Saturday, April 25, 2009

missing andrei...

i'm missing you again today andrei...

galing ako trinoma kanina
nag-commute,
at nakakainis ung katabi ko,
un ang problema pag nag-co-commute ka eh,
di mo maiiwasan magkaroon ng kabadtrip na katabi.
grrrrrrrrrrrrrrhhhh....

habang bumibyahe ako,
nacompose ko to sa isip ko.
may nabasa na ko dating nagsabi ng mga ayaw niya sa pagbiyahe eh, ako naman ngaun ang maglalabas ng sama ng loob sa kapwa ko mga pasahero.


heto ang top 10 HATEST katabi ko sa pagco-commute ko.
(in no particular order)
1) si KUYA BUKAKA
- mga pamachong manong na super kung bumukaka sa upuan,
grabe ang mga kalalakihan na to,
hndi ko alam bakit kailangan nilang
kuhanin ang buong space para lang maibukaka ung mga legs
nila sa pagkakaupo, walang konsiderasyon at walang katiting na
pakialam na super nasisiksikan na ko..

2) Si ELBOW-KITIKITEXT
madalas babae ito,
siya si miss-ubod-ng-adik-sa-pagtetext,
ayus lang naman sa aking magtext siya,
kaya lang di ko maintindihan bakit kailangan
niya kong tusukin ng siko nya sa bandang tagiliran ko,
oh my gulay, kitikitext din naman ako
pero sinisiguro kong hindi dadapi ang aking siko sa yo
para di ka maperwisyo.


3) si MALINAMNAM ANG HAIR KO, WANNA TRY IT??
badtrip kasakay to sa jeep,
lalo pag mahangin,
heto naman si ateng ubod ng long hair,
alam niya at alam kong long hair sya
pero hindi sumasagi sa isip niyang itali to
o hawakan man lang habang umaandar ang jip,
hahayaan nya itong lilipad liparin ng hangin,
na para siyang nasa gitna ng parang
at hahayaan niyang hilamusan ng long silky black hair niya
ang nagpapacute na face ko.
sarap bulungan sa tenga ng
"Gee, you're hair tastes kadiri.",
sabay sabunutan/gupitan/kalbuhin at itapon palabas ng bintana ng jip


4) si MR or MISS SONGBIRD

heto.. mga di makatiis maki-sing-along sa radyo ni manong driver
siyeeeett!!! asar na asar ako dito lalo na
kung peborit ko yung song,
tapos sasabayan nya at ang pinakamasaklap
eh hindi niya mabigyan ng justice yung kanta.
alam kong hilig ng mga pinoy ang videoke,
pro naman,,,, sa loob ng fx?
sus! utang na loob!!!
AYOKO SAU SONGBIRD!!!


5) si POWERPUFF

masama na ko pag inelaborate ko pa kung sino si POWERpuff.
basta 1 time, nakasabay ko tong si POWERpuff,
minalas malas pa na sa "shortcut" way ng pauwi ang daan ng fx
(sikat ang way na to sa lahat ng pauwi ng taytay at angono)
at di ako pwedeng pumara, dahil wala akong msasakyan dun
o maisasama ako sa mga ibabalita ni gas abelgas kinabukasan,
sabay inabot pa ko ng katakot takot na trafic sa shortcut na yun,
almost 2 hrs kaming magkapiling ni POWERPUFF at
pagdating sa dulo ng pumara na ko, pagbaba ko ng FX...
muntik na kong bumulagta sa kalye sa sobrang
pagkahilo. (hindi exag ito.)


6) si IPAGLABAN-MO
usually babae ito, pro may nakasakay na rin akong lalake
at take note, ubod pa ng maskulado yun.
sila yung nakikipaglaban gamit ang balikat nila sa sandalan ng FX,
hinding hindi magpapatalo sayo
medyo kamag-anakan ito ni kuya-bukaka, nga lang itong tipo na to,
sasakit tlga ung shoulders mo after mo silang makatabi.


7) si PUT-YOUR-HEAD-ON-MY-SOULDER
mga hayok sa tulog
at ginagawang bedroom ang isang PUV,
nakakainis to kasi mga feeling boypren/gelpren
na ihihilig ung ulo sa balikat mo
para mapahimbing lalo ang kanilang tulog.
pero pag matatandang babae,
mga nasa nanay-lola range na,
hinahayaan ko nang matulog sa balikat ko,
so far, wla pa naman nkakapagbigay sa akin ng
SPRING MINERAL WATER NA straight from the mouth
habang nakikihilig sila sa balikat ko,

slightly inis lang ako sa mga ganito kasi
ganito rin ako paminsan minsan, hihihi...


8) si DRUMMERBOY
may pagka-epileptic,
me imaginary drumset sa tabi nya na puro bass lang ang tinutugtog.
walang pakundangang i-epileptic mode ung knees nya. epal.
sarap hatawin ng tubo.

9) si LUNETA boy and GIRL
subra kung maglambingan,
ok lang nmn maglambingan sila, OK lang yun,
ginawa ko rin nmn yun, magiging masaya pa ko sa kanila
na makitang malambing sila sa isat isa pero sana...
sana... HINDI NILA AKO ISINASAMA SA LAMBINGAN NILA, fuschia!
mnsan yung boylet sobra kung lambingin si
girlilet at ang arms nya na yumayakap sa kanya eh umaabot sa akin,
mnsan si girlilet din ganun,
mas malupet pa nito eh pag naisipan nilang magkilitian,
at masisiksikan ka na ng isa sa kanila,
tama ba namang makipag-body slam sakin? ano to?!? concert?
sa puntong ito, nagttransform ako bilang isang guidance counselor/bouncer,
at sisiguruhin kong hinding hindi na uli nila magagawang maglambingan
for the entire trip na katabi nila ako.

10) sina PYRAMUS at THISBET...
at ako ang kanilang wall.
pag minalas malas ka, mnsan mapapaupo ka sa jeep
kung saan mapapagitna ka sa dalawang magkakilalang
magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila eh
hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.



10) sina PYRAMUS at THISBET... (at ako ang kanilang wall)
pag minalas malas ka,
mnsan mapapaupo ka sa jeep kung saan mapapagitna ka
sa dalawang magkakilalang magkkwentuhan,
gustuhin mo mang matulog, pumikit at dedmahin sila
eh hindi mo magagawa,
piliin mo mang mabuhay sa iyong sarili mong mundo
eh hinding hindi mo talaga mabibigyan ng daan.
mas lalong malas ka pag nagtatawanan na sila
at mukha kang gagong nakapagitna sa kanila.


namimiss ko si andrei pag mayroong isa sa sampung yan
ang kasakay ko...

si andrei....
ang aking pagong noon,
ang tarajing ng barkada at mga insan ko sa tres,
andaming allowance ko noon ang tinitipid tipid ko
upang mapagkagastusan kita,
simula sa seat cover, kurtina, manibela,
stickers na nakasulat ang pangalan kong "DUCKS" sa unahan,
sa gulong, speakers at radyong nilimos ko kay erpats at kuya
upang maikabit sa iyo,
nalulungkot ako tuwing makikita kita sa garahe
at alam kong sinusumbatan mo kong
pinabayaan kita at kinalimutan,
patawad inuna ko ang thesis ko nung studyante pa ko at madalang na ko umuwi ng tres,
dun nagsimula ang paghihiwalay natin hindi ba?
tapos nakarating ako ng pabrika,
at lalong di na kita natingnan tuwing balik ko sa tres,
kasi bibihira na lang yun,
at hindi na ko muling nagkaroon ng interes sa iyo,
kaya ikaw'y naiwan sa garahe,
hinihintay ang aking pagbabalik,
para may muling pumansin sa iyo...
sa tuwing pupunta ako sa garahe at iba ang pintong bubuksan ko
at hindi ang iyo, hndi kita matingnan dahil
nahihiya ako sa iyo,
bka sumbatan mo ko na katulad din nila ako,
mas gusto ko na ng bago, ung mas maayos ang upuan,
ung may aircon, pa-pogi-points na rin ako.
matapos ang limang taon naalala kita ngaung gabi,
april21 kasi nung sang araw at kaarawan ni doday,
naalala ko ang daang pataas,
ung ilog sa kontrol,
ang where's the love,
ang paranum, manga at ang makopa,
naalala ko yung amoy ng karburador mo,
ang ala-politkong pagbusina ko sa lahat ng tao ng tres at sanagustin,
ang ngitiang walang kaparis,
ang ligawan sa kalye,
galaan sa kung saan,
abutin man ng hatingabi o madaling araw,
paglakad sa terakan,
pagdampot ng madaling araw sa presinto dahil walang lisensya,
naalala ko...
doday, tuks, dums, kiks, aru, ducks, iba pang tres pipol at... andrei.


happy bertdey insan!
sensha,,, ngeni ku pa mekaganaka,
asan ka man, naalala kita at nasenti ako...
kasabay ng pagsenti ko kay andrei.
hehehe...





wag ka munang uuwi,
hangat di pa ko ngumingiti...
ibabalik natin ang kahapon,
mabubuhay sa noon,
nakaraang laging masaya,
babalik sa dekada nobenta...
at ang unamg limang taon matapos ang katapusan ng dekada nobenta.




namimiss ko si andrei pag me badtrip akong kasakay,
hindi dahil ayaw ko nang mag-commute at gusto kong magka-andrei uli,
namimiss ko kasi siya ang naaalala ko
tuwing ginagawa ko itong nasa baba.

i need one happy thought to fly.