10) sina PYRAMUS at THISBET... (at ako ang kanilang wall)
pag minalas malas ka,
mnsan mapapaupo ka sa jeep kung saan mapapagitna ka
sa dalawang magkakilalang magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila
eh hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.


namimiss ko si andrei pag mayroong isa sa sampung yan
ang kasakay ko...

si andrei....
ang aking pagong noon,
ang tarajing ng barkada at mga insan ko sa tres,
andaming allowance ko noon ang tinitipid tipid ko
upang mapagkagastusan kita,
simula sa seat cover, kurtina, manibela,
stickers na nakasulat ang pangalan kong "DUCKS" sa unahan,
sa gulong, speakers at radyong nilimos ko kay erpats at kuya
upang maikabit sa iyo,
nalulungkot ako tuwing makikita kita sa garahe
at alam kong sinusumbatan mo kong
pinabayaan kita at kinalimutan,
patawad inuna ko ang thesis ko nung studyante pa ko at madalang na ko umuwi ng tres,
dun nagsimula ang paghihiwalay natin hindi ba?
tapos nakarating ako ng pabrika,
at lalong di na kita natingnan tuwing balik ko sa tres,
kasi bibihira na lang yun,
at hindi na ko muling nagkaroon ng interes sa iyo,
kaya ikaw'y naiwan sa garahe,
hinihintay ang aking pagbabalik,
para may muling pumansin sa iyo...
sa tuwing pupunta ako sa garahe at iba ang pintong bubuksan ko
at hindi ang iyo, hndi kita matingnan dahil
nahihiya ako sa iyo,
bka sumbatan mo ko na katulad din nila ako,
mas gusto ko na ng bago, ung mas maayos ang upuan,
ung may aircon, pa-pogi-points na rin ako.
matapos ang limang taon naalala kita ngaung gabi,
april21 kasi nung sang araw at kaarawan ni doday,
naalala ko ang daang pataas,
ung ilog sa kontrol,
ang where's the love,
ang paranum, manga at ang makopa,
naalala ko yung amoy ng karburador mo,
ang ala-politkong pagbusina ko sa lahat ng tao ng tres at sanagustin,
ang ngitiang walang kaparis,
ang ligawan sa kalye,
galaan sa kung saan,
abutin man ng hatingabi o madaling araw,
paglakad sa terakan,
pagdampot ng madaling araw sa presinto dahil walang lisensya,
naalala ko...
doday, tuks, dums, kiks, aru, ducks, iba pang tres pipol at... andrei.


happy bertdey insan!
sensha,,, ngeni ku pa mekaganaka,
asan ka man, naalala kita at nasenti ako...
kasabay ng pagsenti ko kay andrei.
hehehe...





wag ka munang uuwi,
hangat di pa ko ngumingiti...
ibabalik natin ang kahapon,
mabubuhay sa noon,
nakaraang laging masaya,
babalik sa dekada nobenta...
at ang unamg limang taon matapos ang katapusan ng dekada nobenta.




namimiss ko si andrei pag me badtrip akong kasakay,
hindi dahil ayaw ko nang mag-commute at gusto kong magka-andrei uli,
namimiss ko kasi siya ang naaalala ko
tuwing ginagawa ko itong nasa baba.

i need one happy thought to fly.

Saturday, March 21, 2009

NO COMMENT... please.

NO COMMENT... please.
(kunwari celebrity ako,
ala anne curtis at sam milby kumbaga.
at kunwari naghihintay kayo nang sasabihin ko,
o nang isasagot ko, o nang itatapat ko sa ibang naglalabasang statements.
although i think medyo totoo naman ang pangalawang statement ko.
nyahahahaha...)


This time there are no two sides of a story,
if that is what he tells then,
that's it., that's the whole story.
I am not speaking up again.



thankyou na lang
kay.. (in order of appeareance)
kaythart-kaydaga-kaygangs-kaykeso-kaySHEBANGS-sapetnakaibigannya-kaymaster-
kayama-kayextrarice-kayelhombresecondrunnerup-kayseatmate-sacrngcafejuanita-
kaymamita-kaymanangnanagtitindangdyaryosatulay-kayprincessamp(forstayingupallnight)-
saelpueblo-sasidebar-sajolibee-kayhanibants-sananaynihanibants-kayenzo-sapcnilasabahay-
sakantangsoclosengenchanted-satrinoma-samenangesalon-sanagmasahesakin-kayleean-kaypaks-kayklit-
kaynanay-kayluis-kaygian-kaygabriel-kayjulia-kayteks-kayerpat-kaybadjo-kaybesy
at higit sa lahat kaykanjiboy - hindi man maintindihan ng maraming
hindi nakakakilala sa atin kung paano tayo magturingan as magkaibigan
nang walang malisya (at medyo nakakapikon na pag naiisip nila yun),
i am so glad that you're there to put some sense in my head.
hindi na kita bibiguin ngaun.
sinusunod kita, pangako ko yan kay keso.
hindi nyo na makikita uli ang side na mamamalimos ako.



my life is an empty page again.
i am writing down today that i am lucky. (secret kung bakit)
ill do everything to be the best i could ever be. (whooo.. i can feel the pressure. joke)
sabi ni casper, change doesnt happen overnight.
pero gusto kong sabihing... pwede. pero nanahimik na lang ako.
nakita ko.
nakita ko sa daport at sa dafourth. may isang bagay that changed overnight.
i will be my best - the best, next time, i promised that to myself.
(at tinaasan ako ng kilay ni amp)


not yet stargazing,
but I am back in business.
I am going back to my estero de balete to return the bentesingko.
and finally after almost a lifetime, I have decided,
I am getting a new phone. (3310 with whooper speakers, hehehe...)
to stop every person that i know
from nagging me that my phone needs to retire
at ang bagal ko magreply. hehehe...
hindi na kasi umeepek ung katwiran kong
"hindi ako mahilig magtext" or yung
"aalis din naman uli ako, aanhin ko pa yung celfone, d ko naman mggmit un dun"
medyo sentimental tong part na to nang buhay ko,
nakakaiyak,
hindi ko kayang mawala ang celfone ko na kay tagal ko nang kasama.
seryoso.
pers celfone ko kaya yun as normal na tao...
magmukha man akong may sayad.
iiyakan ko yun pag binitiwan ko na siya.
magpapapadyak pa.



maraming payo sa mundo,
marami kang kaibigan,
lahat sila may kanya kanyang style nang maipapayo sa iyo,
may mabuti, may subarashii, may panalo. may ok lang, may sablay, may ikakapahamak mo,
may something that will make you stupid, at may payo na may hidden agenda.
nasa sa iyo na yun kung aling payo ang susundin mo.
malas mo pag sablay na payo ang pinakingan mo,
malas mo pag may ibang agenda ang nagpayo sa'yo,
malas mo pag ang payong pinakingan mo,
eh hindi ang dapat na ginawa mo.
maswerte ako.
salamat keso at kanjiboy.
i will be better.


bagong lesson na dapat isapuso ko...
yesterday ended last night,
and today is a new day.

goodluck sandy este lena pala.
-hindi ko kasi nakuha to, pero ok na, ako na lang magsasabi sa sarili ko.



I am not speaking up again.
sorry... di ko kayo mapagbibigyan... v",)

single-life
here i come again... =)

selda uno: nang maging direktor ako

may bago akong kalokohang niluluto ngaun.
hihihi...
malapit na siyang matapos at para maipahiwatig kong
malapit na siyang matapos,
ginawan ko ng trailer.


naisip namin ito isang araw ni mursy at hanibants
habang nasa japan kami, october noon at
nalulungkot sa paglisan ni baby boy sa pabrika.
upang mawala ang aming kalungkutan
(naks, natatawa akong imaginin nagsenti nga ba kami?)
naisip naming magpaka-sweet at gumawa ng video,
kaya lang hindi ata bagay sa amin ang sweet,
at likas na ata sa amin na me sayad kami
kaya ang ka-sweetan eh nauwi sa kalokohan,
humingi pa ng ambag na dagdag topak ke amp at casper,
nga lang di ito natapos noon,
me iba kasi akong naisipang pagkaabalahan at ni-prioritize,
hndi naman kasisisisi...
pero since... malapit na ang muling anniversary sa pabrika
(shiyeeettt... 3 years na un?)
bago man lang ako maglaho,
makagawa ng kalokohan na magtatagal talaga.


ps:
nga pala, pasensha na sa hindi ko naisali dito,
hindi ko kasi naisip na may gugustuhing maging parte
nang kalokohang ito. lahat kasi ng isinali namin ni murs,
alam naming may history ng me topak sa ulo,
kya madali nang kumbinsihing sumali...

EXAMPLES:
brilyante: oi ako isali mo ko diyan sa movie nyo ha?
ako: ahmmm... sige. (siyet saan ko kaya siya ilalagay?)

R: oist lena ako din ako din,
kuhanan mo ko.
ako: ahmm... (isip) ok sige alam ko na gagawin mo.

ako: sali ka na.
J: ayaw.
ako: masaya to.
J: ayaw talaga.
ako: heto na kukuhanan na kita....
J: sandali lang tatayo ako para maganda ang anggulo.
(o kunwari ayaw..)

kung may nagtatampo, o magtatampo man in the future,
sabihan na lang ako.
baka magawan nang paraan. (me ganun pa. epal.)
basta si employee-na-nanlibre-ng-spiderman-samin-ni-
princess-at-exclamation-point-dati,
me bagong isasapuso tungkol sa amin.
kaya no problem na sa ngaun.
hehehe...


from the success of juvynobela (hi boss J!)
comes another kakalukang movie
heto na siya...
ang aking bagong pinagkakaabalahan.
ang pinaghirapan ni mursy,
pinag-aksayahan ng panahon ng iba pang cast,
pinagpuyatan ko...
at ikakahiya ni purple and green haired monster.
(bestprens parin tau after mo mapanood to ha?)
hehehe...


SELDA UNO:
the baby boy dormitorio true to life story
murder is my middle name.




(try pasting this link in your browser
if the video below doesn't play...
http://www.youtube.com/watch?v=CpsHL_sB7OQ)


maraming maraming thank you's sa mga cast ng katopakan na to..
pero hindi pa full yung thank you,
tapusin muna natin ang shooting ni mursy.

pinagpaalam ko pala sa lahat ng cast itong
pag-upload ko ng video...
ay teka! nalimutan ko ata magpaalam ke mursy...
nagpaalam ata ako...
ay teka, hindi ata..
nagpaalam nga ba ako?
teka di ko maalala...
nagpaalam ba ko sau murs??? =)


Friday, March 20, 2009

ADIEUX 2006 and 15 photos of this story

from two latin words,
AD - meaning near
Dieu - meaning God
Adieux, then, basically means being near God, with God.

ooopppss. hindi spiritual entry ito.
read on...

walang pasok sa pabrika sa Japan ngaung araw na to,
kaya ni-FL ang buong pabrika namin dito.

ayos!

napagkasunduan namin ni elhombreSecondRunnerup
na sabay namin kuhanin ang yearbyk namin.
natawatawa pa kami,
limang taon kaming magkasabay pumasok sa campus ng estupidents,
pro ni minsan
hindi kami nagbatian noon,
kung hindi lang siguro kami naging magkagrupo
sa pabrikang pinapasukan namin
eh malamang hindi pa rin kami magpapansinan nito.
nyahahahaha...


heto na:
=======================================================
ang perstaym na magkasama kaming papasok sa campus ni Elhombre2
at ang muling pagbabalik ko sa campus
ng walang taong-ayaw-matulog sa tabi ko
at isang update sa mga estupidents na matgal tagal na panahon ng
di nagagawi sa ex-iskul naming lahat.

=======================================================

antagal ko nang di nagagawa ang
commute na papunta sa iskul
tricycle -> fx to santolan -> LRT2 to legarda -> bus to ayala
bumaba ako, tulad ng dati sa intersection ng ayala at san marcelino,
napa-wooo ako secretly nang makitang maayos na ang sidewalk nun,
hindi na nagkalat ang parang bubog ng hollowblocks,
naka-tiles nang maliliit. hanep!
bago tumawid,
napatanaw pa ko sa dating dorm ko sa kahabaan ng ayala,
buhay pa rin ang haunted building na yun.
andun pa rin kaya sina christine? nyeks, di bale na.

medyo malayo layo pa ang lalakarin papuntang ex-iskul
nadaanan ko ung bilyaran na madalas kong
puntahan pag nababagot ako sa dorm,
sarado na pala.

nagkita kami ni elhombre sa may simbahan
natawa ako, me design ng gold gold na di ko alam ung taas
ng simbahan ngaun, hanep uli!
dumaan kami ng ST gate,
nagbakasakali akong umeepek parin ang charm ko
at papasukin ako ng guard,
pro bigo ako, naka-ismayl si ate at sinabing
wag akong epal at sa CS ako dumaan kasi hindi na ko estudyante,
alumni na daw ako. whoooo...

FIRST PIKTYUR:
pumasok kami sa CS
(shmpre, diretso kami kunwari sa may IDEA
para di mapansin ng guard na me plano kaming ikutin ang buong campus
bago umuwi)
natatwa pa ko, makikita ko uli ang window14,
andun pa kaya si gori? at si angel?
pagpasok, bumungad ang isang istatwa, sa tapat mismo ng window 14,

nilapitan ko yun at binasa ang nakasulat.
sabi sa dulo:
"EMPTY SPACES ON THE BENCHES AND EVEN ST. VINCENT'S LAP SUBCONSIOUSLY INVITE US TO SIT DOWN AND BE A PART OF THE HAPPY PICTURE".


okey...
naisipan kong magpapiktyur dun para me piktyur naman akong
kasama si st. vincent, for 5 years kasi tanging sa
bluebook lang kami nagkikita nito, at tuwing me exam.
pro napatingin ako sa bandang ibaba ng istatwa,
consistent naman talaga ang ex-iskul sa pagpapatawa sakin
at pagpapailing... sabi ng caption ng istatwa,


SECOND PIKTYUR:
nakarating din kami ng IDEA (haha! alam kong hanapin kung asan yun!)
at andun si dimples,
muntik pa kong mapaatras,
iba na kasi ung hitsura ng ofis ng IDEA ngaun,
medyo artistic na.. medyo makulay,
tapos akala ko elementary student si dimples,
mukha kasi siyang kyut na kyut na batang
nagtanong nang "anong kelangan nyo po maam?".
very maasikaso siya kya plus points ang review nya samin.
naibigay nya samin ang yearbook,
pero my-betcha-buy-golly-wow!
ubod pala ng bigat yun, shiyet!
hndi kinaya ng athletic kong pangangatawan ang yearbook.



THIRD PICTURE:
sina manong guard. nakasalubong namin sila habang naglalakad kami,
at akalain mong, after 3 years nang di namin pagkikita
eh andun pa rin ang same feelings ko for them.
pagkakita ko sa kanila lalo nang makilala ko si manong senior
(ung payat na singkit ang mata na maitim na medyo
me edad na at may 100% pure accent ng visayan language...
tama andun parin siya mga kaibigan!)
alam kong hindi na ko estudyante dun,
at wala na siyang magagawa pa sa akin para
mabigyan uli ako ng papel na magreresulta ng
pagbisita uli sa kwarto ni brother henry at magsulat ng
"i promise to follow... chuva chenes and be a good girl from now on"
nang x-hundred times bago makapag-enroll.
pero di ko mapigilang
manumbalik yung pagnanais kong umiwas kina manong,
di ko maipaliwanag na pagkakaba,
binago ko agad ang expression ng mukha ko -
yung "the innocent look"?,
(tikom ang bibig, malungkot ang mata at kunwari walang pera
tapos titingin sa relo sa kamay na parang naiinip)
napa-siyet ako ng mahina sa sarili ko
kasi pasimpleng chineck ko ang ayos ko - kung may ID ba ko?
naka-tsinelas ba ko? at tama ba ang suot kong damit?
sangkot na naman ba ko sa kaingayan sa kumbento?
natatawang napailing na lang si elhombre2 sa
ginawa ko.
pagkalagpas sa kanila,
nilabas ko ang camera ko at kinuhanan si manong senior,
remembrance lang. =)

FOURTH PICTURE:
pag-akyat ng CS, andun pa rin ang familiar scent ng
CR malapit sa hagdanan,
shiyeeettt.. hindi na naman na-flush nang maayos!
pambihira, walang pinagbago ang CS.
pag-akyat sa taas, wala na ang ibang classroom dun,
naging isang malaking bakanteng space siya at nilagyan ng benches.
wala na yung unang classroom kung saan perstaym kong
nakilala si kanjiboy. =(
magpapa-piktyur pa naman sana ako dun.


pro ok lang,
inikot namin ang 2nd floor at nadaanan ko yng peborit classroom
na tinatambayan namin noon,
peborit kasi aircon to at madalas bakante.
sarap matulog, mag-review,
mag-compare-an ng assignements, pag mali,
sarap kumopya ng assignments, magpalipas oras
kumain, makipag-chikahan, magsabihan ng sikreto, at magdramahan.
saktong pinupwesto ko ang camera ko nang pumasok si manong guard,
siyet, he never fails to make my heart beat so fast talaga,
muntik ko nang maisubo ang camera ko para maitago sa kanya yun.
bigla itong nagtanong kung me klase ba daw kami doon.
yung usual na effect niya na in-interogate nya ko
siyet, pakiramdam ko, yari na naman ako,
napa-ismayl na lang sabay sabing "wala po manong eh."
(kasabay nito ang pagdarasal ko na sana, umeepek parin ang charm ko ke manong)
pero nabigo ako!
tinanong ako kung me permit ba daw ako para magpiktyur taking dun.
aba shet... mayayari nga ata ako.
napalingon si manong guard ke elhombre na naka-innocent look din,
at hawak hawak nito ang yearbook namin,
biglang nagbago ang expression ni manong guard,
nag-ismayl ito at sinabing
"AY ALUMNI PO PALA KAU MAAM, sige po..."

taadaaaaaaaaaaaann..
ayun naman pala,
mabait sina manong guard sa mga alumni.
wohoooooo... solb.

FIFTH PIKTYUR:
Kuha ang piktyur na to sa loob ng peborit kong clasroom.diyan ako nakaupo noon, sa dulong row ng classroom. sa ikatlong upuan mula dun sa may C2 na bote, kung san ka pwedeng makipagdaldalan nang di namamalayan ng prof mo, basta iyuyuko mo lang ng konti ang ulo mo. at ang dami kong naalalang memories sa kwartong ito... pero hindi ako nagsesenti ha? mas lamang yung pagkatawa ko sa kababawan ng buhay ko noon, sobrang simple.

ISANG WALANG KWENTANG JOKE NUNG COLLEGE SA SKUL:
Question: Paano mo malalaman na taga-adamson ang isang estudyante pag nakatalikod ito?
ANSWER: Malalaman mong taga-adamson siya pag me horizontal line na design sa damit nya na parang kino-connect yung hidden point sa center ng left lung niya papunta sa right lung niya. hehehe... di mo ba gets? malamang di ka taga-adamson. kasama sa mga pinoproblema ko madalas noong college eh yang upuan na piniktyuran ko, ewan ko ba! bakit di maisipan ng ex-iskul ko na palitan ang upuan sa may CS, puro kalawang kasi yun, kaya pag dumikit ang likod mo dito garantisadong markado ng isang makapal na horizontal line ang damit mo gawa ng kalawang yun.


SIXTH PIKTYUR:
umakyat kami ng fourth floor,
ito ang floor nang mga first years,
so bale 8years ago nang una akong pumasok sa isa sa mga classroom doon,

pag-akyat nagtaka kami ni elhombre kasi iba na ang view.
wala na ung mga drawing table sa 3rd floor
kung san pwede mong gawing pasttime ang pagtanaw sa mga
architecture students kung me poging lalake o sexyng babae sa kanila
habang nag-ddrawing...


SEVENTH PIKTYUR:
nakita ko ang unang classroom ng mga taong ayaw matulog!
yiheeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!
kaya lang, naka-lock ung pinto, hindi pwedeng pumasok,
tumayo na lang ako sa labas nito at pinagmasdan ang
pinaka-espesyal na kuwarto sa buong CS,


EIGHTH PIKTYUR:
sa fire exit ng CS...
sarap tumambay dito sa lugar na to.
presko kasi, tska ewan ganda ng view,
view ng akasya tree... hehehe...
kinuha ko to para ipaalala
yung sikat ng araw sa fire exit na nakapang-aakit tambayan.
dito ako madalas turuan at i-refresh ni thart nun
kapag sinumpong ako ng hilig ko sa pag- absent
at pagpasok ko feeling ko nasa ibang dekada na ang lessons.


NINTH PIKTYUR:
sino ang mag-aakalang lalagyan ng fountain ang ST quadrangle?
dito sa pwestong to, dati nakatayo yung hotdog stand.
naalala ko dati, nakapulot ng malaking halaga ng pera
dito si utan habang kumakain kami, pang-tuition na nga yun kung tutuusin,
halos magpiyesta ang ilang taong ayaw matulog na nakaalam nun kasi,
magkaka-libreng party na naman sana.
kaya lang... hmmmm... di ko na matandaan ang nangyari sa pera.
pro parang hindi ata napunta ke utan yun,
parang isinoli ata or something.
utan paalala mo nga anong nangyari? hehehe...


TENTH PIKYUR:
ang pinakamamahal kong OZ carpark. 50% ata ng idle time ng stay ko sa ex-iskul ko eh dito sa carpark na to ko inalalagi. madalas akong mag-solo trip dito para magbasa, magsenti, mag-aral. naaalala ko pa ang isang antipatikang klasmeyt ko ng isang summer, na badtrip na badtrip sakin kasi hindi ko pinapahiram ng solutions ko sa isang subject dahil alam kong linta siya at user (as in pag me kelangan lang dun lumalapit) isang beses nakasabay ko siya dun at kasama nya ang isang friendly friend nya, akala ata nya sobra ang pagkabingi ko at di ko maririnig ang pagsabi niyang "andito na naman ang weirdong nerd na yan, kabwiset." hahaha... okay na sana yung weirdo eh, tangap ko pa yun, pero yung nerd, hahaha... alam kong mnsan eh, kaya ko pinipiling magisa at malayo kina babs eh para makapag-aral ako ng matino, pero hndi ko ata maituturing na nerd ang sarili ko, si kanjiboy yun eh! hahaha...

nabawasan ung mga benches sa carpark. sa pwestong to kung asaan ang motorsiklo, diyan kami dati nakaupo ni unti-unting-mararating nang makita naming padating ang members ng isang frat, nang matunugan naming kami ang pakay nila, nagtatakbo kaming dalawa palayo (mukhang ogag), pero naabutan parin kami, mga epal, manghihingi daw pala ng piktyur ke unti-unting mararating, kasama daw sa initiation nila. mga unggoy! idadamay pa kami sa kalokohan nila!


ELEVENTH PIKTYUR:
ang pasilyo ng OZ sa tapat ng CpE department, kung saan
madalas kaming nakahandusay pag naghihintay ng klase sa laboratory, pag enrollment, pag may hinihntay sa loob ng faculty, o basta may hinihintay. madalas naming lampasuhin ang pasilyo nito, kasi... nakakatamad tumayo.


TWELFTH PIKTYUR:
eto ang isang sulok sa likod ng OZ building, cheating corner ito noon, madalas magpasahan ng answers sa sulok na to pag actual exams, dito nag-aabang ang mga mapapalad na taong-ayaw-matulog na huli sa actual exams at dito dumidiretso ang bayaning kabarkada na handang isakripisyong mas matataasan siya ng katropa niya kasi i-sh-share nya ang naging "experience" sa loob ng hands-on exam.


THIRTEENTH PIKTYUR:
ang ibaba ng CS building, hala, nawawala ung piktyur ko ng bagong look ng mini-park malapit sa CS, heto na
lang.. may isang bagong istatwa na naman dito.
hanep! nahihilig na sa paglalagay ng kung ano anong
istatwa ang ex-iskul ko.

may mga bagong benches din kung san di ko natiis na buklatin na ang yearbook ko
at tingnan kung ano ang nakasulat dun... medyo natawa lang ako ng hanapin ko si bisprin melds. hahaha... hindi siya yun! ibang katawan yun at inilagay lang ang mukha nya. bakit kaya nagkaganun yun??? ah meron pa palang isa pang nagpatawa sakin,
ganda ng quote ni utan. hahaha! pro ang ipinagtataka ko... baket wala si babs at bebets sa yirbuk???? bakeeeeeeeetttttt???


FOURTEENTH PIKTYUR:
ang tulay sa estero de balete, sa puntong ito, ibinalik ko na ang lumang bente singko at nag-wish muli ng bagong kajologsang moment ng isang piso naman this time. big time na ko, piso na hinulog ko! hihihi...







FIFTEENTH PIKTYUR:
may bagong pauso ang canteen sa may malapit sa high school building. natawa kasi ako, madalas din kasi naming gawing tambayan yun kahit di kami kumakain, kasi puro elementary at high school ang kumakain dun, feeling superior. tsaka, masarap yung bake mac dito eh. mas maluwag pa kesa sa ST. pro ngaun, bawal na daw tumambay dun.

speaking of ST.
pwede ko ba namang palagpasing hindi silipin ang pao tsin?!? eh noon kahit mangamoy teriyaki ako (katabi kasi nito ung tindahan ng teriyaki) pipila at pipila ako, mkakain lang ng pao tsin. (langya ang babaw ko... )


madami pa kong di napiktyuran nung araw na yun,
di bale di ko pa nakukuha yung graduation pictures ko,
ang haba kasi ng pila sa photo studio,
kaya sabi ko next time,
para may reason pa uli ako para bumiyahe ng malayo
at bumalik sa ex-iskul ko.







paguwi ko ng bahay, may ksama palang CD ang yearbuk na nakuha ko,
nagbukas ang flash chuvanes ng ex-iskul ko pagkasaksak ko sa PC ko,
hinanap ko ang graduates of morning session ng March 28, 2006
sa search options nito,
binuksan ko ito at ito ang hinanap ko kaagad.
napangiti ako...
hindi...
nanghilakbot ako.





Adieux. The annual bids farewell to year 2006,
the memories, the personalities, the events, and most especially, the graduates.
It is oversized fare three-well card wishing one and all well-being at the time of parting. It stresses the obvious, the saying of goodbye after years of being together within the institution of learning.

Adieux. God be with you as you leave adamson university

Thursday, February 26, 2009

isang huling tagay mula kay eyebag

unang araw ng aking pagdating
abente-sais sa pabrikang ito.
wala ka,
sick leave ka daw sabi nila,
wlang trainor, tumunganga muna daw ako sa pc ko at hintaying tumunog ang bell.

abente siyete
nakita kita,
umagang umaga
sa loob ng cr
ipinakilala ka ni tarzan,
naalala mo pa kaya?

ikalawang araw din,
tinawag ako ni diyes at ipinakilala ka
sa tapat ng monitoring board
tinadtad mo ko ng tanong at ako'y napatawa.
marahil
sabik na sabik kang makita ako
alam mong maintindihan kita, at alam kong maiintndihan mo ako.
ako ang hinintay mo nang kay tagal di ba sabi mo?
epal ka, iniwan mo naman ako.
sabay sana taung nagpakilala sa pabrikang ito,
nga lang kasi,
nalimutan ako ni tinee nung abente kuwatro.


alang rhyme ang gawa kong to,
walang sense dahil di nila naintndhan
pero alam kong alam mo
na kung magkakaroon ka ng kopya nito
matatawa ka kung babangitin kong
naalala mo ba si dee-bee, si habit, at si pulubi?
may halaga ba sau ang tri-terti?
ang fonebuk, hindi ba maskit sa kilikili?
hirap ka ba noon sa bulate?
at alam mong kahit magsalita ka'y walang mangyayari?
hinahanap mo ba ang checklist?
nabigay ko naman ang hiling mo sa wishlist.

sa wendys may sitaw, sa port plor me palitaw
sa dencios may banda pag tuesday
sa shang dun tayo nagbertdey.
sa tiendesitas may bukol, may drama at may security guard,
salamat sa ikalabingsiyaw na sigaw mo para sating dalawa.
sa sidebar may muai-thai, sa doi may chu hai.
sa bigchill may pakwan, sa starbux may mocca,
sa elpolo may manok, sa chowking may raaarrr...
sa isabel may hagdan,
may uaap at ncaa na labanan.
sa glorietta wag tumawa,
lokohin si manong at ikaw'y pa-sinehan
sa capinpin, binuo mo ang maleta ko
sa greenhills nawala ang sikreto ko.
sa bagong ilog may overnight,
sa congo na lang tayo walang pwesto tonight.
panalo ang rhyming ko, jologs pakinggan
kaya ibabalik ko na sa normal kong ewan.


nahanap ko na ang checklist,
nga lang hindi mo na ko masasaluhan.
Hirap ako sa bulate, andaya,
alam kong wala ka na para sa isang tapik sa balikat.
nagbubukas parin ako ng notepad, nga lang,
di na’to nagmumura,nagpapayo o nagsusumbong
napapanatanaw parin ako sa kanan ko,
ilang beses sa isang lingo,
akala nga siguro nang ibang andun,
me kras ako sa kanya,
napapatanaw ako sa kanan
may naisip kasi akong nakakatawa, may subarashii idea pa uli.
badtrip ako pasipa naman siya.
napapatanaw pa rin ako sa kanan ko
umaasang baka sa lingon kong yon,
ma-i-dulang ko ang upuan ko
papunta sa pwesto mo
at bumulong ng kung ano
tungkol sa dee-bee para sumaya ka
o bumulong para mapayapa ako.

napapatanaw ako sa kanan ko.
umaasang matanaw uli kita
at maalala mong tri-terti na,
tapos payb-terti na uli,
business trip na natin,
magri-ring ang telepono
at di ko mpigilang mapalingon sa kanan ko.
Nakakatawa,
nalilimutan kong hindi ka nga pala tatawag para chek-up-in ako.


Ngayon ang karir sa tagay,wala nang mararating.
ang ating panlasa ay pumangit na at
Wala na akong balak na ito’y ibalik pa.

Ngunit… ito’y kakalimutan ko ngayong gabi,
dangan kasi, tadhanang maiwan ako
at ganbatte ang inyong hiling.
Pro wag mangamba ako’y laging ngingiti,
Sisikapin kong hindi magpapatalo sa kahit anong pighati.

ito'y isang tagay…
kay hemhem at kay deedee.
sa mga samdey na nawala na,
at sa DR table na sa tanghali'y bakante na…
konting katahimikan, isang pag-alala sandali
isang tanaw sa kanan,
isang tagay uli.
para sa bagong buhay na ating haharapin,
para sa bagong umaga
na wala ka na sa aking tabi.


ready one, two, three,
raaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrr...