post ko lang tong mensahe ni bebets,
bago simulan ang mga natutunan namin sa misadventures na
narinig namin sa ibang tao sa lingong to
habang kumakain ng pagkaing-walang-bukas-ng-ever-reliable-kong
kulot-na-kanji-boy-wanton-expert.
para dun sa tambay ng OZ,
"maawa ka na man, bingi na nga, ulyanin pa, idagdag mo pang
clumsy pa mnsan at buhol buhol ang dila na parang
kakatapak lang ng grade two kung mgsalita,
mnsan lang gumwa ng seryoso sa buhay,
pinagtawanan mo pa??? wag ganun... "
teka! bago ka tumuloy,
kung iniisip mong nagpapatawa ako,
this time, hindi ako nakikipag-biruan, seryoso talaga to.
dahil kung joke to (wlang kwenta na, corny pa)
learnings namin ni kanji boy sa araw ng ikalawang lingo:
"ang pagsigaw ay hndi kailanman
magpapabusog sayo kung gutom ka, lalo na kung wala ding almusal
yung taong sinigawan mo..."
"kung alam mo ng retarded ka,
may pagkakaiba ba kung malalaman mong retarded ka nga?"
"wag na wag mong isisisi sakin kung
nageffort ka ha? edi matulog ka ng maaga!"
"kung sikreto ba namin to? pwede bang maging sikreto mo rin?"
"mas masaya talaga pag dedbat ka,
kesa pag may load ka..."
"masakit ba ang malamang di ka taga-dreamland,
kasi magnacumlaude ka ng manhid-at-joketime-academy"
"kung gusto mong mag-taxi, wag ka ng mag-dalawang isip,edi sumakay ka na"
"wag kang mag-expect kung alam mong may ine-expect ka..."
"mas masarap pakinggan yung,
para-kang-may-sayad-sa-ulo kesa sa
ang-bait-mo-talaga-sana-lang-wag-ka-nang-magulo"
"hndi lang yung naaksaya mo na galing sau ang dapat mong panghinayangan,
pwede ring yung naaksaya mo na galing sa iba" (si kanji boy nkaisip n2)
"wag na wag ka mag-uusisa sa buhay nya
kung i-shu-shut-off mo naman siya pag sya nag-usisa"
(sa falling star ni tranquilizer)
"hndi lahat ng hypothetical question, ibig
sbihin pinaparinggan ka nya kya siya nagtanong"
"pag may napulot kang celfone,
isoli mo,okey lang mag-efort ka, malay mo diyosa pala ang may-ari,
edi naka-jackpot ka pa ungas!"
ang dalawang importanteng gintong aral na
tinuro sakin ni ten-o-clock-sa-nihongo,
na nagpatino dun sa KAKILALA namin at magagamit ko
marahil hangang tumanda ako, o hangang
mag-"mature" ako. (pang-upgrade ng patience level technique)
a.) make sure that the juice is worth all the squeezing.
if it's not worth it, wag ka na lang mag-tantrums,
sayang ang oras na ilalaan mo sa kkaisip na
"hurt-ako", 'kala mo naman bagay sau.
b)"kung importante sya sau,
utang na loob baliw kainin mo na ang pride mo,
wlang maidudulot na mganda yan sau."
at ang pinakamahalagang lesson:
"WAG NA WAG KANG BIBILI NG SAMPAGUITA SA MAY SHAW BLVD,
HABANG NAG-EEMOTE KA SA PAGLALAKAD,
GOOD SAMARITAN KA NGA MAWAWALAN KA NAMAN NG PAMASAHE PAUWI,
AT MATUTULAK KA PA DUN SA SIDEWALK
KITA MONG ANG BILIS MO PA NAMANG TUMALSIK"
Monday, July 9, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)