Friday, March 20, 2009

ADIEUX 2006 and 15 photos of this story

from two latin words,
AD - meaning near
Dieu - meaning God
Adieux, then, basically means being near God, with God.

ooopppss. hindi spiritual entry ito.
read on...

walang pasok sa pabrika sa Japan ngaung araw na to,
kaya ni-FL ang buong pabrika namin dito.

ayos!

napagkasunduan namin ni elhombreSecondRunnerup
na sabay namin kuhanin ang yearbyk namin.
natawatawa pa kami,
limang taon kaming magkasabay pumasok sa campus ng estupidents,
pro ni minsan
hindi kami nagbatian noon,
kung hindi lang siguro kami naging magkagrupo
sa pabrikang pinapasukan namin
eh malamang hindi pa rin kami magpapansinan nito.
nyahahahaha...


heto na:
=======================================================
ang perstaym na magkasama kaming papasok sa campus ni Elhombre2
at ang muling pagbabalik ko sa campus
ng walang taong-ayaw-matulog sa tabi ko
at isang update sa mga estupidents na matgal tagal na panahon ng
di nagagawi sa ex-iskul naming lahat.

=======================================================

antagal ko nang di nagagawa ang
commute na papunta sa iskul
tricycle -> fx to santolan -> LRT2 to legarda -> bus to ayala
bumaba ako, tulad ng dati sa intersection ng ayala at san marcelino,
napa-wooo ako secretly nang makitang maayos na ang sidewalk nun,
hindi na nagkalat ang parang bubog ng hollowblocks,
naka-tiles nang maliliit. hanep!
bago tumawid,
napatanaw pa ko sa dating dorm ko sa kahabaan ng ayala,
buhay pa rin ang haunted building na yun.
andun pa rin kaya sina christine? nyeks, di bale na.

medyo malayo layo pa ang lalakarin papuntang ex-iskul
nadaanan ko ung bilyaran na madalas kong
puntahan pag nababagot ako sa dorm,
sarado na pala.

nagkita kami ni elhombre sa may simbahan
natawa ako, me design ng gold gold na di ko alam ung taas
ng simbahan ngaun, hanep uli!
dumaan kami ng ST gate,
nagbakasakali akong umeepek parin ang charm ko
at papasukin ako ng guard,
pro bigo ako, naka-ismayl si ate at sinabing
wag akong epal at sa CS ako dumaan kasi hindi na ko estudyante,
alumni na daw ako. whoooo...

FIRST PIKTYUR:
pumasok kami sa CS
(shmpre, diretso kami kunwari sa may IDEA
para di mapansin ng guard na me plano kaming ikutin ang buong campus
bago umuwi)
natatwa pa ko, makikita ko uli ang window14,
andun pa kaya si gori? at si angel?
pagpasok, bumungad ang isang istatwa, sa tapat mismo ng window 14,

nilapitan ko yun at binasa ang nakasulat.
sabi sa dulo:
"EMPTY SPACES ON THE BENCHES AND EVEN ST. VINCENT'S LAP SUBCONSIOUSLY INVITE US TO SIT DOWN AND BE A PART OF THE HAPPY PICTURE".


okey...
naisipan kong magpapiktyur dun para me piktyur naman akong
kasama si st. vincent, for 5 years kasi tanging sa
bluebook lang kami nagkikita nito, at tuwing me exam.
pro napatingin ako sa bandang ibaba ng istatwa,
consistent naman talaga ang ex-iskul sa pagpapatawa sakin
at pagpapailing... sabi ng caption ng istatwa,


SECOND PIKTYUR:
nakarating din kami ng IDEA (haha! alam kong hanapin kung asan yun!)
at andun si dimples,
muntik pa kong mapaatras,
iba na kasi ung hitsura ng ofis ng IDEA ngaun,
medyo artistic na.. medyo makulay,
tapos akala ko elementary student si dimples,
mukha kasi siyang kyut na kyut na batang
nagtanong nang "anong kelangan nyo po maam?".
very maasikaso siya kya plus points ang review nya samin.
naibigay nya samin ang yearbook,
pero my-betcha-buy-golly-wow!
ubod pala ng bigat yun, shiyet!
hndi kinaya ng athletic kong pangangatawan ang yearbook.



THIRD PICTURE:
sina manong guard. nakasalubong namin sila habang naglalakad kami,
at akalain mong, after 3 years nang di namin pagkikita
eh andun pa rin ang same feelings ko for them.
pagkakita ko sa kanila lalo nang makilala ko si manong senior
(ung payat na singkit ang mata na maitim na medyo
me edad na at may 100% pure accent ng visayan language...
tama andun parin siya mga kaibigan!)
alam kong hindi na ko estudyante dun,
at wala na siyang magagawa pa sa akin para
mabigyan uli ako ng papel na magreresulta ng
pagbisita uli sa kwarto ni brother henry at magsulat ng
"i promise to follow... chuva chenes and be a good girl from now on"
nang x-hundred times bago makapag-enroll.
pero di ko mapigilang
manumbalik yung pagnanais kong umiwas kina manong,
di ko maipaliwanag na pagkakaba,
binago ko agad ang expression ng mukha ko -
yung "the innocent look"?,
(tikom ang bibig, malungkot ang mata at kunwari walang pera
tapos titingin sa relo sa kamay na parang naiinip)
napa-siyet ako ng mahina sa sarili ko
kasi pasimpleng chineck ko ang ayos ko - kung may ID ba ko?
naka-tsinelas ba ko? at tama ba ang suot kong damit?
sangkot na naman ba ko sa kaingayan sa kumbento?
natatawang napailing na lang si elhombre2 sa
ginawa ko.
pagkalagpas sa kanila,
nilabas ko ang camera ko at kinuhanan si manong senior,
remembrance lang. =)

FOURTH PICTURE:
pag-akyat ng CS, andun pa rin ang familiar scent ng
CR malapit sa hagdanan,
shiyeeettt.. hindi na naman na-flush nang maayos!
pambihira, walang pinagbago ang CS.
pag-akyat sa taas, wala na ang ibang classroom dun,
naging isang malaking bakanteng space siya at nilagyan ng benches.
wala na yung unang classroom kung saan perstaym kong
nakilala si kanjiboy. =(
magpapa-piktyur pa naman sana ako dun.


pro ok lang,
inikot namin ang 2nd floor at nadaanan ko yng peborit classroom
na tinatambayan namin noon,
peborit kasi aircon to at madalas bakante.
sarap matulog, mag-review,
mag-compare-an ng assignements, pag mali,
sarap kumopya ng assignments, magpalipas oras
kumain, makipag-chikahan, magsabihan ng sikreto, at magdramahan.
saktong pinupwesto ko ang camera ko nang pumasok si manong guard,
siyet, he never fails to make my heart beat so fast talaga,
muntik ko nang maisubo ang camera ko para maitago sa kanya yun.
bigla itong nagtanong kung me klase ba daw kami doon.
yung usual na effect niya na in-interogate nya ko
siyet, pakiramdam ko, yari na naman ako,
napa-ismayl na lang sabay sabing "wala po manong eh."
(kasabay nito ang pagdarasal ko na sana, umeepek parin ang charm ko ke manong)
pero nabigo ako!
tinanong ako kung me permit ba daw ako para magpiktyur taking dun.
aba shet... mayayari nga ata ako.
napalingon si manong guard ke elhombre na naka-innocent look din,
at hawak hawak nito ang yearbook namin,
biglang nagbago ang expression ni manong guard,
nag-ismayl ito at sinabing
"AY ALUMNI PO PALA KAU MAAM, sige po..."

taadaaaaaaaaaaaann..
ayun naman pala,
mabait sina manong guard sa mga alumni.
wohoooooo... solb.

FIFTH PIKTYUR:
Kuha ang piktyur na to sa loob ng peborit kong clasroom.diyan ako nakaupo noon, sa dulong row ng classroom. sa ikatlong upuan mula dun sa may C2 na bote, kung san ka pwedeng makipagdaldalan nang di namamalayan ng prof mo, basta iyuyuko mo lang ng konti ang ulo mo. at ang dami kong naalalang memories sa kwartong ito... pero hindi ako nagsesenti ha? mas lamang yung pagkatawa ko sa kababawan ng buhay ko noon, sobrang simple.

ISANG WALANG KWENTANG JOKE NUNG COLLEGE SA SKUL:
Question: Paano mo malalaman na taga-adamson ang isang estudyante pag nakatalikod ito?
ANSWER: Malalaman mong taga-adamson siya pag me horizontal line na design sa damit nya na parang kino-connect yung hidden point sa center ng left lung niya papunta sa right lung niya. hehehe... di mo ba gets? malamang di ka taga-adamson. kasama sa mga pinoproblema ko madalas noong college eh yang upuan na piniktyuran ko, ewan ko ba! bakit di maisipan ng ex-iskul ko na palitan ang upuan sa may CS, puro kalawang kasi yun, kaya pag dumikit ang likod mo dito garantisadong markado ng isang makapal na horizontal line ang damit mo gawa ng kalawang yun.


SIXTH PIKTYUR:
umakyat kami ng fourth floor,
ito ang floor nang mga first years,
so bale 8years ago nang una akong pumasok sa isa sa mga classroom doon,

pag-akyat nagtaka kami ni elhombre kasi iba na ang view.
wala na ung mga drawing table sa 3rd floor
kung san pwede mong gawing pasttime ang pagtanaw sa mga
architecture students kung me poging lalake o sexyng babae sa kanila
habang nag-ddrawing...


SEVENTH PIKTYUR:
nakita ko ang unang classroom ng mga taong ayaw matulog!
yiheeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!
kaya lang, naka-lock ung pinto, hindi pwedeng pumasok,
tumayo na lang ako sa labas nito at pinagmasdan ang
pinaka-espesyal na kuwarto sa buong CS,


EIGHTH PIKTYUR:
sa fire exit ng CS...
sarap tumambay dito sa lugar na to.
presko kasi, tska ewan ganda ng view,
view ng akasya tree... hehehe...
kinuha ko to para ipaalala
yung sikat ng araw sa fire exit na nakapang-aakit tambayan.
dito ako madalas turuan at i-refresh ni thart nun
kapag sinumpong ako ng hilig ko sa pag- absent
at pagpasok ko feeling ko nasa ibang dekada na ang lessons.


NINTH PIKTYUR:
sino ang mag-aakalang lalagyan ng fountain ang ST quadrangle?
dito sa pwestong to, dati nakatayo yung hotdog stand.
naalala ko dati, nakapulot ng malaking halaga ng pera
dito si utan habang kumakain kami, pang-tuition na nga yun kung tutuusin,
halos magpiyesta ang ilang taong ayaw matulog na nakaalam nun kasi,
magkaka-libreng party na naman sana.
kaya lang... hmmmm... di ko na matandaan ang nangyari sa pera.
pro parang hindi ata napunta ke utan yun,
parang isinoli ata or something.
utan paalala mo nga anong nangyari? hehehe...


TENTH PIKYUR:
ang pinakamamahal kong OZ carpark. 50% ata ng idle time ng stay ko sa ex-iskul ko eh dito sa carpark na to ko inalalagi. madalas akong mag-solo trip dito para magbasa, magsenti, mag-aral. naaalala ko pa ang isang antipatikang klasmeyt ko ng isang summer, na badtrip na badtrip sakin kasi hindi ko pinapahiram ng solutions ko sa isang subject dahil alam kong linta siya at user (as in pag me kelangan lang dun lumalapit) isang beses nakasabay ko siya dun at kasama nya ang isang friendly friend nya, akala ata nya sobra ang pagkabingi ko at di ko maririnig ang pagsabi niyang "andito na naman ang weirdong nerd na yan, kabwiset." hahaha... okay na sana yung weirdo eh, tangap ko pa yun, pero yung nerd, hahaha... alam kong mnsan eh, kaya ko pinipiling magisa at malayo kina babs eh para makapag-aral ako ng matino, pero hndi ko ata maituturing na nerd ang sarili ko, si kanjiboy yun eh! hahaha...

nabawasan ung mga benches sa carpark. sa pwestong to kung asaan ang motorsiklo, diyan kami dati nakaupo ni unti-unting-mararating nang makita naming padating ang members ng isang frat, nang matunugan naming kami ang pakay nila, nagtatakbo kaming dalawa palayo (mukhang ogag), pero naabutan parin kami, mga epal, manghihingi daw pala ng piktyur ke unti-unting mararating, kasama daw sa initiation nila. mga unggoy! idadamay pa kami sa kalokohan nila!


ELEVENTH PIKTYUR:
ang pasilyo ng OZ sa tapat ng CpE department, kung saan
madalas kaming nakahandusay pag naghihintay ng klase sa laboratory, pag enrollment, pag may hinihntay sa loob ng faculty, o basta may hinihintay. madalas naming lampasuhin ang pasilyo nito, kasi... nakakatamad tumayo.


TWELFTH PIKTYUR:
eto ang isang sulok sa likod ng OZ building, cheating corner ito noon, madalas magpasahan ng answers sa sulok na to pag actual exams, dito nag-aabang ang mga mapapalad na taong-ayaw-matulog na huli sa actual exams at dito dumidiretso ang bayaning kabarkada na handang isakripisyong mas matataasan siya ng katropa niya kasi i-sh-share nya ang naging "experience" sa loob ng hands-on exam.


THIRTEENTH PIKTYUR:
ang ibaba ng CS building, hala, nawawala ung piktyur ko ng bagong look ng mini-park malapit sa CS, heto na
lang.. may isang bagong istatwa na naman dito.
hanep! nahihilig na sa paglalagay ng kung ano anong
istatwa ang ex-iskul ko.

may mga bagong benches din kung san di ko natiis na buklatin na ang yearbook ko
at tingnan kung ano ang nakasulat dun... medyo natawa lang ako ng hanapin ko si bisprin melds. hahaha... hindi siya yun! ibang katawan yun at inilagay lang ang mukha nya. bakit kaya nagkaganun yun??? ah meron pa palang isa pang nagpatawa sakin,
ganda ng quote ni utan. hahaha! pro ang ipinagtataka ko... baket wala si babs at bebets sa yirbuk???? bakeeeeeeeetttttt???


FOURTEENTH PIKTYUR:
ang tulay sa estero de balete, sa puntong ito, ibinalik ko na ang lumang bente singko at nag-wish muli ng bagong kajologsang moment ng isang piso naman this time. big time na ko, piso na hinulog ko! hihihi...







FIFTEENTH PIKTYUR:
may bagong pauso ang canteen sa may malapit sa high school building. natawa kasi ako, madalas din kasi naming gawing tambayan yun kahit di kami kumakain, kasi puro elementary at high school ang kumakain dun, feeling superior. tsaka, masarap yung bake mac dito eh. mas maluwag pa kesa sa ST. pro ngaun, bawal na daw tumambay dun.

speaking of ST.
pwede ko ba namang palagpasing hindi silipin ang pao tsin?!? eh noon kahit mangamoy teriyaki ako (katabi kasi nito ung tindahan ng teriyaki) pipila at pipila ako, mkakain lang ng pao tsin. (langya ang babaw ko... )


madami pa kong di napiktyuran nung araw na yun,
di bale di ko pa nakukuha yung graduation pictures ko,
ang haba kasi ng pila sa photo studio,
kaya sabi ko next time,
para may reason pa uli ako para bumiyahe ng malayo
at bumalik sa ex-iskul ko.







paguwi ko ng bahay, may ksama palang CD ang yearbuk na nakuha ko,
nagbukas ang flash chuvanes ng ex-iskul ko pagkasaksak ko sa PC ko,
hinanap ko ang graduates of morning session ng March 28, 2006
sa search options nito,
binuksan ko ito at ito ang hinanap ko kaagad.
napangiti ako...
hindi...
nanghilakbot ako.





Adieux. The annual bids farewell to year 2006,
the memories, the personalities, the events, and most especially, the graduates.
It is oversized fare three-well card wishing one and all well-being at the time of parting. It stresses the obvious, the saying of goodbye after years of being together within the institution of learning.

Adieux. God be with you as you leave adamson university