at mukhang langit na nman ang
paligid sa bayan namin
ngaung panahon na to....
ang bilis naman, andito na uli ang tanawing to.
nakatanaw ako sa labas ng bus na
sinasakyan ko at nakita kong
nagiging puti na uli ang paligid sa bayan namin,
haaay... kay gandang tanawin,
haaay uli, para sakin ito ang pinakamagandang
bagay sa mundo, ito lang ang bagay sa mundo na pwede kong
tingnan habang buhay at hndi ako mapapagod
at magsasawang tingnan kahit kelan.
(uulitn ko, tulad ng sinabi ko nung nakaraang taon,
hndi ako imported, hndi kita niyayabangan,
hndi snow ang tinutukoy ko)
hmmm...
pagising ko sa araw ng biyernes,
iba na uli.
tinanong ako ng pabiro ni utak-prep nung isang araw
kung ano ba gusto ko mangyari sa biyernes,
tinawanan ko lang siya,
pro ang totoo sana magawa ko ang mga bagay na ito
bago matapos ang araw ng biyeres.
sana...
matupad ko ang pangako ko ke jeboy,
sa huling gabing naksama ko siya at sinabi nyang
gusto nya ng dilaw na kahon sa araw ng biyeres...
na kahit iba ang pinaniniwalaan ko sa karamihan,
matuto akong magpasalamat at dumalaw paminsan minsan
sana...
maging payapa ang araw ko sa pabrika mula
sa mga kamay nang manlolokong-baliw-na-pasado-sa-lahat-ng-signs
at sa utak-prep-na-mentor-ko at ng iba pang miyembro
nang balang-araw-na-mga-tao.
sana...
maging masaya ang araw ko sa pabrika,
sana...
peace na kami ni dragon.
sana rin...
magtuloy tuloy na ang iniwang payo nung umalis na kalbo
para sa mga naiwan ke ama.
sana...
magawa kong kumain ng mais magisa
sa gilid ng malaking kahon,
habang nakapila sa tapat ni charlene
at magmuni-muni uli...
sana...
mkasama ko ang mga taong ayaw matulog. =(
dahil nangungulila na ko sa di namin
pagkikita.
sana...
maging masaya din ung pinakasikat na higante sa pabrika,
(papasayahin kita wag kang mag-alala)
at ung tatay-ni-keng, ung kakambal kong tuta,
at si-intsik, at ung-lumampaso-sakin-sa-chess-nung-4th-year-high
("rematch naman tayo!", wounded ego yan lena, tama na, move on),
sa araw ng pag-gunita sa martial law.
sana...
mapatawad na ko ni
white-weird-looking at makalimutan na nya
ang milyon milyong walang kwentang
sapi-days naming dalawa
dahil mature-thinking na ang mga tao
at maging magkaibigan na kami kht papano,
dahil nakakapagod ng umikot sa gilid nina
tranquilizer pag nauuhaw ako, at
dahil namimiss ko nang ngitian siya sa pabrika.
sana...
walang trafic.
sana...
di ako matulad ke prexy na nagbura ng inbox nya
at walang napala, dahil nagkaamnesia lahat.
sana matupad parin ang estero de balete ko,
hndi man ngaun dahil
sinusunod ko ang payo ni attached-daw,
este nung pinagmanahan pala ni attached-daw.
sana...
maalala ng lahat nung mga dating
espesyal na tao na isinama ko sa mga simpleng
pangarap ko noon, hndi man nangyari ang mga
ninais naming mangyari, maalala niyang
panahon na ito para ipaalalang
minsa'y pinasaya kita.
sana...
masabi ko rin ang lahat ng di ko masabi,
sa lahat ng taong naghihintay ng dapat kong sabihin,
para maging maayos na ang lahat...
sana...
matapon ko na rin ang
pinakamamahal kong detergent,
na pinanlalaba ko sa iba ibang klase ng mantsa,
at klimutan na ito tulad ng sbi ni
kanji boy na "yesterday ended last night"
sana makita ko ang mga anghel sa buhay ko,
si andreana, si alessandro, si gabriel
at si emmanuel.
napakaduwag ko lang ata talaga.
sana...
mahiram ko si "andrei" at magamit ko
uli ang lisensya ko, isang ikot mula sa tres,
hangang sa daang pataas, para mahampas uli ng
malakas at sariwang hangin ang mukha ko,
na baka magpagising sa katigasan ng utak kong tulog.
at...
sana,
kasama ko si nanay na tingnan
ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo
sa unang minuto pagbukas ng mata ko sa bagong araw ng biyernes.
at syempre...
sana maalala mo ko.