Sunday, November 4, 2007

istokwa


binuksan ko ang wallet ko para bayaran
ang binili ko sa tindahan,
aksidenteng nahulog
ang espesyal na kulay pulang plastik
na nakaipit sa wallet ko
paghugot ko ng pera.



Nagpunta ako sa bahay ni Ah-i-Tikboy-Po(aka TP),
isang gabi para magpaturo kung paano ako
maglalagay ng kapo sa gitara ko,
eksaktong inabutan kong nakaupo si TP sa
veranda ng bahay nila.
Nang iabot ko sa kanya ang gitara ko,
nakasimangot niyang tinitigan
at ineksamin ang pinakmamahal kong gitara.
Katakot-takot na panlalait at mahabang sermon
tungkol sa tamang paglinis at pag-aalaga sa gitara
ang inabot ko bago niya ko simulang turuan
sa pakay ko nung gabing yun.
Pero di naman ako na-offend,
totoo naman ung sinabi niya,
tska sanay na kong ganun tlga si TP,
mas gusto niyang itinutulak ang mga taong
lumalapit sa kanya palayo.


Matapos akong turuan eh napagpasiyahan kong
makipag-kuwentuhan muna ng mga limang minuto,
para hindi naman magmukhang kapal-muks ako masyado at
walang utang na loob kay TP
atsaka,,,,
matagal na rin kaming di nagkakakmustahan
(ayaw kasi niya ng cellphone
at may isang milyon siyang rason kung bakit).
Nasa kalagitnaan kami ng mainit na diskusyunan
tungkol sa nakakakiritang pagmumukha ni
jericho rosales at rayver cruz
ka-level ng pagka-asar namin sa mga taong
napaka-ingay pag nanonood ka ng TV o kaya ng sine,
(PANO KA MAKAKAPAG-CONCENTRATE?!)
nang marinig naming nagsisigaw ang pamangkin ni TP.


"'dito si TP, andito si TP!"
paulit ulit na pasigaw na sabi nung bata,
pilit na nagpapapansin sa kausap ni halmu
sa kabilang linya ng telepono,
pero walang ibang nakakarinig sa sigaw ng bata,
nagpalipat-lipat ang telepono sa iba ibang kamay,
pano ko nalaman? dahil narinig kong iba iba na
ang boses sa telepono,
pero hindi parin tumitigil at sumusuko sa kakulitan yung bata
at nung huli ay ibinigay ni halmu sa
batang nakikipag-agawan sa telepono upang ito naman ang magsalita,
nang makuha nung makulit na bata ang telepono ay
dali-daling patakbong nagpunta sa veranda upang
puntahan kami ni TP, humahangos na humabol si halmu
upang makuha ang telepono mula sa bata.
Mabilis tumakbo ang bata kaya umabot ito kay TP
at pilit na iniaabot ang telepono,
masayang masaya at ngiting ngiti ito
habang pasigaw na sinabing
"Andito si TP oh, sabi ko sa inyo eh,
TP kausapin mo sila, heto",

at patalon-talon na iniaabot
sa hndi gumagalaw na TP ang telepono.

Madilim ang mukhang nakatitig lamang si TP
sa bata at sa teleponong hawak nito,
umabot din si halmu at nabawi ang telepono,
pagkatapos nun ay di malaman kung pano hihingi ng
paumanhin kay TP sa kakulitan at kapangahasan
ng bata. Nagsusumigaw at nag-iiyak ang
bata ng makuha sa kanya ang telepono,
parang masamang masama ang loob dahil hndi nito
natupad ang binabalak niya nung gabing yun,
nagawa na lamang buhatin ni emilio ang bata
upang dalhin sa kuwarto at doon patigilin
sa pag-iyak, siguro dahil nahihiya na sila sakin
sa ingay ng iyak nito.
Sumunod si halmu at itinuloy ang pakikipag-usap sa telepono
kaya marahil hndi nila nakita nung ngumiti si TP
at sabihing wala namang dapat ipagpaumanhin dun.



Magpapaalam na sana akong umuwi,
kaya lang biglang tumugtog ng isang awitin si TP
sa gitara ko na noon ko lamang narinig.





Kinabukasan nung gabing nagpaturo ako kung pano maglagay ng
kapo kay TP,
maagang-maaga pa lamang ay natanaw kong
bihis na bihis si TP palabas ng gate nila.

Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay
namin pabiro ko siyang tinanong kung saan na namang lupalop siya maghahasik ng lagim.
Nakangisi niyang sinabing
"pag namiss mo ko, lalo kang magmumukhang tanga",
tapos may inihagis siyang kulay pulang parang matigas na wrapper ng candy sa may damuhan,tumingin siya sakin at sinabing

"pag nahanap mo ung guitar pick ko dito (sabay turo sa damuhan),
sayo na."



gago talaga.




kung alam ko lang na matagal na panahon
pa bago ko siya muling makikita o
pwede ring iyon na ang huling araw na makikita ko siya
dahil di na niya gugustuhing bumalik pa
(wag naman sana),
haaaayy sana...
-di bale na lang. bawal nga pala ang regrets.








Bakit kaya paglipas ng maraming panahon
dun ko pa lang naitindihan ung mga bagay noon?

Bakit kaya noon di ko naisip na hindi totoong may sipon
si TP tulad ng sabi niya?
sana nakita kong naiiyak pala siya habang
akap niya ang gitara ko at tinutugtog ang
pinakamalungkot na awiting narinig ko.


Bakit nga ba di ko naisip na kahit kelan
hndi madaling sabihin sa ibang tao na hndi ka okey,
at nasasaktan ka na,
at mas madaling tumawa na lang,
o itulak palayo lahat ng mga bagay na palapit sayo,
kesa aminin ang totoo na naghihintay ka lang ng tao-
kaibigan o kakilala,
na makakakita ng mga lihim na hinanakit mo sa mundo?



Bakit kaya di ko nakitang malungkot siya?
at kailangan niya ng kahit sino---
kahit isang ako lang na walang maiiaambag sa
buhay niya para maramdaman niyang hindi siya
nag-iisa?


Bakit kaya hindi ko sinabing umuwi siya sa kanila sa pasko
dahil...
sa milyon-milyong dahilan?



Bakit kaya ngaun ko lang naisip na kung ihahambing
sakin, sa pamilya, at mga kaibigan ni TP,
di hamak na mas lamang
sa amin ung batang nag-iiyak
sa huling gabing nakita ko si TP?
dahil mas mabuti siyang mag-isip
at mas alam nang puso niya kung pano magmahal,
dahil sa murang isip niya
mas naalala pa niyang ipakita sa lahat na bahagi si TP ng kanilang
mundo at gusto niyang manatili ito at sagipin ang kung ano
pa mang natitira sa mga nasira ni TP?



Bakit kaya di ko naisip na kahit ano pang ginawa niya para masaktan
ang marami kailangan ko pa ring ipaalala sa kanya na may lugar pa rin
para sa kanya at may nakakaintindi sa kanya?




Bakit ba hindi ko naisip noon na kaya marami ang nasaktan
at kahit ang extrang ako ay nasaktan
ay dahil totoo at tama ang mga bagay na sinabi ni TP?
di nga ba mas masakit ang
isang bagay, kapag totoo ito?





siguro,
mnsan,
kasi...
ewan, di ko pala alam...








Palabas sana ako ng bahay ng maagaw ang atensyon ko
ng isang patalastas ng isang network
pagdaaan ko sa harapan ng tv namin.
may isang batang nagsusulat habang nakadapa ito sa kama,
nag-flash sa screen ang isang mensahe ng network at binasa ko ito,

WALANG MAG-IISA NGAUNG PASKO.


sana totoo yun...
nangangarap ang walang ambisyong puso ko
na sana'y magkatotoo ang tv ad na yun,
na sana, hndi siya mag-iisa ngaung pasko.








Sa makakasama ni TP ngaung pasko,
habang-buhay ko kayong pasasalamatan
sa ibabahagi mo o ninyong mundo kay TP
ngaung kapaskuhang hindi ko siya mababati at mangingitian.







pinulot ko ung nahulog na kulay pulang guitar pick
sa harapan ng tindahan at ipinasok uli sa wallet ko.