Monday, December 29, 2008

get well soon, panget...

paggissing ko kaninang umaga
narinig kong pupunta ng malaking-kahon-ng-sapatos ang ate ko nang araw na yun,
eh dahil naisip kong ilang araw na kong nasa bahay dahil sa bakasyon
hindi na siguro masama kung lalabas namn ako,

ggmitin kasi nang nanay ko ang sasakyan,
kaya ang ibig sabihin, magco-comute kami ng ate ko.

wala namang problema,
magandang ideya!
dalawa kami, kayang kaya naming matapos ang pamimili sa mas konting oras,
at isa pa, mas okey yun kasi may makakatulong si ate sa pagbitbit ng
bibilhin nyang kulang para sa kakainin namin sa media noche.

excited pa kami kasi parang ang tagal tagal na panahon
na kaming di nakakapag-commute na magkasamang dalawa.

matapos kumain at maligo at magbihis
lumarga na kami papuntang malaking-kahon-ng-sapatos,
pag-abang ng tricycle may nakasakay ng isang tao,
kya napilitan akong sumakay sa likod ng tricycle
(clarification: likod -> meaning sa gilid ng tricycle, sa likod ng driver, hindi dun sa lalagyanan ng baggage ng tricycle)
habang bumibyahe ang tricycle may dumaan na kuliglig (hindi ko alam kung ano to sa tagalog ngaun,
sino ba makakapagsabi sakin? basta isa itong machine na parang suklay ung ibaba para sa pang-araro ng bukid)
medyo nagmamaganda kasi ako habang nakasabit sa tricycle at hindi ko napansing may
makaksalubong pala kami, medyo nakalabas ng konti ung paa ko sa tricycle
kya nang magkasalubong ung kuliglig at ang tricycle na sinasakyan namin,
nahagip ng kuliglig ung paa ko (in other descriptive words: slightly sumabit siya dun sa isang ngipin ng araro),
hindi ko maeexplain dito ung naramdaman ko,
excruciating.
pwde na ata yun, pro kulang pa ata.
basta masakit pare, masakit na masakit, natangal pa ung tsinelas na suot suot ko
at naiwan na nakaipit dun sa ngipin ng araro.
ok....
pang-action star ang dating ko dito,
nawala tuloy ung pagmamaganda ko.
basta kung kilala mo ko,
maiimagin mo na kung paano ako maginarte pag may masakit sa akin.

ang trip sana namin papuntng malaking-kahon-ng-sapatos
eh nauwi sa isang clinic,
me nag-asikasong nars sa amin,
habang pinapaupo ako sa silyang de gulong
at sisimulan ng linisin yung paa ko na puno ng putik,
tinanong nya kung anong nangyari,
hindi nagsalita ang ate ko, hindi ko alam kung nabingi siya, under state of shock at dinaig ako sa actingan
o nahihiya siyang ikwento ang nangyari.
kaya na-no-choice ako at napilitan akong sumagot sa tanong niya.
sabi ko, "ah eh nakasakay po kasi ako sa likod ng tricycle"
sumabad ang nars, "ano?! sumakay ka sa likod ng tricycle?"
nilinaw ko ang statement ko "ah miss hindi sa likod mismo,
sa gilid dun sa tabi ng driver, alam mo yun ung usual na hitsura nang pampasadang tricycle?"
sabi ng bubble sa utak ko "medyo kakaiba tong si miss nars, slightly hindi siya bright ah..."
itutuloy ko na sana ang kwento pero me pagka-excited humula at sumagot si nars ng "ah... nahulog po kayo?"
medyo nairita na ko sa kanya, sabi ng bubble sa utak ko
"heller? patapusin mo kaya yung kwento ko, nag-pa-panic na ko, pansin mo bang masakit ang paa ko?
HINDI ITO GUESSING GAME MISS GENIUS!"
pero mahinahon kong sinabi sa kabila ng sobrang sakit ng paa ko na
"hindi po ako nahulog, nakasakay nga po ako sa likod ng tricycle
tapos me dumaan na kuliglig (di ko tlga alam kung ano sa tagalog ito),
eh hindi ko nakitang may kasalubong pala kami kasi mashadong mabilis ung tricycle,
naka-usli po ng konti ung paa ko sa labas ng tricycle at habang umaandar ung tricycle
sumabit po ung paa ko dun sa kuliglig kya siya nagkaganyan".

tatlong segundong katahimikan at sumagot ang antipatikang nars nang: "aahhhh..."
sabay pinagpatuloy ang paglinis sa paa ko. dedma afterwards.

take note of the word children.
word na sinabi ni nars:
AAHHHHH...
shiyet.
one word, isang expression,
pero damang dama ko sa AAHHHH... na un ni miss nars
ang pagsasabi saking tatanga-tanga ako,
in every essence of the word.
tinapatan ung naisip kong slightly-hindi-siya-bright.
badtrip. ang sakit sakit na nga ng paa ko,
medyo nakaka-shy pang ikwento sa iba kung bakit naaksidente ako.
WTF.
medyo naramdaman siguro ng ate ko na nagmukha akong ganun
kya bigla siyang nagsalita in-my-defese-ata nang
"matagal na siyang di nagco-commute dito, buwenas parin naman siya kasi di siya tuluyang nahulog at nakaladkad ng tricyle"
oh diba? ang laking tulong ng ginawa nang ate ko?
bravo!
(epal! tiningnan ko siya ng patalilis meaning "ate dont make things worse for me, shut up")
natapos din naman ni miss nars ang "paglinis sa paa ko"
ang sabi nung kasama nya, si "doc" ata yun, di ko sya mashadong naramdaman,
busyng busy si doc sa pakikipaglandian sa isang boylet,
at halos wala siyang care na andun ako at kelangan ko siya pra pagalingin ako.
narinig ko lang si miss nars na tawagin syang doc,
pro ang totoo, mas malaki ang participation ni miss nars sa akin kahit pa ba randam kong hindi nya gustong gawin yun.
hindi naman daw mashadong grabe yung nangyari sa paa ko, sbi ni "doc"-nga-ba?
swerte parin daw ako, at hindi ganun ka-grabe ang nangyari,
tipong kelangan putulin ung paa ko or naputol na ora mismo ung paa ko pagkatama sa kuliglig,
sabay tawa na tipong maloloka ung bruhildang baklang doctor.
sisipain ko na sana siya palabas ng kuwartong yun,
kya lang hindi ko maiangat yung paa ko,
naalala ko,
SUMABIT NGA PALA SIYA SA KULIGLIG HABANG NASA LIKOD AKO NG UMAANDAR NA TRICYLE.
kya next time na lang, babalikan ko na lang si "doc"-nga-ba?
para masipa siya once gumaling na ang kaliwang paa ko.
sabi ni "doc"-nga-ba? hindi lang ako mashadong pwdeng maglalakad,
at kelangan i-cold compress at i-hot compress nang salitan ung paa ko
para bumukas at sumara ang pores at magpenetrate ung singaw ng tubig siguro. jowk.
hndi ko alam ang purpose nun, pro gagawin ko na siya uli mya mya.

sa nangyaring yun,
may mga good points din naman siya
una, prinsesa na uli ako sa bahay namin,
kulang na lang papalakpak ako at may loyal na kapamilya ako
right outside sa pinto ng kuwarto ko or sa paanan ng kamang hinihigaan ko
nappraktis ko yung hearing ability ni nanay, sa pamamagitan ng simpleng ungol ko
automatikong magtatanong kung anong problema ko? hehehe.. lagot.
pangalawa, mas marami akong time para magsulat ng blog ko.
pangatlo, abswelto muna ko sa pagkakasira ko ng sasakyan namin nung sang araw
pang-apat, busyng busy ako ngaun sa pagintindi at paggwa ng diskarte kung paano
hindi sasakit ang paa ko sa tuwing gagalaw ako. sbi nga ni ate atleast
broken bone na ang iniintindi ko at hindi broken chuva. ungoy talaga.
panglima, sikat ako kahit 10years from now,
kasi magiging example ako ng mga magulang sa kanilang mga anak tungkol sa
PAGIGING MAINGAT SA TRICYCLE.
example1, mahinahon style: "anak magiingat ka pag nakasakay ka sa tricyle ha?
wag mong i-s-sway-sway ung paa mo, hindi un park,
naalala mo ung nangyari dun ke DIOSA,oh di kasi siya nagiiingat... kya ikaw anak mag-iingat ka lagi ha?"

example2, pagalit: "anak! sinabi ko nang wag kang maglilikot sa tricycle e!
sige ka gusto mo matulad dun sa DIOSA?!? ha?!?
pag nahulog ka jan sa tricyle, pagtatawanan ka nang buong barangay,
ano ha? gusto mo ba yun? ha?!?"


medyo tama din naman ang ate ko,
buwenas parin ako, buwenas parin naman talga ako kasi hindi naman talaga siya
ganun ka-grabe kung iisipin mong sumabit ang paa ko,
ansabi nung isang usi, sinagip daw ako ng guardian angel ko.
(whoa, me ganun pa, muntik pa kong maging example nang isang milagrosong event kung na-entertain lang ang suhestyon nya ng ibang usi)
buwenas na buwenas parin ako at hindi super grabe ang nagyari sa pagkaka-aksidente ko
ansabi ng kuya ko, napatunayan na daw niya kung gaano kakapal ang balat ko
at kung gaano katibay ung katawan ko, parang daplis lang. walang nangyaring grabe bukod sa sumabit ung tsinelas ko
dun sa ngipin ng araro at magkalasuglasog ung paa ko.
kung may angel mang nagbantay sakin,
salamat sa kanya, sana masagip pa niya ko sa ibang bagay na maaring ikasakit ko ng sobra.
kung wala naman,
matakot kayo. mutant ako, araro na yun ha?
parang daplis lang, fernando poe jr style.

matutulog na dapat ako,
ipipikit ko na dapat ung mata ko
pro nasa tabi ko ang celfone ko at naisip kong
ibalita kahit sa isang tao lang ang nangyari,
(isa lang, patulog na ko eh, mahabang uspan pag lagpas sa isang tao kinausap ko)
inisip ko muna kung sino ang pipiliin ko,
ung magrereply nang pag-aalala at magpapagaan ng pakiramdam ko bago ko ipikit ang mata ko at hindi magsasabing
"ano namang pakelam ko kung naaksidente ka? nagbabakasyon ako heller? kaya mo nang pagalingin ang sarili mo"
ung gising pa rin sa oras na yun at kung tulog man, magigising kasi hayok siya sa text at nka-vibrate-mode ang fone nya.
tinext ko ang napili kong kaibigan,
in fairness nag-alala naman siya at tinawagan ako, oramismo.
pro nung magkausap na kami sa telepono,
walang awang pinagtawanan ako sa sinapit ko,
hinihintay hintay pa daw niya ung punchline sa text ko na naglalaman na naaksidente nga ako,
pero nabigo daw siya kasi seryoso nga ang text, akala niya forwarded joke. epal tlga.
sabay sabing alalang alala siya pagkatapos magtatawa...
ungoy talaga. =D
"hanibants, hindi ako nagkamali nang pagpili sau,
nyahaha, kya ikaw ang napili ko,
alam kong gagaan ang pakiramdam ko kasi default nang
pagtatawanan mo lang lahat ng to."
yan ang therapy ko ngaun,
pagtawanan na lang ang bagay bagay.
take super bad things lighter kasi mabigat na nga sila, lalo ko pang pabibigatin kakamukmok at kaka-emote...
laughter is the best medicine,
kahit sa broken....
-ankle
nyahahaha...

and my broken heart.

gagaling din naman sila, at magiging ok din ang lahat.
darating din ang araw, gagaling ang paa ko, at darating ang araw gagaling lahat ng sugat.
gawin ko na lang mas magaan sa dibdib yung process pagpunta dun. =)
tska isa pa me-pagka-mutant ako, tska fastbreak mode ako lagi, mabilis akong gagaling.
tapos ok na uli,
makakarampa na uli ako.
pero magdadalawang isip na ko kung sasakay ako sa likod (sa tagiliran ha? sa tabi ng driver, clarify ko lang)
ng tricycle...

ayun. goodnight.

slowly...
im getting back to my old self.
(thart: "mabuti naman, sa wakas")
that one.
hmmmm... that's for a start.

nars (matapos mabasa to): aaaahhhh....


Saturday, December 27, 2008

NO COMMENT... please.

NO COMMENT... please.
(kunwari celebrity ako,
at kunwari naghihintay kayo nang sasabihin ko,
o nang isasagot ko, o nang itatapat ko sa ibang naglalabasang statements.
although i think medyo totoo naman ang pangalawang statement ko.
nyahahahaha...)


This time there are no two sides of a story,
if that is what he tells then,
that's it., that's the whole story.
I am not speaking up again.



thankyou na lang
kay.. (in order of appeareance)
kaythart-kaydaga-kaygangs-kaykeso-kaySHEBANGS-sapetnakaibigannya-kaymaster-
kayama-kayextrarice-kayelhombresecondrunnerup-kayseatmate-sacrngcafejuanita-
kaymamita-kaymanangnanagtitindangdyaryosatulay-kayprincessamp(forstayingupallnight)-
saelpueblo-sasidebar-sajolibee-kayhanibants-sananaynihanibants-kayenzo-sapcnilasabahay-
sakantangsoclosengenchanted-satrinoma-samenangesalon-sanagmasahesakin-kayleean-kaypaks-kayklit-
kaynanay-kayluis-kaygian-kaygabriel-kayjulia-kayteks-kayerpat-kaybadjo-kaybesy
at higit sa lahat kaykanjiboy - hindi man maintindihan ng maraming
hindi nakakakilala sa atin kung paano tayo magturingan as magkaibigan
nang walang malisya (at medyo nakakapikon na pag naiisip nila yun),
i am so glad that you're there to put some sense in my head.
hindi na kita bibiguin ngaun.
sinusunod kita, pangako ko yan kay keso.
hindi nyo na makikita uli ang side na mamamalimos ako.


at... may kwento pa pala ako sa mga masugid kong taga-basa nang blog ko.
antagal tagal ko nang walang kwento, naging busy kasi sa mga ibang priorities ko.
di naman ako nagsisisi, mas ginusto ko naman talaga yun,
marami pa naman kayong mas makabuluhang pwedeng basahin bukod dito.
anyway... heto na.
sa christmas party nang lakastren,
nakuha ko sa exchange gift ang isang planner mula sa powerbooks,
nang tangalin ko ito sa pagkakabalot at tingnan ang laman nito
nagulat ako dahil wala ang unang buwan ng 2009 para masulatan ko.
ibang buwan ang nakalagay dito sa halip na JANUARY,
doble tuloy ung month na yun sa planner ko...
my groupmates are bragging me to return the planner back and
ask for a replacement. pangit na daw ung planner ko. walang silbi sa january.
I was not listening.
My mind was busy.
I am keeping the planner.
I am looking forward to that "mistake-double-month",
sandali lang naman yun, malapit na siya.
nga lang, baka galit na si master sakin sa buwan na yun. (wag naman sana)


my life is an empty page again.
i am writing down today that i am lucky. (secret kung bakit)
ill do everything to be the best i could ever be. (whooo.. i can feel the pressure. joke)
sabi ni casper, change doesnt happen overnight.
pero gusto kong sabihing... pwede. pero nanahimik na lang ako.
nakita ko.
nakita ko sa daport at sa dafourth. may isang bagay that changed overnight.
i will be my best - the best, next time, i promised that to myself.
(at tinaasan ako ng kilay ni amp)


not yet stargazing,
but I am back in business.
I am going back to my estero de balete to return the bentesingko.
and finally after almost a lifetime, I have decided,
I am getting a new phone. (3310 with whooper speakers, hehehe...)
to stop every person that i know
from nagging me that my phone needs to retire
at ang bagal ko magreply. hehehe...
hindi na kasi umeepek ung katwiran kong
"hindi ako mahilig magtext" or yung
"aalis din naman uli ako, aanhin ko pa yung celfone, d ko naman mggmit un dun"
medyo sentimental tong part na to nang buhay ko,
nakakaiyak,
hindi ko kayang mawala ang celfone ko na kay tagal ko nang kasama.
seryoso.
pers celfone ko kaya yun as normal na tao...
magmukha man akong may sayad.
iiyakan ko yun pag binitiwan ko na siya.
magpapapadyak pa.

shiiiyyeeeet... shemay.
nagbabago na ata isip ko, naiimagin ko pa lang,
ayoko na ata siyang palitan.
WTF. ilang taon kong celfone yun no?!?


maraming payo sa mundo,
marami kang kaibigan,
lahat sila may kanya kanyang style nang maipapayo sa iyo,
may mabuti, may subarashii, may panalo. may ok lang, may sablay, may ikakapahamak mo,
may something that will make you stupid, at may payo na may hidden agenda.
nasa sa iyo na yun kung aling payo ang susundin mo.
malas mo pag sablay na payo ang pinakingan mo,
malas mo pag may ibang agenda ang nagpayo sa'yo,
malas mo pag ang payong pinakingan mo,
eh hindi ang dapat na ginawa mo.
maswerte ako.
salamat keso at kanjiboy.
i will be better.


bagong lesson na dapat isapuso ko...
yesterday ended last night,
and today is a new day.

goodluck sandy este lena pala.
-hindi ko kasi nakuha to, pero ok na, ako na lang magsasabi sa sarili ko.



I am not speaking up again.
sorry... di ko kayo mapagbibigyan... v",)

single-life
here i come again... =)