Sunday, September 30, 2007

gatecrash...

gatecrasher (noun)
-> ito yung taong ubod ng tigas ang mukha
na magpunta sa isang pagtitipon kahit
na hindi naimbitahan ng taong nagpa-pa-party.


----------------------------------------------

araw ng binyag ng anak ni eyron at meydyor nun,
at syempre andun ang mga taong ayaw matulog sa
party ni eyron.
tulog na tulog si crashey ng umagang yun
ng bglang mag-ring ang
knyang telepono.


crashey: (still sleepy) heller? hu d hell are you? calling me in this
early sunday morning?! don't you know that i am too tired
last week because of many draining tasks that i am doing during overtime?
dont you know that this is the only day that i will sleep this long?
who are you disturbing this wonderful morning of crashey?

prexy: hey crashey!! its me prexy, im with basted-forever now,
were going to the party of eyron,
wat tym r u going there 2day?
were driving back now to manila, wil be der at round 10am!

crashey:(suddenly awake) huwaaaatt party are you talking about?!
is there a party? my betcha-by-golly-wow i was not invited
by that tropapips of ours- eyron, why why why delilah???

prexy: you see it was wlang-kabusugang-dipad who did
the inviting for the party, she does not have your number,
because you were not making pansin with each other for
the past 3(?) years already, because you don't want to,
remember? and because you love your detergent so much,
eyron has no celfone, so maybe thats why you were not
informed crashey. hey common,
you go, don't you go starting with that detergent of yours
common, tara lets go to the party of eyron's new baby.

crashey:(pakipot) huh! i have my detergent excuse me.
i will not go!!! even if I really want to go, because I am missing
all the tropapips-who-does-not-like-to-sleep. But if you make
pilit of me 1 more time, maybe i'll change my mind.

prexy: owww.. comon crashey. why the hell are you so maarte all the time?
you think it's bagay?nway, ok ill do it.
Common, let's go together to eyron's party,
dont make pakipot anymore, it's not bagay to you.

crashey: hmmmm... no! no! excuse me prexy.
i am not using my detergent
i am just shy.

prexy: dont be maarte crashey, you're invited you know,
in our tropapips, there is no need for inviting anymore,
remember "we are one",
and i just like to tell you that
this phone bill is costing me too much now, its 30mins already.

(after 3 seconds)
crashey:OK il go, i wont give you a hard time anymore, kulisap will be there right?
i will go with mikee, then we'll meet there.


-------------------------------------------------------------------------
(warning: hndi po si babs si walang-kabusugan,
matakaw lang ito pro wla pa siya sa level ni babs (physically),
si babs ay nagkukuta ngaun sa australia)

hndi ko alam kung paano
nagawang mapilit ni prexy na magpunta si crashey
nung araw na yun sa napakasimple
pero matagal na diskusyunan, hehehe...
natutuwa ako sa kanya.

sabi sakin nung pinakamagaling at natatanging propesor na
pinapakinggan ko ng maayos -- si propesor worldlit,
nung nasa kampus-ng-san-marcelino-estupidents pa ako,
pag me bagay ka daw na hndi mo gustong kalimutan,
o pag me gusto kang maalala,
wala kang ibang dapat gawin kundi.
isulat mo.


kaya heto,
hndi ko man makwento ng matino
yung lahat ng magagandang nangyari
sa araw na yun, ok na to,
pra pag nabasa ko to, 5 taon mula ngaun,
dito sa pc ko,
maalala ko,
ang nakakatuwang geytcrash ni crashey.
boring naman kung
mag-d-dear-diary ka db?
yikes.



ayun,

para sau crash,
natutuwa ako sayo,
ang bagsik mo,
kahit last minute na at alam mong ge-geyt-crash ka
me bitbit ka pa tlgang regalo khit saksakan ka
sa kakuriputan, bagay naman pla sau ang me bitbit mnsan eh,
maiba naman.

natutuwa ako sayo,
para kang batang me hawak na lobo habang
pababa ka ng lrt at patawid dun sa kalsada
habang hnhntay ka ng mga ayaw matulog
sa nakaparadang tsikot ni basted forever,
hangang ngayon,
di ka pa tlga marunong tumawid.

natutuwa ako sayo,
langya ka, late ka pa rin!
kala ko ba nagbago ka na?

natutuwa ako
habang pinagmamasdan kitang kumain nung araw na yun,
at di mo alam pinapanood kita,
lalo nung makita kong
nagtayuan ang lahat ng taong ayaw matulog sa table para sa yosi
at maiwan kayo ni
walang-kabusugan sa table,
natuwa ako sa buntong-hininga mo,
sabay tingin sa kisame,
sabay pasimpleng tingin kay walang kabusugan
na parang kumukuha ng buwelo,
-para ka talagang bata mnsan.


at natutuwa ako dahil
napaka-brave mo ng basagin mo ang nakabibinging
katahimikan, at sa wakas eh itapon yung 3taon mo ng detergent na
nakapagitan sa inyo at ng sabihin mo kay walng-kabusugan
ang...
"kamusta na walang kabusugan?"

at lalo akong natuwa ng makita kong ngumiti
si walang-kabusugan, para sabihing...
"ga-gradweyt na ko, at tinatapos ko lang ang thesis ko"

nakakatuwa kayo,
matapos nun,
kung magkwentuhan kayo,
parang wala ng nangyari ah,
sabagay, hndi ko na nga maalala kung bakit nga ba
nagsimula ang epic-drama-chapter nyong dalawa.
sa wakas, natapos na.

natutuwa ako
sa iyo at nagpunta ka
at gumeyt-crash sa party ni eyron at meydyor
nang hndi muna tinatanong kung sino-sino ang
pupunta at kung sino-sino ang naimbitahan
kahit na nakaligtaan kang yayain nung araw na yun,
(ugali mo yun db? ung magcheck muna kung sino pupunta?)


natutuwa ako kasi,
wala ka na ata talagang detergent pare ko.


sa araw na yun,
atleast me mga bagong aral tayong natutunan,
una,
walang maidudulot na maganda ang detergent
na ubod ng tagal na
pangalawa,
ibang klase tlaga taung magsaya,
pangatlo,
dapat malaman ng lahat ng tao
ang pagkakaiba ng PISO sa LIMANG PISO
at lastly
mula ngaun, bawal na kaung pagtabihin nina kabalyeros-phranswa,
walang kabusugan, at kulisap,
habng hinahayaan kayong mag-isip at mag-figure-out
kung pano isolve kung bakit ayaw gumana ng isang
machine na hinuhulugan ng barya.


kabalyeros-phranswa: hey i like to use that!

kuya manong: okey, pag ggmitin nyo to children,
maghulog lang kayo ng PISO, tapos i-press nyo to,
'to, 'to, 'to, 'to, 'to, 'to at eeeeto...
and whallaah, ayun na ang hnihntay nyo.
do you understand that little boy?

phranswa: yes! kuya manong. i'll kip dat in mind.

(kuya manong walks away.
pranswa, walang-kbusugan, kulisap, crashey were left with the machine)

pranswa: (paulit ulit na gngwa ang tinuro ni kuya manong)
hey guys, ayaw gumana nito! badtrip!

kulisap: hmmm... let me try. (after 2 mins)
naku sira ata ito eh. (sabay palo sa machine)
bulok!

phranswa: ako uli, subukan ko. (after 5mins)
ayaw ata tlga eh, sira siguro.

(isip... isip... ang mga engot, este tao)
walang-kabusugan: aha! baka dapat 5PESOS ang ihulog natin.

phranswa: dont be stupid. ang sabi ni kuya manong,
piso, okey? PISOOOOOO!!

(matagal na try-and-try ang tatlong pabida,
binasag muli ni kulisap ang ktahimikan,
sinapian ni walang-kabusugan)

crash/kulisap: alam ko na! alam ko na! baka 5pesos ang
dapat ihulog natin! dali subukan mo phranswa.

phranswa: dahil me pagka-tanga ako minsan at naniniwala ako sau,
tama! 5pesos nga sguro ang kasagutan! wahahaha! henyo tlga tau!



pinasok ni phranswa ang 5 pesos,
at nagbara ang slot,
at nasira na ng tuluyan ang machine.




lagot.
d^_^b


para sa mga wala nung araw na yon,
sana'y nakita nyo ang namutlang hitsura ni phranswa nung
pinagkanulo siya nung dalawang henyong nag-isip sa 5pesos
nang mapansin ng ibang ayaw matulog na nasira ang machine.




everyone: "hoy! anong ginawa nyo jan ha? bakit di na gumagana?!?"
kulisap and wlang-kabusugan: "Si phranswa kasi hinulugan ng 5 pesos eh"



yan ang friendship,
me loyalty.


hehehe.


para sa mga ayaw matulog,
hangang sa muling eyeball mga pare,
nagbago na hitsura ng marami sa atin ah,
iba na tlga pag me pera na,
biro lang.
pasensya na at maaga akong umeskapo
at nilayasan ko kau,
kahit na kulang na lang eh maglumuhod si
family-man-image-kunong-taga-sira-ng-grad-ball
para hndi ako umuwi,
big girl na ko eh, madami pa kong kelangang gawin,
pero,
namimiss ko kau,
lagi lagi lagi lagi
kahit kaka-kita ko pa lang sa inyo nung isang araw.
namimiss ko tlga kayo...
(tumigil ka na nga sa drama mo! kadiri ka!)




para sa inyo eyron at meydyor,
congratulations.
you look so good together.
salamat sa pagkain at sa inom,
nabusog nyo kami.
at..
patawad tlga dun sa machine nung kapitbahay nyo,
nabigla lang. hihihi.



para sa ika-apat at pinakabagong anghel
na nagpabago muli sa buhay
ng mga taong ayaw matulog...
maligayang pagdating sa mundong ito.



pahabol, isa pang dapat isulat.
sa kanta ko dati pra ke bets...
at kung sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo,
ay isipin na lang na ang buhay ay mgkkroon ng araw na magkaksalubong kami at wawasakin ko ang pgmmukha nya pra sau pramis. (cencya nwala ata sa tono ung kanta)

ayun nagkslubong kmi,
nagkatabi pa at some point sa upuan,
pro di ko nagawa ang sinabi ko,
di ko na din gagawin pa, (nkahinga nb kau guys?)
dahil nakita kong masaya uli si bebets,
at habang ganun siya,
peace-loving citizen ako,
pro sa susunod, watch-out,
im gonna be on a wrestling-boxing-taekwondo-hatefull-words-rapping match.
(asus, tlga lang ha? heler?)



at ke crash-
(kahit sabihin pang nakaligtaan lang, gatecrasher ka parin.)