1) ano ba tong yearbook na sinasabi ninyo?
-> me topak ka ba? nag-apply ka para dito,
ito ung sinulatan mo ng makapagdamdaming motto tulad ng ke babs
"life is short. eat well."
2) San ko makukuha ang yearbook ko?
punta ka ng adu, punta ka sa IDEA office.
uu tama ka, hindi sa window 14, nakaligtas ka na sa window na un!
yipee!!!! sa IDEA ka na didiretso...
3) saan ba tong IDEA office na to?
punta ka sa CS gate, wag na wag sa ST gate kung wala kang
alumni ID, susupladahan ka ni poging manong guard.
pramis. dun sa cs gate, me nakaupo dun sa guard house,
tanong mo san ang IDEA. ampucha, gumradweyt ka hindi mo
alam na may IDEA office???? well... parehas tau.
pro nasa 2nd floor daw un ng CS. (daw ha? daw... wag magtwala sakin
directions yan...)
4) anong dadalhin?
tulad ng naisip mo dahil taga-adamson ka...
importante, i repeat importante na may resibo ka.
hello? hindi ka nga maka-exam kung wla kang resibo
este permit pala, yearbook pa kaya.
tandaan, hitech tayo, hitech ang facilities dun
pro my-betcha-by-golly-wow sa sobrang hi-tech wala silang
tracking nang kung nagbayad ka na ba o hindi.
WTF!
5) pano kung wala ang resibo ko?
ganito, magtoothbrush ka nang maigi,
tapos magcologne ka nang matino. magmumuog ka nang sangkatutak
na mouthwash hangang magluha ang mata mo sa anghang,
dahil kakailanganin mo ang mabangong hininga,
at mapreskong pangangatawan para makipag-pakiusapan dun
sa IDEA. (pero pwde ko pang baguhin tong sinasabi ko... hehehe)
jowk lang kelangan mo lang ng valid id. hehehe...
6) totoo ba ang kumakalat na chismis na may expiration date
na 6 moths ang pagkuha ng yearbook? mga ungoy ba sila?
baket kelangan me expiration date? hello? 2 years? sa tingin ba nila
wala akong ginawang ibang bagay sa buhay ko liban sa hintayin
i-release ang yearbook ko? mga gago ba sila? pano kung nag-abroad ako?
o nasa business trip? o nasa bundok at after 6 months ka pa mkakabalik ng pinas?
mga ungoy ba talga sila?
ahhmmmmm... oo?? (ikaw na magisip kung san ako sa tanong mo um-oo)
7) pwede ko ba ipakuha sa kamganakan ng kuya ng bestfrieng ng pinsan
ng kapitbahay nang inaanak ng girlfriend ko ung yearbook kasi di ko makuha?
ang sagot, oo uli. not necessary dun sa sinabi mo ha?
kahit kanino, padala ka nang authorization letter at ID mo daw
at ID daw ng kukuha...
hindi ako taga-registrar,
hindi ko din bestfriend ung pinaka-sweet na lalake
at babae sa buong mundo sa window 14,
nabasa ko lang tong email na to
at nagmamagaling na ko tungkol sa pagkuha ng yearbook.
english sya mga pare, kya nitranslate ko na sa taas,
kasi andaming tanong ng tanong.
Yearbook 2006 Announcement :
All March and May 2006 Graduates may now claim Adieux ’06 at the Institutional Development and External Affairs (IDEA) Office, CS Building ground floor. Unclaimed yearbooks will be disposed of after six (6) months (counting from the day of this announcement) . Please bring your receipt and any two (2) valid IDs.
> > If unable to personally claim your yearbook, a representative should bring an authorization letter signed by you (the yearbook subscriber). A valid ID of the representative should be presented as well.
> > For more details, please call 524 2011 local 122 or 522 > 0550. A Student Assistant is ready to assist you.
pag me tanong pa rin kau,
email nyo si keso (zatziboom), kayang kaya nya kayong sagutin.
siya ang pinaka-active sa pag-disseminate ng info na to.
nagpapaka-i-know-that-too lang ako kaya nagmamagaling akong
magbgay ng info pero sa totoo lang,
nawawala ata ung resibo ko.
peace chez.
at... wala akong pakialam sa nagsabing ayaw n nya makita ang batchmates nya.
tingin ko ayaw din ata siya makita ng batchmates nya.
(uy maldita mode activated...)
basta ako.
gusto ko makita si meldy.
at si... ano nga pangalan nun??
ung classmate natin nung nakipagunahan akong maupo
sa tabi ng pinto sa first day at may dumungaw at magtanong nang
"is this veysic ehkow?" sa pinaka-slang na paraan na pwde mong
maimagine, (basic eco ang tinutukoy nya, BASIC ECONOMICS)
kaya nag-hang ako at napatulala sa kanya,
at kelangan pang kalabitin ako ni... ni.. bebets nga ba? o si armie?
basta katabi ko bago ako sumagot ng. "yah, i think it is"
(sa pinaka-engot na way na pwde mong isipin, hayup.
Y-A-H, yah is the word, i-slang din ako no?!? at may "i think it is" pa siya,
take note, buti hindi ko nilagyan ng palamuting BASICALLY o kaya ng ACTUALLY pra
jologs at idiotic to the max na talaga...) at hangang ngayon,
hindi ko pa mapatawad ang sarili ko sa statement na yun.
take note: hindi pang-hearthrob ang nagtanong na to,
na-culture shock lang ako na may nag-e-english na super
slang na tulad nya... hehehe...
goodluck sa pagkuha ng yearbook.
sana hindi mo pagtawanan ung piktyur ko dun.