Monday, December 29, 2008

get well soon, panget...

paggissing ko kaninang umaga
narinig kong pupunta ng malaking-kahon-ng-sapatos ang ate ko nang araw na yun,
eh dahil naisip kong ilang araw na kong nasa bahay dahil sa bakasyon
hindi na siguro masama kung lalabas namn ako,

ggmitin kasi nang nanay ko ang sasakyan,
kaya ang ibig sabihin, magco-comute kami ng ate ko.

wala namang problema,
magandang ideya!
dalawa kami, kayang kaya naming matapos ang pamimili sa mas konting oras,
at isa pa, mas okey yun kasi may makakatulong si ate sa pagbitbit ng
bibilhin nyang kulang para sa kakainin namin sa media noche.

excited pa kami kasi parang ang tagal tagal na panahon
na kaming di nakakapag-commute na magkasamang dalawa.

matapos kumain at maligo at magbihis
lumarga na kami papuntang malaking-kahon-ng-sapatos,
pag-abang ng tricycle may nakasakay ng isang tao,
kya napilitan akong sumakay sa likod ng tricycle
(clarification: likod -> meaning sa gilid ng tricycle, sa likod ng driver, hindi dun sa lalagyanan ng baggage ng tricycle)
habang bumibyahe ang tricycle may dumaan na kuliglig (hindi ko alam kung ano to sa tagalog ngaun,
sino ba makakapagsabi sakin? basta isa itong machine na parang suklay ung ibaba para sa pang-araro ng bukid)
medyo nagmamaganda kasi ako habang nakasabit sa tricycle at hindi ko napansing may
makaksalubong pala kami, medyo nakalabas ng konti ung paa ko sa tricycle
kya nang magkasalubong ung kuliglig at ang tricycle na sinasakyan namin,
nahagip ng kuliglig ung paa ko (in other descriptive words: slightly sumabit siya dun sa isang ngipin ng araro),
hindi ko maeexplain dito ung naramdaman ko,
excruciating.
pwde na ata yun, pro kulang pa ata.
basta masakit pare, masakit na masakit, natangal pa ung tsinelas na suot suot ko
at naiwan na nakaipit dun sa ngipin ng araro.
ok....
pang-action star ang dating ko dito,
nawala tuloy ung pagmamaganda ko.
basta kung kilala mo ko,
maiimagin mo na kung paano ako maginarte pag may masakit sa akin.

ang trip sana namin papuntng malaking-kahon-ng-sapatos
eh nauwi sa isang clinic,
me nag-asikasong nars sa amin,
habang pinapaupo ako sa silyang de gulong
at sisimulan ng linisin yung paa ko na puno ng putik,
tinanong nya kung anong nangyari,
hindi nagsalita ang ate ko, hindi ko alam kung nabingi siya, under state of shock at dinaig ako sa actingan
o nahihiya siyang ikwento ang nangyari.
kaya na-no-choice ako at napilitan akong sumagot sa tanong niya.
sabi ko, "ah eh nakasakay po kasi ako sa likod ng tricycle"
sumabad ang nars, "ano?! sumakay ka sa likod ng tricycle?"
nilinaw ko ang statement ko "ah miss hindi sa likod mismo,
sa gilid dun sa tabi ng driver, alam mo yun ung usual na hitsura nang pampasadang tricycle?"
sabi ng bubble sa utak ko "medyo kakaiba tong si miss nars, slightly hindi siya bright ah..."
itutuloy ko na sana ang kwento pero me pagka-excited humula at sumagot si nars ng "ah... nahulog po kayo?"
medyo nairita na ko sa kanya, sabi ng bubble sa utak ko
"heller? patapusin mo kaya yung kwento ko, nag-pa-panic na ko, pansin mo bang masakit ang paa ko?
HINDI ITO GUESSING GAME MISS GENIUS!"
pero mahinahon kong sinabi sa kabila ng sobrang sakit ng paa ko na
"hindi po ako nahulog, nakasakay nga po ako sa likod ng tricycle
tapos me dumaan na kuliglig (di ko tlga alam kung ano sa tagalog ito),
eh hindi ko nakitang may kasalubong pala kami kasi mashadong mabilis ung tricycle,
naka-usli po ng konti ung paa ko sa labas ng tricycle at habang umaandar ung tricycle
sumabit po ung paa ko dun sa kuliglig kya siya nagkaganyan".

tatlong segundong katahimikan at sumagot ang antipatikang nars nang: "aahhhh..."
sabay pinagpatuloy ang paglinis sa paa ko. dedma afterwards.

take note of the word children.
word na sinabi ni nars:
AAHHHHH...
shiyet.
one word, isang expression,
pero damang dama ko sa AAHHHH... na un ni miss nars
ang pagsasabi saking tatanga-tanga ako,
in every essence of the word.
tinapatan ung naisip kong slightly-hindi-siya-bright.
badtrip. ang sakit sakit na nga ng paa ko,
medyo nakaka-shy pang ikwento sa iba kung bakit naaksidente ako.
WTF.
medyo naramdaman siguro ng ate ko na nagmukha akong ganun
kya bigla siyang nagsalita in-my-defese-ata nang
"matagal na siyang di nagco-commute dito, buwenas parin naman siya kasi di siya tuluyang nahulog at nakaladkad ng tricyle"
oh diba? ang laking tulong ng ginawa nang ate ko?
bravo!
(epal! tiningnan ko siya ng patalilis meaning "ate dont make things worse for me, shut up")
natapos din naman ni miss nars ang "paglinis sa paa ko"
ang sabi nung kasama nya, si "doc" ata yun, di ko sya mashadong naramdaman,
busyng busy si doc sa pakikipaglandian sa isang boylet,
at halos wala siyang care na andun ako at kelangan ko siya pra pagalingin ako.
narinig ko lang si miss nars na tawagin syang doc,
pro ang totoo, mas malaki ang participation ni miss nars sa akin kahit pa ba randam kong hindi nya gustong gawin yun.
hindi naman daw mashadong grabe yung nangyari sa paa ko, sbi ni "doc"-nga-ba?
swerte parin daw ako, at hindi ganun ka-grabe ang nangyari,
tipong kelangan putulin ung paa ko or naputol na ora mismo ung paa ko pagkatama sa kuliglig,
sabay tawa na tipong maloloka ung bruhildang baklang doctor.
sisipain ko na sana siya palabas ng kuwartong yun,
kya lang hindi ko maiangat yung paa ko,
naalala ko,
SUMABIT NGA PALA SIYA SA KULIGLIG HABANG NASA LIKOD AKO NG UMAANDAR NA TRICYLE.
kya next time na lang, babalikan ko na lang si "doc"-nga-ba?
para masipa siya once gumaling na ang kaliwang paa ko.
sabi ni "doc"-nga-ba? hindi lang ako mashadong pwdeng maglalakad,
at kelangan i-cold compress at i-hot compress nang salitan ung paa ko
para bumukas at sumara ang pores at magpenetrate ung singaw ng tubig siguro. jowk.
hndi ko alam ang purpose nun, pro gagawin ko na siya uli mya mya.

sa nangyaring yun,
may mga good points din naman siya
una, prinsesa na uli ako sa bahay namin,
kulang na lang papalakpak ako at may loyal na kapamilya ako
right outside sa pinto ng kuwarto ko or sa paanan ng kamang hinihigaan ko
nappraktis ko yung hearing ability ni nanay, sa pamamagitan ng simpleng ungol ko
automatikong magtatanong kung anong problema ko? hehehe.. lagot.
pangalawa, mas marami akong time para magsulat ng blog ko.
pangatlo, abswelto muna ko sa pagkakasira ko ng sasakyan namin nung sang araw
pang-apat, busyng busy ako ngaun sa pagintindi at paggwa ng diskarte kung paano
hindi sasakit ang paa ko sa tuwing gagalaw ako. sbi nga ni ate atleast
broken bone na ang iniintindi ko at hindi broken chuva. ungoy talaga.
panglima, sikat ako kahit 10years from now,
kasi magiging example ako ng mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa
PAGIGING MAINGAT SA TRICYCLE.
example1, mahinahon style: "anak magiingat ka pag nakasakay ka sa tricyle ha?
wag mong i-s-sway-sway ung paa mo, hindi un park,
naalala mo ung nangyari dun ke DIOSA,oh di kasi siya nagiiingat... kya ikaw anak mag-iingat ka lagi ha?"

example2, pagalit: "anak! sinabi ko nang wag kang maglilikot sa tricycle e!
sige ka gusto mo matulad dun sa DIOSA?!? ha?!?
pag nahulog ka jan sa tricyle, pagtatawanan ka nang buong barangay,
ano ha? gusto mo ba yun? ha?!?"


medyo tama din naman ang ate ko,
buwenas parin ako, buwenas parin naman talga ako kasi hindi naman talaga siya
ganun ka-grabe kung iisipin mong sumabit ang paa ko,
ansabi nung isang usi, sinagip daw ako ng guardian angel ko.
(whoa, me ganun pa, muntik pa kong maging example nang isang milagrosong event kung na-entertain lang ang suhestyon nya ng ibang usi)
buwenas na buwenas parin ako at hindi super grabe ang nagyari sa pagkaka-aksidente ko
ansabi ng kuya ko, napatunayan na daw niya kung gaano kakapal ang balat ko
at kung gaano katibay ung katawan ko, parang daplis lang. walang nangyaring grabe bukod sa sumabit ung tsinelas ko
dun sa ngipin ng araro at magkalasuglasog ung paa ko.
kung may angel mang nagbantay sakin,
salamat sa kanya, sana masagip pa niya ko sa ibang bagay na maaring ikasakit ko ng sobra.
kung wala naman,
matakot kayo. mutant ako, araro na yun ha?
parang daplis lang, fernando poe jr style.

matutulog na dapat ako,
ipipikit ko na dapat ung mata ko
pro nasa tabi ko ang celfone ko at naisip kong
ibalita kahit sa isang tao lang ang nangyari,
(isa lang, patulog na ko eh, mahabang uspan pag lagpas sa isang tao kinausap ko)
inisip ko muna kung sino ang pipiliin ko,
ung magrereply nang pag-aalala at magpapagaan ng pakiramdam ko bago ko ipikit ang mata ko at hindi magsasabing
"ano namang pakelam ko kung naaksidente ka? nagbabakasyon ako heller? kaya mo nang pagalingin ang sarili mo"
ung gising pa rin sa oras na yun at kung tulog man, magigising kasi hayok siya sa text at nka-vibrate-mode ang fone nya.
tinext ko ang napili kong kaibigan,
in fairness nag-alala naman siya at tinawagan ako, oramismo.
pro nung magkausap na kami sa telepono,
walang awang pinagtawanan ako sa sinapit ko,
hinihintay hintay pa daw niya ung punchline sa text ko na naglalaman na naaksidente nga ako,
pero nabigo daw siya kasi seryoso nga ang text, akala niya forwarded joke. epal tlga.
sabay sabing alalang alala siya pagkatapos magtatawa...
ungoy talaga. =D
"hanibants, hindi ako nagkamali nang pagpili sau,
nyahaha, kya ikaw ang napili ko,
alam kong gagaan ang pakiramdam ko kasi default nang
pagtatawanan mo lang lahat ng to."
yan ang therapy ko ngaun,
pagtawanan na lang ang bagay bagay.
take super bad things lighter kasi mabigat na nga sila, lalo ko pang pabibigatin kakamukmok at kaka-emote...
laughter is the best medicine,
kahit sa broken....
-ankle
nyahahaha...

and my broken heart.

gagaling din naman sila, at magiging ok din ang lahat.
darating din ang araw, gagaling ang paa ko, at darating ang araw gagaling lahat ng sugat.
gawin ko na lang mas magaan sa dibdib yung process pagpunta dun. =)
tska isa pa me-pagka-mutant ako, tska fastbreak mode ako lagi, mabilis akong gagaling.
tapos ok na uli,
makakarampa na uli ako.
pero magdadalawang isip na ko kung sasakay ako sa likod (sa tagiliran ha? sa tabi ng driver, clarify ko lang)
ng tricycle...

ayun. goodnight.

slowly...
im getting back to my old self.
(thart: "mabuti naman, sa wakas")
that one.
hmmmm... that's for a start.

nars (matapos mabasa to): aaaahhhh....


Saturday, December 27, 2008

NO COMMENT... please.

NO COMMENT... please.
(kunwari celebrity ako,
at kunwari naghihintay kayo nang sasabihin ko,
o nang isasagot ko, o nang itatapat ko sa ibang naglalabasang statements.
although i think medyo totoo naman ang pangalawang statement ko.
nyahahahaha...)


This time there are no two sides of a story,
if that is what he tells then,
that's it., that's the whole story.
I am not speaking up again.



thankyou na lang
kay.. (in order of appeareance)
kaythart-kaydaga-kaygangs-kaykeso-kaySHEBANGS-sapetnakaibigannya-kaymaster-
kayama-kayextrarice-kayelhombresecondrunnerup-kayseatmate-sacrngcafejuanita-
kaymamita-kaymanangnanagtitindangdyaryosatulay-kayprincessamp(forstayingupallnight)-
saelpueblo-sasidebar-sajolibee-kayhanibants-sananaynihanibants-kayenzo-sapcnilasabahay-
sakantangsoclosengenchanted-satrinoma-samenangesalon-sanagmasahesakin-kayleean-kaypaks-kayklit-
kaynanay-kayluis-kaygian-kaygabriel-kayjulia-kayteks-kayerpat-kaybadjo-kaybesy
at higit sa lahat kaykanjiboy - hindi man maintindihan ng maraming
hindi nakakakilala sa atin kung paano tayo magturingan as magkaibigan
nang walang malisya (at medyo nakakapikon na pag naiisip nila yun),
i am so glad that you're there to put some sense in my head.
hindi na kita bibiguin ngaun.
sinusunod kita, pangako ko yan kay keso.
hindi nyo na makikita uli ang side na mamamalimos ako.


at... may kwento pa pala ako sa mga masugid kong taga-basa nang blog ko.
antagal tagal ko nang walang kwento, naging busy kasi sa mga ibang priorities ko.
di naman ako nagsisisi, mas ginusto ko naman talaga yun,
marami pa naman kayong mas makabuluhang pwedeng basahin bukod dito.
anyway... heto na.
sa christmas party nang lakastren,
nakuha ko sa exchange gift ang isang planner mula sa powerbooks,
nang tangalin ko ito sa pagkakabalot at tingnan ang laman nito
nagulat ako dahil wala ang unang buwan ng 2009 para masulatan ko.
ibang buwan ang nakalagay dito sa halip na JANUARY,
doble tuloy ung month na yun sa planner ko...
my groupmates are bragging me to return the planner back and
ask for a replacement. pangit na daw ung planner ko. walang silbi sa january.
I was not listening.
My mind was busy.
I am keeping the planner.
I am looking forward to that "mistake-double-month",
sandali lang naman yun, malapit na siya.
nga lang, baka galit na si master sakin sa buwan na yun. (wag naman sana)


my life is an empty page again.
i am writing down today that i am lucky. (secret kung bakit)
ill do everything to be the best i could ever be. (whooo.. i can feel the pressure. joke)
sabi ni casper, change doesnt happen overnight.
pero gusto kong sabihing... pwede. pero nanahimik na lang ako.
nakita ko.
nakita ko sa daport at sa dafourth. may isang bagay that changed overnight.
i will be my best - the best, next time, i promised that to myself.
(at tinaasan ako ng kilay ni amp)


not yet stargazing,
but I am back in business.
I am going back to my estero de balete to return the bentesingko.
and finally after almost a lifetime, I have decided,
I am getting a new phone. (3310 with whooper speakers, hehehe...)
to stop every person that i know
from nagging me that my phone needs to retire
at ang bagal ko magreply. hehehe...
hindi na kasi umeepek ung katwiran kong
"hindi ako mahilig magtext" or yung
"aalis din naman uli ako, aanhin ko pa yung celfone, d ko naman mggmit un dun"
medyo sentimental tong part na to nang buhay ko,
nakakaiyak,
hindi ko kayang mawala ang celfone ko na kay tagal ko nang kasama.
seryoso.
pers celfone ko kaya yun as normal na tao...
magmukha man akong may sayad.
iiyakan ko yun pag binitiwan ko na siya.
magpapapadyak pa.

shiiiyyeeeet... shemay.
nagbabago na ata isip ko, naiimagin ko pa lang,
ayoko na ata siyang palitan.
WTF. ilang taon kong celfone yun no?!?


maraming payo sa mundo,
marami kang kaibigan,
lahat sila may kanya kanyang style nang maipapayo sa iyo,
may mabuti, may subarashii, may panalo. may ok lang, may sablay, may ikakapahamak mo,
may something that will make you stupid, at may payo na may hidden agenda.
nasa sa iyo na yun kung aling payo ang susundin mo.
malas mo pag sablay na payo ang pinakingan mo,
malas mo pag may ibang agenda ang nagpayo sa'yo,
malas mo pag ang payong pinakingan mo,
eh hindi ang dapat na ginawa mo.
maswerte ako.
salamat keso at kanjiboy.
i will be better.


bagong lesson na dapat isapuso ko...
yesterday ended last night,
and today is a new day.

goodluck sandy este lena pala.
-hindi ko kasi nakuha to, pero ok na, ako na lang magsasabi sa sarili ko.



I am not speaking up again.
sorry... di ko kayo mapagbibigyan... v",)

single-life
here i come again... =)

Wednesday, November 12, 2008

FAQs about estupident's yearbook...

1) ano ba tong yearbook na sinasabi ninyo?
-> me topak ka ba? nag-apply ka para dito,
ito ung sinulatan mo ng makapagdamdaming motto tulad ng ke babs
"life is short. eat well."

2) San ko makukuha ang yearbook ko?
punta ka ng adu, punta ka sa IDEA office.
uu tama ka, hindi sa window 14, nakaligtas ka na sa window na un!
yipee!!!! sa IDEA ka na didiretso...

3) saan ba tong IDEA office na to?
punta ka sa CS gate, wag na wag sa ST gate kung wala kang
alumni ID, susupladahan ka ni poging manong guard.
pramis. dun sa cs gate, me nakaupo dun sa guard house,
tanong mo san ang IDEA. ampucha, gumradweyt ka hindi mo
alam na may IDEA office???? well... parehas tau.
pro nasa 2nd floor daw un ng CS. (daw ha? daw... wag magtwala sakin
directions yan...)


4) anong dadalhin?
tulad ng naisip mo dahil taga-adamson ka...
importante, i repeat importante na may resibo ka.
hello? hindi ka nga maka-exam kung wla kang resibo
este permit pala, yearbook pa kaya.
tandaan, hitech tayo, hitech ang facilities dun
pro my-betcha-by-golly-wow sa sobrang hi-tech wala silang
tracking nang kung nagbayad ka na ba o hindi.
WTF!


5) pano kung wala ang resibo ko?
ganito, magtoothbrush ka nang maigi,
tapos magcologne ka nang matino. magmumuog ka nang sangkatutak
na mouthwash hangang magluha ang mata mo sa anghang,
dahil kakailanganin mo ang mabangong hininga,
at mapreskong pangangatawan para makipag-pakiusapan dun
sa IDEA. (pero pwde ko pang baguhin tong sinasabi ko... hehehe)
jowk lang kelangan mo lang ng valid id. hehehe...



6) totoo ba ang kumakalat na chismis na may expiration date
na 6 moths ang pagkuha ng yearbook? mga ungoy ba sila?
baket kelangan me expiration date? hello? 2 years? sa tingin ba nila
wala akong ginawang ibang bagay sa buhay ko liban sa hintayin
i-release ang yearbook ko? mga gago ba sila? pano kung nag-abroad ako?
o nasa business trip? o nasa bundok at after 6 months ka pa mkakabalik ng pinas?
mga ungoy ba talga sila?

ahhmmmmm... oo?? (ikaw na magisip kung san ako sa tanong mo um-oo)


7) pwede ko ba ipakuha sa kamganakan ng kuya ng bestfrieng ng pinsan
ng kapitbahay nang inaanak ng girlfriend ko ung yearbook kasi di ko makuha?

ang sagot, oo uli. not necessary dun sa sinabi mo ha?
kahit kanino, padala ka nang authorization letter at ID mo daw
at ID daw ng kukuha...




hindi ako taga-registrar,
hindi ko din bestfriend ung pinaka-sweet na lalake
at babae sa buong mundo sa window 14,
nabasa ko lang tong email na to
at nagmamagaling na ko tungkol sa pagkuha ng yearbook.
english sya mga pare, kya nitranslate ko na sa taas,
kasi andaming tanong ng tanong.



Yearbook 2006 Announcement :

All March and May 2006 Graduates may now claim Adieux ’06 at the Institutional Development and External Affairs (IDEA) Office, CS Building ground floor. Unclaimed yearbooks will be disposed of after six (6) months (counting from the day of this announcement) . Please bring your receipt and any two (2) valid IDs.

> > If unable to personally claim your yearbook, a representative should bring an authorization letter signed by you (the yearbook subscriber). A valid ID of the representative should be presented as well.

> > For more details, please call 524 2011 local 122 or 522 > 0550. A Student Assistant is ready to assist you.





pag me tanong pa rin kau,
email nyo si keso (zatziboom), kayang kaya nya kayong sagutin.
siya ang pinaka-active sa pag-disseminate ng info na to.
nagpapaka-i-know-that-too lang ako kaya nagmamagaling akong
magbgay ng info pero sa totoo lang,
nawawala ata ung resibo ko.
peace chez.


at... wala akong pakialam sa nagsabing ayaw n nya makita ang batchmates nya.
tingin ko ayaw din ata siya makita ng batchmates nya.
(uy maldita mode activated...)
basta ako.
gusto ko makita si meldy.
at si... ano nga pangalan nun??
ung classmate natin nung nakipagunahan akong maupo
sa tabi ng pinto sa first day at may dumungaw at magtanong nang
"is this veysic ehkow?" sa pinaka-slang na paraan na pwde mong
maimagine, (basic eco ang tinutukoy nya, BASIC ECONOMICS)
kaya nag-hang ako at napatulala sa kanya,
at kelangan pang kalabitin ako ni... ni.. bebets nga ba? o si armie?
basta katabi ko bago ako sumagot ng. "yah, i think it is"
(sa pinaka-engot na way na pwde mong isipin, hayup.
Y-A-H, yah is the word, i-slang din ako no?!? at may "i think it is" pa siya,
take note, buti hindi ko nilagyan ng palamuting BASICALLY o kaya ng ACTUALLY pra
jologs at idiotic to the max na talaga...) at hangang ngayon,
hindi ko pa mapatawad ang sarili ko sa statement na yun.

take note: hindi pang-hearthrob ang nagtanong na to,
na-culture shock lang ako na may nag-e-english na super
slang na tulad nya... hehehe...



goodluck sa pagkuha ng yearbook.
sana hindi mo pagtawanan ung piktyur ko dun.

Sunday, May 11, 2008

Dahil humihingi ka na ng payo ngayon, heto… just like hourglass sand



Ok here we go. Focus.
Speed. I am speed.
Im faster than fast.
Quicker than quick
-lightning mcqueen



takbo.
Ayan, yan ang national motto na meron ka.
sa mga panahong sasabit na,
Sasablay,
mapipilitang magsalita na,
alam kong ito ang naiisip mo ngaun,
hmmm… wag kang magalala hndi kita ppgilan.
Pero dahil humihingi ka ng payo,
Malupet na payo ba ka mo?
Heto compilation namin.


teka muna,
timeout nga, itigil mo muna yang pathetic look on your face
at makinig ka.
Nakakasawa na yang drama mo eh,
Wla namng problema kung di ka gumagawa ng problema eh,
Hndi pa huli ang lahat,
Paulit ulit na yang kanta sa pc mo eh,
Simple lang naman sana ang buhay
Kung ikay matino.
tama na pambobola,
tama na ang pagpapacute,
itigil ang kasinungalingan,
magsalita ka,
sabihin ang totoo,
sabihin ng maayos
lumabas ka sandali jan s kuwarto mo,
umakap ka, magpatapik ka sa balikat, o magpagusot ng buhok,
kailangan mo yun,
para maipaalala mo sa sarili mong may emosyon ka,
okey lang yan,
hndi masamang amining di ka robot.
humilig ka sa balikat
kung napapagod ka na,
o kung inaantok ka,
kailangan mo ng pahinga,
tingnan mo ang mata mo sa salamin at maawa ka sa
naniningkit mo ng mata.
kailangan mo ng balikat, kailangan mo ng tapik,
Kailangan mo ng gusot sa buhok na yun,
Aminin mo man o hndi
Mapapangiti ka rin ng palihim.
Umiyak ka,
Tandaan mo tao ka!
Wag kang ngumiti kung hindi ka namn talaga natatawa,
Iiyak mo kung nahihrapan ka na,
Hnihintay din nila yun, maniwala ka,
Lumapit ka na, nakalapit ka na nga eh,
Kung ggawin mo ang mga bagay na naiisip mo
At sasabihin mo ang mga bagay na naiisip mo
Mahirap lang yan dahil iniisip mong mahirap,
Pero kung sa dulo naman ay malalaman nila ang mga bagay
Na hndi nila alam para maintindihan nila,
Hndi ba’t its worth all the effort in the world ang magiging drama mo.
Magpatawad ka,
Wala kang karapatang humingi ng tawad
kung ayaw mo ding makalimot sa mga bagay na nagawang
hndi tama sa iyo.
Kumain ka nang tama,
Hndi dahil masarap at gusto mo ito ay isasaksak mo na lahat sa tiyan
mo lahat ng naisin mo, kahit pa ba makakasama sa iyo,,
Alagaan mo ang katawan mo,
Tutulungan ka din nito para maayos mo lahat ng
Bagay na gusto mong ilagay sa ayos bago ka
humayo, tumalon at sumubok sa bagong mundong inaabangan mo…
Makipagkilala ke mareng gulay at katropang prutas,
Matulog ng maaga at iunat ng kaunti ang katawan paggising sa umaga.
Tumigil ka sandali
At isipin ang mga taong nagpphalaga sau,
Sa kakahabol mo sa taong mahalaga sau na di ka binibgyan ng importansya
Bka naman di mo na mabgyan ng pagpapahalaga at appreciation
Ung mga matiyagang nagbabantay at umaaalalay sa bawat hakbang na gingawa mo
para mahabol lang ang gusto mong habulin.
Wg kang mapilit.
Huwag ipilit ang di pwede.
Huwag ipilit ang imposible.
Di masama kung sumuko ka na muna,
Baka nga mas okey kung susuko ka na,
Kung bibitaw ka na lang,
Kung sa bawat pilit mo na mahabol pa,
Lalo lang ikaw natutulak palayo,
Huwag na,
Tumigil ka na,
Maawa ka sa asarili mo,
Mukha ka ng katawa tawa sa lahat.
Isa pa,
Ngumiti ka,
Humalakhak ka,
Kung sakali mang magawa mo nga ito,
Utang na loob wag mong hayaang
Maisip mo uli siya, at isiping mas msarap sana ang tawa mo
Kung andun siya, hay naku, sisipain na kita,
Huwag mong isipin ang isang bagay na hndi para sa iyo
Kung natapos na siya,
At maayos na siya.
at mukhang masaya na siya.
Tapos na yun,
You’ve had your shot,
You did not do your best.
Wag ka ng umapela pa,
Try your best na lang next time,
Hndi man sa kanya, basta yung best mo, sa napakarami pang next time.
Tingin ka lang sa tabi mo,
Andito ako,
Magsalita ka,
Ung 22o,
Hndi tamang itago na lang lahat,
Para di ka na lang magpaliwanag pa,
Hndi man kita maintindihan,
Matawa man ako sa hitsura mo
Gagaan parin ang pakiramdam mo,
Isipin mo, kung di ka parin magsslita,
Unti unti kang sisirain ng lahat ng nararamdaman mo habng tulog ka,
Uutakan ka niya, maniwala ka,
ayaw mong magpalamng diba?
O ayan, lalamangan ka nang kaka-deny mo.
Kaya dali, kumilos ka.
May puso ka, at hnhntay niyang gamitin mo siya,
Ng tama at nang matino,
Ang bata bata mo pa, hirap n hirap na siyang magtrabaho,
kakasunod sa mga sablay na diskarte mo.
Kkpigil na magkaron ng emosyon…
Haaaayyy… pwede ba?!? For once start getting real!
At higit s lhat, oo nga pala,
Pumikit ka paminsan minsan,
At magpasalamat,
Na kahit alam nyang may sayad ka,
At npakarami nang nabiktima ng sayad mo,
Hndi man pasok ang lengwahe mo at ang asta mo
Sa “matinong” category na sinasabi nila,
Buwenas ka parin,
dahil binigyan ka pa niya ng matinong pagiisip
Para maisip mong gusto mo pa nga tlaga,
Ng one more chance.
Ng second time around,
Ng turning everything around that touched rock bottom,
Just like hourglass sand.
At pagkatapos nun,
Sige na, di na ko kokontra pa…
Tatapikin parin kita sa balikat, yayakapin,
Gugusutin ang buhok , ngingitian.
At sasabihing…
“Takbo na.”
Dahil alam kong wala kang maiiwang unfinished task sa pagtakbo mo,
kya mas malayo ang matatakbo mo.


Mcqueen: Focus… focus…
Man: (Knock,knock, knock)Lightning are you ready?
Mcqueen: Oh yeah, Lightning’s ready…
(Sheryl crow music starts playing…)