unang araw ng aking pagdating 
abente-sais sa pabrikang ito. 
wala ka, 
sick leave ka daw sabi nila, 
wlang trainor, tumunganga muna daw ako sa pc ko at hintaying tumunog ang bell. 
abente siyete 
nakita kita, 
umagang umaga 
sa loob ng cr 
ipinakilala ka ni tarzan, 
naalala mo pa kaya? 
ikalawang araw din, 
tinawag ako ni diyes at ipinakilala ka 
sa tapat ng monitoring board 
tinadtad mo ko ng tanong at ako'y napatawa. 
marahil 
sabik na sabik kang makita ako 
alam mong maintindihan kita, at alam kong maiintndihan mo ako. 
ako ang hinintay mo nang kay tagal di ba sabi mo? 
epal ka, iniwan mo naman ako. 
sabay sana taung nagpakilala sa pabrikang ito, 
nga lang kasi, 
nalimutan ako ni tinee nung abente kuwatro. 
alang rhyme ang gawa kong to, 
walang sense dahil di nila naintndhan 
pero alam kong alam mo 
na kung magkakaroon ka ng kopya nito 
matatawa ka kung babangitin kong 
naalala mo ba si dee-bee, si habit, at si pulubi? 
may halaga ba sau ang tri-terti? 
ang fonebuk, hindi ba maskit sa kilikili? 
hirap ka ba noon sa bulate? 
at alam mong kahit magsalita ka'y walang mangyayari? 
hinahanap mo ba ang checklist? 
nabigay ko naman ang hiling mo sa wishlist. 
sa wendys may sitaw, sa port plor me palitaw 
sa dencios may banda pag tuesday 
sa shang dun tayo nagbertdey. 
sa tiendesitas may bukol, may drama at may security guard, 
salamat sa ikalabingsiyaw na sigaw mo para sating dalawa. 
sa sidebar may muai-thai, sa doi may chu hai. 
sa bigchill may pakwan, sa starbux may mocca, 
sa elpolo may manok, sa chowking may raaarrr... 
sa isabel may hagdan, 
may uaap at ncaa na labanan. 
sa glorietta wag tumawa, 
lokohin si manong at ikaw'y pa-sinehan 
sa capinpin, binuo mo ang maleta ko 
sa greenhills nawala ang sikreto ko. 
sa bagong ilog may overnight, 
sa congo na lang tayo walang pwesto tonight. 
panalo ang rhyming ko, jologs pakinggan 
kaya ibabalik ko na sa normal kong ewan. 
nahanap ko na ang checklist, 
nga lang hindi mo na ko masasaluhan. 
Hirap ako sa bulate, andaya, 
alam kong wala ka na para sa isang tapik sa balikat. 
nagbubukas parin ako ng notepad, nga lang, 
di na’to nagmumura,nagpapayo o nagsusumbong 
napapanatanaw parin ako sa kanan ko, 
ilang beses sa isang lingo, 
akala nga siguro nang ibang andun, 
me kras ako sa kanya, 
napapatanaw ako sa kanan 
may naisip kasi akong nakakatawa, may subarashii idea pa uli. 
badtrip ako pasipa naman siya. 
napapatanaw pa rin ako sa kanan ko 
umaasang baka sa lingon kong yon, 
ma-i-dulang ko ang upuan ko 
papunta sa pwesto mo 
at bumulong ng kung ano 
tungkol sa dee-bee para sumaya ka 
o bumulong para mapayapa ako. 
napapatanaw ako sa kanan ko. 
umaasang matanaw uli kita 
at maalala mong tri-terti na, 
tapos payb-terti na uli, 
business trip na natin, 
magri-ring ang telepono 
at di ko mpigilang mapalingon sa kanan ko. 
Nakakatawa, 
nalilimutan kong hindi ka nga pala tatawag para chek-up-in ako. 
Ngayon ang karir sa tagay,wala nang mararating. 
ang ating panlasa ay pumangit na at 
Wala na akong balak na ito’y ibalik pa. 
Ngunit… ito’y kakalimutan ko ngayong gabi, 
dangan kasi, tadhanang maiwan ako 
at ganbatte ang inyong hiling. 
Pro wag mangamba ako’y laging ngingiti, 
Sisikapin kong hindi magpapatalo sa kahit anong pighati. 
ito'y isang tagay… 
kay hemhem at kay deedee. 
sa mga samdey na nawala na, 
at sa DR table na sa tanghali'y bakante na… 
konting katahimikan, isang pag-alala sandali 
isang tanaw sa kanan, 
isang tagay uli. 
para sa bagong buhay na ating haharapin, 
para sa bagong umaga 
na wala ka na sa aking tabi. 
ready one, two, three, 
raaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrr...
 

