Friday, November 30, 2007

nang makalimutan kong shy-type pala ako...

hehehehe...
ang sabi ko mahiyain ako,
pero nung mapanood ko tong video na to
nagbago na ata ang pagtingin ko sa sarili ko,
"parang feel na feel lena ah,
kala mo naman ang galing galing mo,
mukha kang siraulo!!!!!!!!!!!!!!!
bwahahahaha..."



sa buong buhay ko eto ang kaunaunahang
pagkakataon na tutugtog ako sa harapan ng mga taong di ko kilala,
at eto rin ang first time kong makahawak ng
electric guitar (hehehe...) at perstaym ko ring
makilala si ampli, distortion at guitar effects
(nyay.. ignorante. eeewwwnesss...)
di ko alam pano ako nauto ni SONGER para
samahan siya sa trippings nyang to.
(pangako di na ko uulit...)


o siya,
panoorin at matawa.
heto na,
ang BANDA MALDITA. (huwaw! whatta...)

ah teka magpapaliwanag lang ako,
bago ka manood,
ung pagngiwi ko po eh dahil sa dalawang dahilan

una,
medyo malaks ang drums sa likod ko,
nagbababadyang mabasag ang eardrums ko,

pangalawa,
hndi ko marinig ang tunog ng gitara ko,
dahil natuluyan na ata ako sa pagkabingi,
me pagkakataon na mahina ang labas ng ampli eh,
(palusot pa..)

pangatlo
(teka kala ko ba dalawang dahilan lang?)
e di talga ako mapakali, shy type kunwari eh.
nanginginig kasi ung kamay ko.


ang unang video na to,
kuha sa cam ni bahista,


SONG: My Heart by paramore






hetong susunod na video kuha sa cam ni
ten oclock sa nihongo,
siguradong iinisin ako ng mga ito at gagawing screen saver na naman
ng buong COM group pagpasok ko sa lunes.
bakit naman kasi kelangan feel na feel mo eh lena?!?
me papikit pikit ka pa, hanlufet!
(sinabi nang napapapikit ako dahil sa hearing ability ko eh!)
WARNING: mas nakakatawa to kasi dinig na dinig
mo ang hiyaw nina panyera, tranquilizer, toothpick,
ten oclock sa nihongo at ng iba pang me sayad na
nagiisip na marunong nga akong tumugtog,
malupit ang hiyawan, puro kasinungalingan,
parang lalabas pa ang tonsils nung iba,
yan ang nagagawa ng boy bawang, ang bagsik.






me dalawa pa kong nktang video ng performance na to,
(yeah right, performance is the word, feel na feel, epal)
bale kuha sa left side ung isa
tapos ung isa kuha sa right side,
(as if there's a big difference db?)
maghintay lang, ma-uupload din un.


pro kahit tawang tawa ako,
mejo proud naman ako jan,
(epal, feel na feel mo nga eh anong medyo lang?)

at proud na proud ako sa mga kasama ko,
kita mo naman si drummy, cant find d words to describe,db?
hambagsik.
si "mathematician" laki ng improvement,
inaraw araw praktis eh, partida nakatalikod pa yan,
isipin mo na lang pag humarap pa yan,
si bahista, ang bilis ng pickup, perstaymer pa yan ha?
at ang daliri kelangan tlga tumtalsik,
at sino pa bang mas gagandang kumanta ng my heart
habang naggitara maliban ke songer? wala!!!
(lalasunin ko sge subukan mo magsabi ng pngalan)
(eh ano namang pakelam nila sau kung proud ka?
shutttufff!)

loko iba ang perstaym!!!
tska me story yan eh,
pati sa pagtulog, walang katahimikan,
kung sino sino ang nagambag ng tulong,
at ng awa dahil mukhang mga desperada,
at kung san san kami napadpad,
at kung san san napadpad si bahista,
(bkt kasi ako ang tanungin sa direksyon,
public knowledge na yung di ako pwedeng pagkatwlaan dun db?
bagong kakilala eh, hayaan mo na...)
at kung san san napadpad ang drumstick,
(hihihi.. joke lang)
at me ksama pang isaw, kwek kwek, ulan, bagyo, tantrums, at kudeta.
pro di ko na kukuwento yan,
pangbata lang yun eh,
whattan experience.
syarap!


di na po ako uulit, pramis V^^;)

Sunday, November 4, 2007

istokwa


binuksan ko ang wallet ko para bayaran
ang binili ko sa tindahan,
aksidenteng nahulog
ang espesyal na kulay pulang plastik
na nakaipit sa wallet ko
paghugot ko ng pera.



Nagpunta ako sa bahay ni Ah-i-Tikboy-Po(aka TP),
isang gabi para magpaturo kung paano ako
maglalagay ng kapo sa gitara ko,
eksaktong inabutan kong nakaupo si TP sa
veranda ng bahay nila.
Nang iabot ko sa kanya ang gitara ko,
nakasimangot niyang tinitigan
at ineksamin ang pinakmamahal kong gitara.
Katakot-takot na panlalait at mahabang sermon
tungkol sa tamang paglinis at pag-aalaga sa gitara
ang inabot ko bago niya ko simulang turuan
sa pakay ko nung gabing yun.
Pero di naman ako na-offend,
totoo naman ung sinabi niya,
tska sanay na kong ganun tlga si TP,
mas gusto niyang itinutulak ang mga taong
lumalapit sa kanya palayo.


Matapos akong turuan eh napagpasiyahan kong
makipag-kuwentuhan muna ng mga limang minuto,
para hindi naman magmukhang kapal-muks ako masyado at
walang utang na loob kay TP
atsaka,,,,
matagal na rin kaming di nagkakakmustahan
(ayaw kasi niya ng cellphone
at may isang milyon siyang rason kung bakit).
Nasa kalagitnaan kami ng mainit na diskusyunan
tungkol sa nakakakiritang pagmumukha ni
jericho rosales at rayver cruz
ka-level ng pagka-asar namin sa mga taong
napaka-ingay pag nanonood ka ng TV o kaya ng sine,
(PANO KA MAKAKAPAG-CONCENTRATE?!)
nang marinig naming nagsisigaw ang pamangkin ni TP.


"'dito si TP, andito si TP!"
paulit ulit na pasigaw na sabi nung bata,
pilit na nagpapapansin sa kausap ni halmu
sa kabilang linya ng telepono,
pero walang ibang nakakarinig sa sigaw ng bata,
nagpalipat-lipat ang telepono sa iba ibang kamay,
pano ko nalaman? dahil narinig kong iba iba na
ang boses sa telepono,
pero hindi parin tumitigil at sumusuko sa kakulitan yung bata
at nung huli ay ibinigay ni halmu sa
batang nakikipag-agawan sa telepono upang ito naman ang magsalita,
nang makuha nung makulit na bata ang telepono ay
dali-daling patakbong nagpunta sa veranda upang
puntahan kami ni TP, humahangos na humabol si halmu
upang makuha ang telepono mula sa bata.
Mabilis tumakbo ang bata kaya umabot ito kay TP
at pilit na iniaabot ang telepono,
masayang masaya at ngiting ngiti ito
habang pasigaw na sinabing
"Andito si TP oh, sabi ko sa inyo eh,
TP kausapin mo sila, heto",

at patalon-talon na iniaabot
sa hndi gumagalaw na TP ang telepono.

Madilim ang mukhang nakatitig lamang si TP
sa bata at sa teleponong hawak nito,
umabot din si halmu at nabawi ang telepono,
pagkatapos nun ay di malaman kung pano hihingi ng
paumanhin kay TP sa kakulitan at kapangahasan
ng bata. Nagsusumigaw at nag-iiyak ang
bata ng makuha sa kanya ang telepono,
parang masamang masama ang loob dahil hndi nito
natupad ang binabalak niya nung gabing yun,
nagawa na lamang buhatin ni emilio ang bata
upang dalhin sa kuwarto at doon patigilin
sa pag-iyak, siguro dahil nahihiya na sila sakin
sa ingay ng iyak nito.
Sumunod si halmu at itinuloy ang pakikipag-usap sa telepono
kaya marahil hndi nila nakita nung ngumiti si TP
at sabihing wala namang dapat ipagpaumanhin dun.



Magpapaalam na sana akong umuwi,
kaya lang biglang tumugtog ng isang awitin si TP
sa gitara ko na noon ko lamang narinig.





Kinabukasan nung gabing nagpaturo ako kung pano maglagay ng
kapo kay TP,
maagang-maaga pa lamang ay natanaw kong
bihis na bihis si TP palabas ng gate nila.

Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay
namin pabiro ko siyang tinanong kung saan na namang lupalop siya maghahasik ng lagim.
Nakangisi niyang sinabing
"pag namiss mo ko, lalo kang magmumukhang tanga",
tapos may inihagis siyang kulay pulang parang matigas na wrapper ng candy sa may damuhan,tumingin siya sakin at sinabing

"pag nahanap mo ung guitar pick ko dito (sabay turo sa damuhan),
sayo na."



gago talaga.




kung alam ko lang na matagal na panahon
pa bago ko siya muling makikita o
pwede ring iyon na ang huling araw na makikita ko siya
dahil di na niya gugustuhing bumalik pa
(wag naman sana),
haaaayy sana...
-di bale na lang. bawal nga pala ang regrets.








Bakit kaya paglipas ng maraming panahon
dun ko pa lang naitindihan ung mga bagay noon?

Bakit kaya noon di ko naisip na hindi totoong may sipon
si TP tulad ng sabi niya?
sana nakita kong naiiyak pala siya habang
akap niya ang gitara ko at tinutugtog ang
pinakamalungkot na awiting narinig ko.


Bakit nga ba di ko naisip na kahit kelan
hndi madaling sabihin sa ibang tao na hndi ka okey,
at nasasaktan ka na,
at mas madaling tumawa na lang,
o itulak palayo lahat ng mga bagay na palapit sayo,
kesa aminin ang totoo na naghihintay ka lang ng tao-
kaibigan o kakilala,
na makakakita ng mga lihim na hinanakit mo sa mundo?



Bakit kaya di ko nakitang malungkot siya?
at kailangan niya ng kahit sino---
kahit isang ako lang na walang maiiaambag sa
buhay niya para maramdaman niyang hindi siya
nag-iisa?


Bakit kaya hindi ko sinabing umuwi siya sa kanila sa pasko
dahil...
sa milyon-milyong dahilan?



Bakit kaya ngaun ko lang naisip na kung ihahambing
sakin, sa pamilya, at mga kaibigan ni TP,
di hamak na mas lamang
sa amin ung batang nag-iiyak
sa huling gabing nakita ko si TP?
dahil mas mabuti siyang mag-isip
at mas alam nang puso niya kung pano magmahal,
dahil sa murang isip niya
mas naalala pa niyang ipakita sa lahat na bahagi si TP ng kanilang
mundo at gusto niyang manatili ito at sagipin ang kung ano
pa mang natitira sa mga nasira ni TP?



Bakit kaya di ko naisip na kahit ano pang ginawa niya para masaktan
ang marami kailangan ko pa ring ipaalala sa kanya na may lugar pa rin
para sa kanya at may nakakaintindi sa kanya?




Bakit ba hindi ko naisip noon na kaya marami ang nasaktan
at kahit ang extrang ako ay nasaktan
ay dahil totoo at tama ang mga bagay na sinabi ni TP?
di nga ba mas masakit ang
isang bagay, kapag totoo ito?





siguro,
mnsan,
kasi...
ewan, di ko pala alam...








Palabas sana ako ng bahay ng maagaw ang atensyon ko
ng isang patalastas ng isang network
pagdaaan ko sa harapan ng tv namin.
may isang batang nagsusulat habang nakadapa ito sa kama,
nag-flash sa screen ang isang mensahe ng network at binasa ko ito,

WALANG MAG-IISA NGAUNG PASKO.


sana totoo yun...
nangangarap ang walang ambisyong puso ko
na sana'y magkatotoo ang tv ad na yun,
na sana, hndi siya mag-iisa ngaung pasko.








Sa makakasama ni TP ngaung pasko,
habang-buhay ko kayong pasasalamatan
sa ibabahagi mo o ninyong mundo kay TP
ngaung kapaskuhang hindi ko siya mababati at mangingitian.







pinulot ko ung nahulog na kulay pulang guitar pick
sa harapan ng tindahan at ipinasok uli sa wallet ko.

Monday, October 15, 2007

so are you really getting married?

magpapakasal ka na?

bakit naman di mo sinabi?
sana...

imbitahan mo ako.
di naman ako ganun kalakas kumain sa reception,
pangako.

hndi rin ako
mang-a-agaw eksena.
pangako.

at isa pa.
magdadala ako ng regalo,
ung matino at magugustuhan mo.
pangako.

at pangako,
hindi rin ako tatawa,
magiging seryoso ako,



pangako
ibabalik ko na ung notebook mo nung grade six. ---------->
pangako
kakain ako ng gulay sa araw na yun.
pangako.

Sunday, September 30, 2007

gatecrash...

gatecrasher (noun)
-> ito yung taong ubod ng tigas ang mukha
na magpunta sa isang pagtitipon kahit
na hindi naimbitahan ng taong nagpa-pa-party.


----------------------------------------------

araw ng binyag ng anak ni eyron at meydyor nun,
at syempre andun ang mga taong ayaw matulog sa
party ni eyron.
tulog na tulog si crashey ng umagang yun
ng bglang mag-ring ang
knyang telepono.


crashey: (still sleepy) heller? hu d hell are you? calling me in this
early sunday morning?! don't you know that i am too tired
last week because of many draining tasks that i am doing during overtime?
dont you know that this is the only day that i will sleep this long?
who are you disturbing this wonderful morning of crashey?

prexy: hey crashey!! its me prexy, im with basted-forever now,
were going to the party of eyron,
wat tym r u going there 2day?
were driving back now to manila, wil be der at round 10am!

crashey:(suddenly awake) huwaaaatt party are you talking about?!
is there a party? my betcha-by-golly-wow i was not invited
by that tropapips of ours- eyron, why why why delilah???

prexy: you see it was wlang-kabusugang-dipad who did
the inviting for the party, she does not have your number,
because you were not making pansin with each other for
the past 3(?) years already, because you don't want to,
remember? and because you love your detergent so much,
eyron has no celfone, so maybe thats why you were not
informed crashey. hey common,
you go, don't you go starting with that detergent of yours
common, tara lets go to the party of eyron's new baby.

crashey:(pakipot) huh! i have my detergent excuse me.
i will not go!!! even if I really want to go, because I am missing
all the tropapips-who-does-not-like-to-sleep. But if you make
pilit of me 1 more time, maybe i'll change my mind.

prexy: owww.. comon crashey. why the hell are you so maarte all the time?
you think it's bagay?nway, ok ill do it.
Common, let's go together to eyron's party,
dont make pakipot anymore, it's not bagay to you.

crashey: hmmmm... no! no! excuse me prexy.
i am not using my detergent
i am just shy.

prexy: dont be maarte crashey, you're invited you know,
in our tropapips, there is no need for inviting anymore,
remember "we are one",
and i just like to tell you that
this phone bill is costing me too much now, its 30mins already.

(after 3 seconds)
crashey:OK il go, i wont give you a hard time anymore, kulisap will be there right?
i will go with mikee, then we'll meet there.


-------------------------------------------------------------------------
(warning: hndi po si babs si walang-kabusugan,
matakaw lang ito pro wla pa siya sa level ni babs (physically),
si babs ay nagkukuta ngaun sa australia)

hndi ko alam kung paano
nagawang mapilit ni prexy na magpunta si crashey
nung araw na yun sa napakasimple
pero matagal na diskusyunan, hehehe...
natutuwa ako sa kanya.

sabi sakin nung pinakamagaling at natatanging propesor na
pinapakinggan ko ng maayos -- si propesor worldlit,
nung nasa kampus-ng-san-marcelino-estupidents pa ako,
pag me bagay ka daw na hndi mo gustong kalimutan,
o pag me gusto kang maalala,
wala kang ibang dapat gawin kundi.
isulat mo.


kaya heto,
hndi ko man makwento ng matino
yung lahat ng magagandang nangyari
sa araw na yun, ok na to,
pra pag nabasa ko to, 5 taon mula ngaun,
dito sa pc ko,
maalala ko,
ang nakakatuwang geytcrash ni crashey.
boring naman kung
mag-d-dear-diary ka db?
yikes.



ayun,

para sau crash,
natutuwa ako sayo,
ang bagsik mo,
kahit last minute na at alam mong ge-geyt-crash ka
me bitbit ka pa tlgang regalo khit saksakan ka
sa kakuriputan, bagay naman pla sau ang me bitbit mnsan eh,
maiba naman.

natutuwa ako sayo,
para kang batang me hawak na lobo habang
pababa ka ng lrt at patawid dun sa kalsada
habang hnhntay ka ng mga ayaw matulog
sa nakaparadang tsikot ni basted forever,
hangang ngayon,
di ka pa tlga marunong tumawid.

natutuwa ako sayo,
langya ka, late ka pa rin!
kala ko ba nagbago ka na?

natutuwa ako
habang pinagmamasdan kitang kumain nung araw na yun,
at di mo alam pinapanood kita,
lalo nung makita kong
nagtayuan ang lahat ng taong ayaw matulog sa table para sa yosi
at maiwan kayo ni
walang-kabusugan sa table,
natuwa ako sa buntong-hininga mo,
sabay tingin sa kisame,
sabay pasimpleng tingin kay walang kabusugan
na parang kumukuha ng buwelo,
-para ka talagang bata mnsan.


at natutuwa ako dahil
napaka-brave mo ng basagin mo ang nakabibinging
katahimikan, at sa wakas eh itapon yung 3taon mo ng detergent na
nakapagitan sa inyo at ng sabihin mo kay walng-kabusugan
ang...
"kamusta na walang kabusugan?"

at lalo akong natuwa ng makita kong ngumiti
si walang-kabusugan, para sabihing...
"ga-gradweyt na ko, at tinatapos ko lang ang thesis ko"

nakakatuwa kayo,
matapos nun,
kung magkwentuhan kayo,
parang wala ng nangyari ah,
sabagay, hndi ko na nga maalala kung bakit nga ba
nagsimula ang epic-drama-chapter nyong dalawa.
sa wakas, natapos na.

natutuwa ako
sa iyo at nagpunta ka
at gumeyt-crash sa party ni eyron at meydyor
nang hndi muna tinatanong kung sino-sino ang
pupunta at kung sino-sino ang naimbitahan
kahit na nakaligtaan kang yayain nung araw na yun,
(ugali mo yun db? ung magcheck muna kung sino pupunta?)


natutuwa ako kasi,
wala ka na ata talagang detergent pare ko.


sa araw na yun,
atleast me mga bagong aral tayong natutunan,
una,
walang maidudulot na maganda ang detergent
na ubod ng tagal na
pangalawa,
ibang klase tlaga taung magsaya,
pangatlo,
dapat malaman ng lahat ng tao
ang pagkakaiba ng PISO sa LIMANG PISO
at lastly
mula ngaun, bawal na kaung pagtabihin nina kabalyeros-phranswa,
walang kabusugan, at kulisap,
habng hinahayaan kayong mag-isip at mag-figure-out
kung pano isolve kung bakit ayaw gumana ng isang
machine na hinuhulugan ng barya.


kabalyeros-phranswa: hey i like to use that!

kuya manong: okey, pag ggmitin nyo to children,
maghulog lang kayo ng PISO, tapos i-press nyo to,
'to, 'to, 'to, 'to, 'to, 'to at eeeeto...
and whallaah, ayun na ang hnihntay nyo.
do you understand that little boy?

phranswa: yes! kuya manong. i'll kip dat in mind.

(kuya manong walks away.
pranswa, walang-kbusugan, kulisap, crashey were left with the machine)

pranswa: (paulit ulit na gngwa ang tinuro ni kuya manong)
hey guys, ayaw gumana nito! badtrip!

kulisap: hmmm... let me try. (after 2 mins)
naku sira ata ito eh. (sabay palo sa machine)
bulok!

phranswa: ako uli, subukan ko. (after 5mins)
ayaw ata tlga eh, sira siguro.

(isip... isip... ang mga engot, este tao)
walang-kabusugan: aha! baka dapat 5PESOS ang ihulog natin.

phranswa: dont be stupid. ang sabi ni kuya manong,
piso, okey? PISOOOOOO!!

(matagal na try-and-try ang tatlong pabida,
binasag muli ni kulisap ang ktahimikan,
sinapian ni walang-kabusugan)

crash/kulisap: alam ko na! alam ko na! baka 5pesos ang
dapat ihulog natin! dali subukan mo phranswa.

phranswa: dahil me pagka-tanga ako minsan at naniniwala ako sau,
tama! 5pesos nga sguro ang kasagutan! wahahaha! henyo tlga tau!



pinasok ni phranswa ang 5 pesos,
at nagbara ang slot,
at nasira na ng tuluyan ang machine.




lagot.
d^_^b


para sa mga wala nung araw na yon,
sana'y nakita nyo ang namutlang hitsura ni phranswa nung
pinagkanulo siya nung dalawang henyong nag-isip sa 5pesos
nang mapansin ng ibang ayaw matulog na nasira ang machine.




everyone: "hoy! anong ginawa nyo jan ha? bakit di na gumagana?!?"
kulisap and wlang-kabusugan: "Si phranswa kasi hinulugan ng 5 pesos eh"



yan ang friendship,
me loyalty.


hehehe.


para sa mga ayaw matulog,
hangang sa muling eyeball mga pare,
nagbago na hitsura ng marami sa atin ah,
iba na tlga pag me pera na,
biro lang.
pasensya na at maaga akong umeskapo
at nilayasan ko kau,
kahit na kulang na lang eh maglumuhod si
family-man-image-kunong-taga-sira-ng-grad-ball
para hndi ako umuwi,
big girl na ko eh, madami pa kong kelangang gawin,
pero,
namimiss ko kau,
lagi lagi lagi lagi
kahit kaka-kita ko pa lang sa inyo nung isang araw.
namimiss ko tlga kayo...
(tumigil ka na nga sa drama mo! kadiri ka!)




para sa inyo eyron at meydyor,
congratulations.
you look so good together.
salamat sa pagkain at sa inom,
nabusog nyo kami.
at..
patawad tlga dun sa machine nung kapitbahay nyo,
nabigla lang. hihihi.



para sa ika-apat at pinakabagong anghel
na nagpabago muli sa buhay
ng mga taong ayaw matulog...
maligayang pagdating sa mundong ito.



pahabol, isa pang dapat isulat.
sa kanta ko dati pra ke bets...
at kung sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo,
ay isipin na lang na ang buhay ay mgkkroon ng araw na magkaksalubong kami at wawasakin ko ang pgmmukha nya pra sau pramis. (cencya nwala ata sa tono ung kanta)

ayun nagkslubong kmi,
nagkatabi pa at some point sa upuan,
pro di ko nagawa ang sinabi ko,
di ko na din gagawin pa, (nkahinga nb kau guys?)
dahil nakita kong masaya uli si bebets,
at habang ganun siya,
peace-loving citizen ako,
pro sa susunod, watch-out,
im gonna be on a wrestling-boxing-taekwondo-hatefull-words-rapping match.
(asus, tlga lang ha? heler?)



at ke crash-
(kahit sabihin pang nakaligtaan lang, gatecrasher ka parin.)

Wednesday, September 26, 2007

sa abente unong nagdaan

ilang minuto bago matapos ang abente,

nagmamadali akong umabot sa kuwarto ko,
bilang tradisyon eh, di pwedeng magbago,
kelangan nakapikit ang mata ko
pagpatak ng unang minuto ng abente uno,
pero teka! kelangan ko muna maligo,
tradisyon uli, di pwedeng baguhin,
abente uno na maya maya,
amp#$%%! kung bakit naman kasi sa dinami dami ng araw
sa buong taon,
ngaun pa ko kelangang abutin ng ganitong oras sa pabrika?
bakit ba di ko naisip na napaka-importante nito para sakin?
badtrip.
2 minuto na lang,,,
dalian mo ganda! ayan na!
biglang nahulog ung basket ko,
ay ampE$%^$! nagkalat ang lahat ng gamit ko sa
buong banyo, sige pulot!! nanginginig ang kamay kong
pinagpupulot ang lahat ng yun at isinaksak uli sa pasaway na
basket ko, nang maipasok ko na lahat, at ibabalik na sa cabinet,
k-a-b-l-a-g!
amp!@#4! na naman! nahulog uli.
ano ba naman to?! dali pulot!
nagmmdaling isinaksak ko uli pero huli na
ang lahat.
tumunog ang alarm clock ko
na nagsabing, abente uno na.

ayun masaya naman palang maligo sa unang minuto nito,,,


nagising ako sa umaga ng abente-uno,
at tulad ng tradisyon,
may puting tanawin sa harap ko,
dapat nga lang isang mata ko lang ang nakadilat,
improvised lang kasi yun, nilagay kong wall paper
ung larawang nakita ko sa internet,
kahawig nito ung tanawing gusto kong makita.

hndi pa kumpleto,
wala pa ang boses ni nanay at ni balu,
nagsimula na naman akong magtampo dahil
hndi agad naalala ni nanay ang araw na yun...
(isip bata!)
nasa pabrika na ko nung maalala kong
me ginawa nga pala akong "milagro" sa telepono ko,
nung maayos at matangal ko na ang "milagro"
ayun automatikong tumunog ang telepono,
at narinig ko na rin ang boses na hnhntay ko
sa umagang yun, pra makumpleto ang araw ko.
(me sigaw nga lang sa umpisa, nadinig ko,
nahighblood na ata, ang sweet!)


ayun,
di ko na isasalaysay pa...
natupad ba ang munting kahilingan ko?
eh ung mga inaasahan ko?
eh yung mga binalak kong gawin?

ewan.


sinamahan ako nung higante at ni exclamtion point
para tuparin ko ang pangako ko ke jeboy sa araw na yun,
matagal, mahaba, at seryoso ang mga bgay na
nasabi ko kahit di ako nagbukas ng bibig.
sana kung me text sa lugar na pinuntahan ni jeboy,
maipaliwanag nya sa lahat nang naghahanap ng
paliwanag, ang mga bagay na dapat sanang siya ang
nagpaliwanag dahil di ko maipaliwanag,
dahil hndi ako si liwanag.


natapos ang araw, at natuwa ako sa
"KAKAIBANG" sorpresa ng mga taong ayaw matulog,
lalo na shempre sa mga kumbaga eh main cast ng
telenobelang buhay ko, at inaasahan ko tlga sa arw na yun
(ke babs, prexy, basted-forever,
bebets, kay mango tree at sa misis niya, kay unti-unting-mararating,
kay family-man-image-kuno, ke utan, ke isa-mendez-ala-tuna,
ke goodie-goodie-na-nakalimot-na-ata-sa-mga-taong-ayaw-matulog-dahil
-pa-rin-ba-masama-ang-loob-dhil-sa-one-and-only-nya?,
ke bisprin-talsik, kay-soyti-basta-tapat-ka-lang-sa-liwanag,
ke pachuchay? at ke eiron, sa-nanay-ni-chrisna, sa mga kabalyeros,
sa tinuruan-ko-pano-magsimulang-manligaw at sa sineseryoso-nyang-taga-bataan,
at ah oo, sa pusa kong inalagaan ko ng kay tagal
- si 200113026, at sa iba pang ayaw matulog,. patawad masakit na
ang kamay ko hndi ko na masulat, hampasin nyo na lang ako ng dos por dos
para makabawi kayo, ayos na ba yun?ndi naman ako mssaktan dun,
may bagay pa na mas masakit dun, alam nyo na siguro yun, di ba?
di ko na sasabihin, baka magiyakan pa silaaaaaaahhhhh
(prang ndinig ko na dati tong silaaahhh ah..), at mapamura pa ko)
taon taon na lamang ay may natatngap akong sorpresa,
kahit naman alam ninyong lahat na wala kayong mapapala sa kin
at hndi nyo ko mahuhuthutan kahit piso,
pero sa lahat ng sorpresang natangap ko mula ng makarating ako
sa lupain ng san-marcelino-estupidents,
hndi ko inasahan ang araw na yun, shet!!
maling akala... iba tlga.
nasorpresa ako, narinig nyo?
totoo.. nasrpresang nasorpresa...
(sarprays mayks!) (ohwww.. jo?bakeeett??ha?bets?bakeeet??)
maraming salamat sa ramdam na randam na
naguumapaw na pagmamahal mga pare.


nakakuha parin ako ng makapagbagagdamdaming mensahe
mula sa mga muntik nang makalimot saking taga-tres,
na kasama ko sa mga escapades ko kahit wlang lisensya,
kya nauuwi sa presinto nung sobrang-kabataan namin,
at tulad ng sbi ni kel
"jang malyari alang megbayu, itamu parin,
ing importante ali tamu kakalinguan ing dati".

ayun naalala nga parin ng mga f1 ng dating buhay ko,
namely j1, j2, j3, di pa kumpleto ang tropa,
wla pa si j4 to j7.


masaya naman sa pabrika,
kahit hndi na masyadong pantay ang paghinga ko
sa antok o sa pagod, di ko alam,
matino naman kahit papaano ang mga naiwan ke ama,
at isa pa, mukhang white flag na ata kami ni drasie.
naging payapa naman sa kamay nung manlolokong-attached ang araw ko,
at nakakuha pa ko ng sweet na mensahe ke tranquilizer, smallow ke exclamation,
isang "suspense", pgiging party manager at sa unang bati kong natangap habang
nsa banyo ako mula ke utakprep, at
"ganda" sa email nung multo na once in a lifetime
chance lang ata makukuha.
,, at
isa pa, Ok na uli kami ni new-employee-dahil-sa-bago-uli-niyang-buhok
at medyo natututunan ko na talagang itapon ung detergent ko.
sa mga nagsisulputan matapos ang email ng higante,
malamang kelangan ko din ipagpasalamat.

naitawid din namin ng mga taga-bahay-ni-kuya-dragon edition
at ng paborito naming
bisita ang sahig moment namin,
at sa wakas eh nakarinig uli ako ng
tawanan sa sahig,
sana eh maulit pa ito.

at syempre,
andun ung isa sa bagong secret weapons ko,
pag nkakaramdam ako ng lungkot,
hndi man siya nakipag-unahan nung bente uno
para magpapansin,
siya parin ang sumasalo sa maraming araw
at maraming pagkakataon na sadyang di ko nais mangyari.
at sinsaluhan ako sa mga paglalakad ko.
kanji boy, tatalunin kita sa bowling!

teka kelangan ko nga palang ihabol,
niyanig parin ako, ng dalawang murit sa buhay ko,
na ksama ko na simula ng magkaroon ako ng unang lapis,
bago pa man ako matutong magbasa, nakasama kong
tinuruan ng ballad version ng kantang
heyrphleyn-heyrphleyn-hin-dah-iskay ni
mam Flores at bago ko pa malaman
na ang ibig sabihin ng "chickenforsale" sa tapat nina popeye
ay pwede ring iluto ng adobo, tinola, pinaupo, afritada,
sa cornoil,at mrami pang iba
-> at hindi lang talaga panglutong-s_L_


nagkapatawaran na rin kami ni white-weird-looking,
salamat ke utak-prep at ke mam-bait,
ay teka, nagkabawian pala, ay hindi hndi,
ayos na pala uli, oops teka lang tatlong oras na,
hndi na naman pala, ay teka teka, hndi pala mali
ok na pala kami uli, ano?ano? teka sinong me sabi,
hndi na uli! oooppsss... hndi ok na pala.
Ah ewan! di ko na ire-reminisce, basta
nasa pagitan kami ng ok at ng hindi-ok.
ayos na sakin un, pwede na, pra masabi kong,
hindi kami nasa hindi-OK-na-sitwasyon.


tatlong araw matapos ang pinakahihintay na biyernes ko,
dinala ako ng mga paa ko sa gilid nung kahon,
siguro... naisip ko,
kelangan ko nang bumalik sa em-vi.
me hawak akong mais sa kaliwang kamay ko,
pero pagtingala ko, wala na si charlene,
napasenti ako.
isang tricycle na lng sana at maihahatid
na ko para makita ko na ang MV,
at masabi ko na rin ang lahat ng bagay na gusto kong
sabihin,
at alam kong hinihintay ng marami na sabihin ko.
pero napakaduwag ko lang ata,
kya bumalik ako at di na natuloy ang plano ko,
di bale, maluwag pa naman ang paraisong nilalakad ko
kung saan naroroon ang kahon.


sa kabila ng lahat ng kamalasang nangyari,
nagpapasalamat parin ako dun sa pinakasikat-na-higante-ng brilyante,
alam kong nalulungkot siya nung mga panahon na yun,
pero ndi nya pinapakita, kung bakit,
hndi ko na sasabihin pa, ang sabi nga nya,
di naman siya makuwento pra sabihin pa ang mga bagay bagay.
para sa kanya, nagulo nya ang isang linggo na
hinintay ko ng kay tagal.
siguro nga totoo, kasi hndi yun ang inaasahan ko,
pero sana di na niya isipin yun
kasi ayos parin, bakit?
sa tagal ko ng pakalat kalat sa mundo, ngaun ko
pa lang natapos ang araw ng martial law,
na may mga ganoong pangyayari,
ung tipong pagod na pagod ka na,
pero di ka pwedeng tumigil,
gusto mong matulog
pero hndi mo pwedeng pagbgyan ang srili mo,
gusto mo ng umalis at sumuko na,
pero hndi pwede, kasi alam mong me tao sa kanan mo
na naghihintay at nag-iisip na baka nga me mangyari kung andun ka
para gumaan ang pakiramdam nila,
sa tagal ko ng pakalat kalat sa mundo,
sa tuwing sspit ang abente uno,
ang lagi ko lang naiisip eh kung ano gagawin ko
para maging masaya ako,
mnsan ayos din kung mag-eefort ako
pra me sumaya namang iba.

at isa pa,
reyna ako ng hagdan noon,
kya madali na para sa isang tulad ko ang tangapin
ang mga araw na ganito.
(pero kapag naging tao na si frameID153, pinapangako ko,
bubugahan ko siya ng apoy...)

hindi ko man nagawa ang mga naplano kong gawin sa lingong yun,
nasabi ang mga bagay na dapat ko sanang nasabi,
naisip ung mga bagay na dapat inisip ko,
naparamdam ung mga bagay na dapt sana eh pinaramdam ko
nung araw na yun,
hndi man nangyari ang mga inaasahhan kong
mangyari
at
hndi man natupad ang mga mumunting kahilingan ko sa araw
na yun upang maging masaya muli.


iba parin yun,
biyernes yun eh.

kahit na...
may basong nabasag, may gamit na nabasa,
may atm na nawala, may nahulugan ng isang daan,
may naospital, may pinantal,
me nasuka, me pinulikat, me tinanghali ng gising
nalate man, at me tardiness report,
nasagi man nung mamang naglalagay ng sampayan sa
daanan, may nadapa man sa tiange ng tektite
at nagasgasan ng baba, naubusan ng toothpaste,
nawalan man ng kuryente, umasa mang mawawalan ng pasok
at nauwi sa pagkaunsyami,
may lababong nagbara,
nag-hang ang laptop,
nakidnap man si mikee ng di ko nalalaman,
napuyat,
pro walang natapos,
nawalan ng payong sa gubat,
naputikan,
naligo sa ulan,
nasigawan habang patawid sa kalsada,
nagmukhang tanga habang may kausap na kamay,
nakakain ng sili,
nahulugan ng caterpillar,
nag-illegal operation man ang excel kahit hndi pako
nakakapag CTRL+S sa buong gabing pag-edit ko,
at kahit pagbalik ko ng pantry eh hndi ko
na nakita kahit anino ng cake ko.
at kahit na narinig kong tumunog ang nagpapaalalang tapos na
ang abente uno sa pabrika at si drasie ang kapiling ko,


ayos parin,
kahit di ko pa nasabi,
me natangap parin akong mensahe
mula kay ani at sa iba pang kazoku,
hndi man ako sumagot,
di bale nagsisimula na kong magtapon ng detergent ko ngaun.


at isa pa,
binati mo ko, oo ikaw na nagbbsa nito.


swerte parin,
kahit me hagdan ng bustillos na sumapi sa buong lingo ko.


at sa kabila ng lhat,,,


salamat parin sa abente unong kasing aliwalas
ng puting tanawing pinapangarap kong makita

-muli.

(from ani matpos itong mabasa
marahil ito ang matatangap ko:
"kasak mo!")

Saturday, September 15, 2007

feels-like-heaven-na-uli-ah...

at mukhang langit na nman ang
paligid sa bayan namin
ngaung panahon na to....


ang bilis naman, andito na uli ang tanawing to.

nakatanaw ako sa labas ng bus na
sinasakyan ko at nakita kong
nagiging puti na uli ang paligid sa bayan namin,
haaay... kay gandang tanawin,
haaay uli, para sakin ito ang pinakamagandang
bagay sa mundo, ito lang ang bagay sa mundo na pwede kong
tingnan habang buhay at hndi ako mapapagod
at magsasawang tingnan kahit kelan.
(uulitn ko, tulad ng sinabi ko nung nakaraang taon,
hndi ako imported, hndi kita niyayabangan,
hndi snow ang tinutukoy ko)


hmmm...
pagising ko sa araw ng biyernes,
iba na uli.

tinanong ako ng pabiro ni utak-prep nung isang araw
kung ano ba gusto ko mangyari sa biyernes,
tinawanan ko lang siya,

pro ang totoo sana magawa ko ang mga bagay na ito
bago matapos ang araw ng biyeres.

sana...
matupad ko ang pangako ko ke jeboy,
sa huling gabing naksama ko siya at sinabi nyang
gusto nya ng dilaw na kahon sa araw ng biyeres...
na kahit iba ang pinaniniwalaan ko sa karamihan,
matuto akong magpasalamat at dumalaw paminsan minsan

sana...
maging payapa ang araw ko sa pabrika mula
sa mga kamay nang manlolokong-baliw-na-pasado-sa-lahat-ng-signs
at sa utak-prep-na-mentor-ko at ng iba pang miyembro
nang balang-araw-na-mga-tao.

sana...
maging masaya ang araw ko sa pabrika,

sana...
peace na kami ni dragon.

sana rin...
magtuloy tuloy na ang iniwang payo nung umalis na kalbo
para sa mga naiwan ke ama.

sana...
magawa kong kumain ng mais magisa
sa gilid ng malaking kahon,
habang nakapila sa tapat ni charlene
at magmuni-muni uli...

sana...
mkasama ko ang mga taong ayaw matulog. =(
dahil nangungulila na ko sa di namin
pagkikita.

sana...
maging masaya din ung pinakasikat na higante sa pabrika,
(papasayahin kita wag kang mag-alala)
at ung tatay-ni-keng, ung kakambal kong tuta,
at si-intsik, at ung-lumampaso-sakin-sa-chess-nung-4th-year-high
("rematch naman tayo!", wounded ego yan lena, tama na, move on),
sa araw ng pag-gunita sa martial law.

sana...
mapatawad na ko ni
white-weird-looking at makalimutan na nya
ang milyon milyong walang kwentang
sapi-days naming dalawa
dahil mature-thinking na ang mga tao
at maging magkaibigan na kami kht papano,
dahil nakakapagod ng umikot sa gilid nina
tranquilizer pag nauuhaw ako, at
dahil namimiss ko nang ngitian siya sa pabrika.

sana...
walang trafic.

sana...
di ako matulad ke prexy na nagbura ng inbox nya
at walang napala, dahil nagkaamnesia lahat.

sana matupad parin ang estero de balete ko,
hndi man ngaun dahil
sinusunod ko ang payo ni attached-daw,
este nung pinagmanahan pala ni attached-daw.

sana...
maalala ng lahat nung mga dating
espesyal na tao na isinama ko sa mga simpleng
pangarap ko noon, hndi man nangyari ang mga
ninais naming mangyari, maalala niyang
panahon na ito para ipaalalang
minsa'y pinasaya kita.

sana...
masabi ko rin ang lahat ng di ko masabi,
sa lahat ng taong naghihintay ng dapat kong sabihin,
para maging maayos na ang lahat...

sana...
matapon ko na rin ang
pinakamamahal kong detergent,
na pinanlalaba ko sa iba ibang klase ng mantsa,
at klimutan na ito tulad ng sbi ni
kanji boy na "yesterday ended last night"

sana makita ko ang mga anghel sa buhay ko,
si andreana, si alessandro, si gabriel
at si emmanuel.
napakaduwag ko lang ata talaga.

sana...
mahiram ko si "andrei" at magamit ko
uli ang lisensya ko, isang ikot mula sa tres,
hangang sa daang pataas, para mahampas uli ng
malakas at sariwang hangin ang mukha ko,
na baka magpagising sa katigasan ng utak kong tulog.

at...
sana,
kasama ko si nanay na tingnan
ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo
sa unang minuto pagbukas ng mata ko sa bagong araw ng biyernes.

at syempre...
sana maalala mo ko.

Tuesday, September 11, 2007

wake up your seatmate

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Monday, July 9, 2007

learnings ksama si kanji boy sa ikalawang lingo

post ko lang tong mensahe ni bebets,
bago simulan ang mga natutunan namin sa misadventures na
narinig namin sa ibang tao sa lingong to
habang kumakain ng pagkaing-walang-bukas-ng-ever-reliable-kong
kulot-na-kanji-boy-wanton-expert.

para dun sa tambay ng OZ,
"maawa ka na man, bingi na nga, ulyanin pa, idagdag mo pang
clumsy pa mnsan at buhol buhol ang dila na parang
kakatapak lang ng grade two kung mgsalita,
mnsan lang gumwa ng seryoso sa buhay,
pinagtawanan mo pa??? wag ganun... "


teka! bago ka tumuloy,
kung iniisip mong nagpapatawa ako,
this time, hindi ako nakikipag-biruan, seryoso talaga to.
dahil kung joke to (wlang kwenta na, corny pa)


learnings namin ni kanji boy sa araw ng ikalawang lingo:
"ang pagsigaw ay hndi kailanman
magpapabusog sayo kung gutom ka, lalo na kung wala ding almusal
yung taong sinigawan mo..."


"kung alam mo ng retarded ka,
may pagkakaiba ba kung malalaman mong retarded ka nga?"


"wag na wag mong isisisi sakin kung
nageffort ka ha? edi matulog ka ng maaga!"


"kung sikreto ba namin to? pwede bang maging sikreto mo rin?"


"mas masaya talaga pag dedbat ka,
kesa pag may load ka..."


"masakit ba ang malamang di ka taga-dreamland,
kasi magnacumlaude ka ng manhid-at-joketime-academy"


"kung gusto mong mag-taxi, wag ka ng mag-dalawang isip,edi sumakay ka na"


"wag kang mag-expect kung alam mong may ine-expect ka..."

"mas masarap pakinggan yung,
para-kang-may-sayad-sa-ulo kesa sa
ang-bait-mo-talaga-sana-lang-wag-ka-nang-magulo"


"hndi lang yung naaksaya mo na galing sau ang dapat mong panghinayangan,
pwede ring yung naaksaya mo na galing sa iba" (si kanji boy nkaisip n2)


"wag na wag ka mag-uusisa sa buhay nya
kung i-shu-shut-off mo naman siya pag sya nag-usisa"
(sa falling star ni tranquilizer)


"hndi lahat ng hypothetical question, ibig
sbihin pinaparinggan ka nya kya siya nagtanong"


"pag may napulot kang celfone,
isoli mo,okey lang mag-efort ka, malay mo diyosa pala ang may-ari,
edi naka-jackpot ka pa ungas!"


ang dalawang importanteng gintong aral na
tinuro sakin ni ten-o-clock-sa-nihongo,
na nagpatino dun sa KAKILALA namin at magagamit ko
marahil hangang tumanda ako, o hangang
mag-"mature" ako. (pang-upgrade ng patience level technique)
a.) make sure that the juice is worth all the squeezing.
if it's not worth it, wag ka na lang mag-tantrums,
sayang ang oras na ilalaan mo sa kkaisip na
"hurt-ako", 'kala mo naman bagay sau.
b)"kung importante sya sau,
utang na loob baliw kainin mo na ang pride mo,
wlang maidudulot na mganda yan sau."



at ang pinakamahalagang lesson:
"WAG NA WAG KANG BIBILI NG SAMPAGUITA SA MAY SHAW BLVD,
HABANG NAG-EEMOTE KA SA PAGLALAKAD,
GOOD SAMARITAN KA NGA MAWAWALAN KA NAMAN NG PAMASAHE PAUWI,
AT MATUTULAK KA PA DUN SA SIDEWALK
KITA MONG ANG BILIS MO PA NAMANG TUMALSIK"

Friday, June 1, 2007

sa pag-alis ni babs

to babsy,

paalam babs,

we'll miss you...

i will terribly miss you.

mag-iingat ka dun!
behave sa australia pare!


wag masyado papayat,
mamimiss kong kurutin ung bilbil mo.


tandaan mo lang:

walk-out-queen-man-at-nuknukan-ng-kuripot-nakakainit-ng-bagang-dahil-di-mo-mahuthutan-kahit-piso-at-walang-sense-kausap-at-may-sariling-mundo-kaya-di-mo-makausap-ng-matino-architect-man-at-madalas-kang-pikunin-sa-pang-aasar-madalas-man-kitang-taguan-hindi-replyan-paasahin-at-indyanan-sana-alam-mong-mamimiss-kita-kahit-papano-at-hahanap-hanapin-ko-ang-bilbil-mo-pag-napapsenti-ako-at-kahit-sa-pagbalik-mo-eh-atakihin-ka-ng-kakuriputan-mo-at-kahit-anong-pasalubong-eh-hindi-mo-maalalang-ambunan-ako-makita-ko-lang-MALUSOG-ka-at-MASAYAHIN-parin-ok-na-yun-basta-tigilan-mo-na-lang-kakasumbat-mo-dahil-masakit-sa-tenga-ko-at-bumababa-sa-patience-level-ko-buti-na-lang-hindi-na-walk-out-queen-ngayon-maalala-mo-sanang-kamustahin-ako-o-kwentuhan-ako-kahit-1-sentence-lang-kung-kamusta-ka-sa-australia-at-tandaan-mo!-AYOKO-NG-KANGAROO!...----mahal-kita-babs-hindi-lang-halata.


mag-iingat ka dun.



from kulisap, with love

(oh common?!?)

Saturday, May 5, 2007

tu-sero-sero-wan-tri-sero-sero-tu -(ang pinakamahabang nonsense, pinakamagulong sulat at pinakawalang kwentang kwento)

200113002
tutawsan-wan-thertin-sero-sero-tu
yan naalala ko na,
tandaan: 200113002....
ulitin ko nga.
200113002.
ayos! kabisado ko na.

Wag mo na bashin to, bka masiraan ka ng ulo.




Medyo napadaan ang swerte ngaun.
Ilang araw na lang makukuha ko na si flex, at ilang
buwan ko na ring nakakalimutan ang matinding sumpa sa oras.

Nung sanggabi din, nkasama ko si babs,
si ex-buntis-bets,
si gwapo-namn-pro-4ever-basted-na-lang-ata-tlga,
at ang knight-in-shining-armor-twin-brother-ko.
Maliban sa for the first time na
nahuthutan ako ng ilang barya para sa
the-usual-trip-nung-college,
eh sobrang masaya na ang buong part ng pagkikita.


Sa kabila ng labis na kasiyahan dahil sa wakas
nagkita na kami matapos ang ilang petsang pagtatago ko,
may isang pagkakataon nung gabing yun
na may nabanggit ung isa dun sa tatlong engot
para matigilan ako-
dahil may naalala ako?
bka hnanap?
o nanibago sa bagong atmosphere,
(hndi na "foggy mode" tulad sa tambayan)
o bka natamaan lang ung natitirang espasyo,
ng bagay na kinalimutan ko na...


Isa pang swerte ngaun.
Aaalis na ppuntang kbilang pabrika ung
new-employee-dahil-sa-sumusunod-DAW-nyang buhok,
kya sinapian ito at
nilibre kaming manood ng gagamba
sa malaking tv,
---ako, si naglalakad-na-exclamation-point
at ung pinaksikat-na-higante-ng-brilyante-sa-pabrika,
para sa "blending" moment bago ang lunes.
Nkkaluingkot man na ilang tulog mula ngaun
mkkta ko uling soloista si 363 sa isang sulok ng
ikaapat na patong sa umaga, masya parin
kasi matagal ko nang di nkksama ng matino ung tatlong engs,
at
-minsan lang mapwersa ng libre ung kuripot.


Hbang nag-gwrdiya-sibil ako dun sa tatlong upuan
bago lumabas si gagamba,
naalala ko bgla ung araw kinabukasan ng mkta ko sina babs.



Bumalik ako para kunin ang listahan ng marka ko
sa campus-ng-mga-zobel-de-ayala-de-remualdez-
na-napapalibutan-ng-estero-de-balete-estupidents.
Sa window 14 ako dumiretso para hanapin ang anghel
(OO, anghel na siya kumpara ke gori, na 90% ng
kilala kong estupidents eh may secret wish
na sipain sya kahit mnsan bago gumradweyt.)
Sinabi kong kelngan ko na ung listahan at
inabot ko ung natapos ko nang fill-upan na papel,
para makuha ung listahan.
Upang di ako mainip sa paghhntay
(base on years of experience, ngkkwrinkles ako s khhntay)
e napagpasiyahan kong libutan muna ang lugar
ng mga ayaw matulog at nakita ko uli ung tulay ng estero de balete,
ung paborito kong step ng fire exit,
ung poste ko sa ST quad at ang aking... dakilang carpark.
kya siguro, naalala ko uling -ewan.

Pagkatpos ng "wandering" trip ko,
naisipan kong baka nahanap na ung listahan
kaya bumalik na ko sa window 14.

Bumalik sakin ung form ko, kasama nung listahan.
At..
natawa ako sa nkita ko.
Tinitigan ko ung form, naka-cross-out ung part ng
student number ko.
Mali pala ung nasulat ko at kinorek nung anghel sa
window 14. Engot.

Natawa ako.



Hndi ako si 200113026
-ako nga pala si 200113002.
nalimutan ko, sablay.




Natawa ako.
Nkakatawa dahil mnsan pala kahit sinabi mo na sa sarili mo na
nakalimutan mo na siya at lam mong nilayo mo na ang sarili mo
at napalitan na ng galit ang lahat ng mgagandang alaala nya sa buhay mo.

subconsciously,(ha?) o sa mga panahong di ka masyadong nag-iisip,
may mga bagay na matatwa ka talaga,

kasi minsan kahit lumipas na ang mtagal na panahon
mas malinaw pa sa amnesia-prone-memory mo
ung 9-digit number nya kesa ung sa sarili mong nmber na gngmit sa
pagcheck ng grades sa CS pag nagasgas na
at di na gumagana ung hitech-kunong-ID mo
pro ayaw mo ipaayos kasi "cute" ka dun sa picture
kya tintyaga mo sya. epal tlga.




Natapos na ang gagamba
ganda at ayos!
napasaya ako lalo habang naririnig kong naghahagikgikan ung
new employee at ung higante at alam kong minumura na sila
ng mga katabi namin sa asar at lalong masaya nung
marinig kong sumigaw ung higante dahil sa gulat nya kay H.


Ayun.
masaya naman.
pro binagabag parin ako at kinakatok ng alaala ng gagamba
kong mukhang pusa na kay tagal kong inalagaan,
-noon.


sampol mula sa gagambang libre ni new employee
(hndi eksakto, parang ganto lang ung dinig ko,
wag magtiwala, hearing powers to eh)



"i should never have hurt you...
should'nt have said those words."


. -gagamba

"None of that matters,
you are my friend.,"


. -kulisap(sana)




paguluhin ko man ng paguluhin, at pahabain ng pahabain,
at halu-haluin ko lahat upang malito ka at
malito ako.
mas okey parin kung guguluhin ko lalo
at ssbihin ito mula s isang anti-sitaw,


maligayang kaarawan 200113026


sana alam mong..
naalala ko.
at hnintay kong matanggal ang bula nung pride sa
washing machine mula paggising ko nung araw
bago mag-labor day hangang sa unang minuto ng umaga ng labor day
pero sadyang maganda ang detergent namin at...
mahirap lang talagang magsabi ng
it doesnt anything-that-occupies-space-and-has-weight (ano daw?)
tska...
pinapantal uli ako.


Sunday, April 1, 2007

bente singko sa estero de balete de san marcelino

repost after deletion months ago
due to insistent public demand,
(2 tao lang ata 2ng tinutukoy kong public hehehe...)



sa title pa lang ng post na ito,
mlamang isang tao ang mtatawa pag nabasa nya to,

naalala mo pa ba yung bente singko natin
para sa estero de balete?

rewind... rewind... rewind...
1 taon at tatlong buwan pabalik,


naalala mo na ba unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin??

isang gabi sa may tulay
ng estero de balete,
na tourist attraction nang mga bagong salta sa
campus ng mga zobel-de-ayala-de-romualdez-de-kalaw-de-san-marcelino estupidents,
kasama ko si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
hndi ko alam pano kami nagkasamang dalawa,
hndi naman tlaga kmi nagkukwentuhang dlawa usually,
hi hello lang nga madalas,
pro ngaun bgla ko siyang napagtuunan ng pansin,
siguro dahil nakita kong,
binbalutan nang lungkot ang kanyang mga mata,
nagkukunwaring masaya siya,
sa mraming araw ko siyang pinagmamasdan,
nkikita ko ang hndi ko maipaliwanag na
pag-alinlangan s kanya,
ang akala ko,
pag tinabihan ko siya,
sa pagkakatayo nya sa gilid ng tulay,
mapaptawa ko siya..
(maganda at mataas pa ang record nang sense of humor ko nung college,
kya confident akong magagawa ko yun, hndi tulad ngaun,)
at kahit papano ay makalimutan nya ang lungkot na kanyang nararmdman,

pro nagkamali ako,
nung gabing yun,
ang isang napakalalim na buntong hininga nya ang
nagpagising sa isang pakiramdam na
hndi ko maunawaan...
(mas mlakas malamang ang sense of loneliness sa puso nya,
at ako ang napalungkot nya)
wla siya masyadong nasabi,
pro sa tingin ko,
naiintindihan ko sya bgla,
at naramdaman ko rin yung pakiramdam nya...


dalawang bente singko ang dinukot ko sa bulsa,
(tingin ko eto lang ata ang barya ko nun)
medyo corny to,
pro yun lang ang naisip ko,
dahil ayoko talagang magpatalo sa kanya,
tingin ko, at para sa akin,
mas malakas ang powers nang sense of humour ko
kesa sa sense of loneliness nya,
ang balak ko sana, maglalaro kami ng,
taguan ng bente singko (genius idea huh?very mature thinking db?),
kya lang,,,
niyaya ako ni unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin
na mang-trip at gawin nming mlaking wishing well
ang estero de balete,
natawa ako sa ideyang naisip nya,
pro sineryoso nya talaga ito,
parang batang pikit-matang hawak nya yung bente singko,
sbay hagis nya sa balete,
(medyo nahiya ako nung mga panahon na yun,
pano kung may makakita sa min,
eh di mwwla ang pa-cool kunong image ko)
ang akala ko after nyang ihagis yun eh tapos na,
ok, pasimpleng exit na lang ako,
tapos wala na makakaalala.
pro bglang napatingin sya sakin
sabay sabing.
"its your turn"
tinawanan ko lang sya sabay iling,
sbi ko wag na lang,
sa loob loob ko hndi ako magpapadala sa pagkasira nang ulo nya,
pro malungkot parin yung mata nya kya
no choice na ko,
pagbbgyan ko na sya,
hnwkan ko yung bente singko
sbay isip ako kung anong i-wiwish ko...
tska ko narealize...
shet!!!
wla akong maisip na i-wi-wish dun sa pagkalaki-laking wishing
well namin with multi-colored lights and floating water lilys at
unidentified objects in different shapes and odors.
(hndi dahil perpekto ang buhay ko ah, ewan ang hrap pag
may isang wish lang eh!)
(---- kitams, at sinabi kong katawatawa ang idea nya ah, pro sineryoso ko nmn)

very supportive nmn si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
at nagsabing i-wish ko na lang na sana eh gumradweyt na lang lahat sa
batch namin, o kya world peace, o kya, makarma si profesorr ______ (whe... bkt ko ssbihin? )

kya lang selfish ako nung gabing yun,
gusto ko isang wish na nga lang,
gamitin ko na lang pra sa sarili ko,
matapos ang brain-splitting kong pag-iisip,
isang kajologsang moment na
napa-close-your-eyes-and-dont-breathe-then-make-a-wish
ako.
kadiri,
pro sineryoso ko yun,
kasing-seryoso ko sa subject ko ng
world lit at phil. lit nung college.

pagkatapos nun,
napangiti siya,
tumawa pa ata,
hndi ko alm kung naisip nyang engot talaga ako at nauto nya ko,
o katawa tawa lang yung jologs moment ko
na dinedeny kong ginawa ko
dahil knkantiyawan ako nung ibang
nakakitang tambay sa estero de balete ng skul namin,
o dahil,
-
bka nakita nyang pareho lang kami ng wish.


toinks!

para dun sa kasama ko nung jologs moment ko
sa bente singko sa estero de balete,
ang tagal na kitang di nakikita
at nakakausap,
yun ata yung huling araw na nakausap kita eh.
natupad ba yung wish mo??
balitaan mo naman ako.

ntatawa ka ba??
mlamang pareho tau ng wish nun no?!?
buking na.
(mga selfish talaga.)


ako?
muntik na.

false alarm.

pag narinig mo ang salitang
"BUKAS NA LANG" at "AYOKO NG BUKAS"
sa loob ng tatlong oras paulit ulit
mlamang,

hndi ka na mniniwala sa bente singko sa estero de balete.


kng san man to napulot ni babs,
slamat.


we should cry to be able to laugh, fall apart to be
whole once more, and get hurt to learn and love
again...=)


ooooopppsss pro,
naniniwala pa rin ako dun sa wish ko
sa estero de balete,
(haha! at sinabi ko talagang di ko un sineryoso sa lagay na to.)
anlufet.

Wednesday, January 3, 2007

nagulat ako sa picture nya...

nagulat ako sa picture nya...





naman!





it's a boring day today,
ala magawa.
asan na ba mga tao sa bahay?
bgla silang nwala lahat??!?
wla pang makaalalang mag-text.
hirap ng balik buhay single ah.
akala ko ba marami akong kaibigan?
grrrhhh....
globe k b? txt mo nga ako.
(attack of desperation oh)

so... no choice, dating gawi,
tingin tingin sa net,
then i came across sa isang picture ng friendship ko...

whalllaaahh.....
totoo ba to?!?
ang primary photo nya...

isang chuchay na ngiting ngiti ang bumungad sakin,

naman!

at napa-sigaw ako ng...
"ay pu---@o!#9^7&ch))!!
gumradweyt na pala siya???"



-hindi kasi nagparamdam


bgla akong kinilig na naexcite na natuwa na
ewan ko ba kung anong pakiramdam un...
basta!

hehehe...

heto ay...

pra sa ex-house mate ko nung huling sem ko sa
campus ng mga zobel-de-kalaw-de san marcelino-de romualdez na
napaplibutan ng estero de balete estupidents.,

...na mahilig maglinis kuno sa bahay naming hindi nauubusan ng kalat,
salamat sa akin at sa aking "oo cge liligpitin ko mmaya yan, promise!"
(sabay kindat pampacute!)
pero reklamo naman siya habang ligpit ng mga HINDI NYA RAW KALAT.



...na daig pa ang alarm clock pag binungangaan kami,
kya mappabangon ka talaga sa takot dhl baka
hagisan ka nya ng kumukulong tubig.


...na kabisadong kabisado ko ang tunog ng yabag
sa hagdan, kapag paakyat na siya sa bahay,
at kulang na lang makipagpustahan ako ng bahay
at lupa kay melds sa pagka-SURE kong sya un
(nasa dagundong lang yun ng paa hehehe...)



...ung katabi ko sa elecs na medyo MATA---
(oh wag kang magwala jan)
ung katabi ko sa lecs na medyo mata---NONG!
matanong ka db? mahilig magtanong, db?
(uulitn ko sna ang sbi ni Profesor bagong-ligo-ang-pakiramdam-ECE,
kya lang naawa ako sa sasapitin ng katawan ko mula sau pag ginawa ko yun)



namis mo na ba pang-aasar ko sau?



para sau... chuchay,
ang lupet ng pic mo,
smile to the max ah???
hehehe...


wag kng magreact msyado,
malamang minumura mo na naman
ako habang binabasa mo to.
hndi ko mapigilan,
favorite tlga kitang inisin, next to melds.



CONGRATS PARE!
ginulat mo ko.
Whatttaahhh picture!




tama na,
seryoso na tong part na to,

Congratulations dude!
now, that's the silver lining i was talking about.
see?
im so so proud of you..





mas seryoso tong part na to...
painom ka naman.