Friday, November 30, 2007

nang makalimutan kong shy-type pala ako...

hehehehe...
ang sabi ko mahiyain ako,
pero nung mapanood ko tong video na to
nagbago na ata ang pagtingin ko sa sarili ko,
"parang feel na feel lena ah,
kala mo naman ang galing galing mo,
mukha kang siraulo!!!!!!!!!!!!!!!
bwahahahaha..."



sa buong buhay ko eto ang kaunaunahang
pagkakataon na tutugtog ako sa harapan ng mga taong di ko kilala,
at eto rin ang first time kong makahawak ng
electric guitar (hehehe...) at perstaym ko ring
makilala si ampli, distortion at guitar effects
(nyay.. ignorante. eeewwwnesss...)
di ko alam pano ako nauto ni SONGER para
samahan siya sa trippings nyang to.
(pangako di na ko uulit...)


o siya,
panoorin at matawa.
heto na,
ang BANDA MALDITA. (huwaw! whatta...)

ah teka magpapaliwanag lang ako,
bago ka manood,
ung pagngiwi ko po eh dahil sa dalawang dahilan

una,
medyo malaks ang drums sa likod ko,
nagbababadyang mabasag ang eardrums ko,

pangalawa,
hndi ko marinig ang tunog ng gitara ko,
dahil natuluyan na ata ako sa pagkabingi,
me pagkakataon na mahina ang labas ng ampli eh,
(palusot pa..)

pangatlo
(teka kala ko ba dalawang dahilan lang?)
e di talga ako mapakali, shy type kunwari eh.
nanginginig kasi ung kamay ko.


ang unang video na to,
kuha sa cam ni bahista,


SONG: My Heart by paramore






hetong susunod na video kuha sa cam ni
ten oclock sa nihongo,
siguradong iinisin ako ng mga ito at gagawing screen saver na naman
ng buong COM group pagpasok ko sa lunes.
bakit naman kasi kelangan feel na feel mo eh lena?!?
me papikit pikit ka pa, hanlufet!
(sinabi nang napapapikit ako dahil sa hearing ability ko eh!)
WARNING: mas nakakatawa to kasi dinig na dinig
mo ang hiyaw nina panyera, tranquilizer, toothpick,
ten oclock sa nihongo at ng iba pang me sayad na
nagiisip na marunong nga akong tumugtog,
malupit ang hiyawan, puro kasinungalingan,
parang lalabas pa ang tonsils nung iba,
yan ang nagagawa ng boy bawang, ang bagsik.






me dalawa pa kong nktang video ng performance na to,
(yeah right, performance is the word, feel na feel, epal)
bale kuha sa left side ung isa
tapos ung isa kuha sa right side,
(as if there's a big difference db?)
maghintay lang, ma-uupload din un.


pro kahit tawang tawa ako,
mejo proud naman ako jan,
(epal, feel na feel mo nga eh anong medyo lang?)

at proud na proud ako sa mga kasama ko,
kita mo naman si drummy, cant find d words to describe,db?
hambagsik.
si "mathematician" laki ng improvement,
inaraw araw praktis eh, partida nakatalikod pa yan,
isipin mo na lang pag humarap pa yan,
si bahista, ang bilis ng pickup, perstaymer pa yan ha?
at ang daliri kelangan tlga tumtalsik,
at sino pa bang mas gagandang kumanta ng my heart
habang naggitara maliban ke songer? wala!!!
(lalasunin ko sge subukan mo magsabi ng pngalan)
(eh ano namang pakelam nila sau kung proud ka?
shutttufff!)

loko iba ang perstaym!!!
tska me story yan eh,
pati sa pagtulog, walang katahimikan,
kung sino sino ang nagambag ng tulong,
at ng awa dahil mukhang mga desperada,
at kung san san kami napadpad,
at kung san san napadpad si bahista,
(bkt kasi ako ang tanungin sa direksyon,
public knowledge na yung di ako pwedeng pagkatwlaan dun db?
bagong kakilala eh, hayaan mo na...)
at kung san san napadpad ang drumstick,
(hihihi.. joke lang)
at me ksama pang isaw, kwek kwek, ulan, bagyo, tantrums, at kudeta.
pro di ko na kukuwento yan,
pangbata lang yun eh,
whattan experience.
syarap!


di na po ako uulit, pramis V^^;)

Sunday, November 4, 2007

istokwa


binuksan ko ang wallet ko para bayaran
ang binili ko sa tindahan,
aksidenteng nahulog
ang espesyal na kulay pulang plastik
na nakaipit sa wallet ko
paghugot ko ng pera.



Nagpunta ako sa bahay ni Ah-i-Tikboy-Po(aka TP),
isang gabi para magpaturo kung paano ako
maglalagay ng kapo sa gitara ko,
eksaktong inabutan kong nakaupo si TP sa
veranda ng bahay nila.
Nang iabot ko sa kanya ang gitara ko,
nakasimangot niyang tinitigan
at ineksamin ang pinakmamahal kong gitara.
Katakot-takot na panlalait at mahabang sermon
tungkol sa tamang paglinis at pag-aalaga sa gitara
ang inabot ko bago niya ko simulang turuan
sa pakay ko nung gabing yun.
Pero di naman ako na-offend,
totoo naman ung sinabi niya,
tska sanay na kong ganun tlga si TP,
mas gusto niyang itinutulak ang mga taong
lumalapit sa kanya palayo.


Matapos akong turuan eh napagpasiyahan kong
makipag-kuwentuhan muna ng mga limang minuto,
para hindi naman magmukhang kapal-muks ako masyado at
walang utang na loob kay TP
atsaka,,,,
matagal na rin kaming di nagkakakmustahan
(ayaw kasi niya ng cellphone
at may isang milyon siyang rason kung bakit).
Nasa kalagitnaan kami ng mainit na diskusyunan
tungkol sa nakakakiritang pagmumukha ni
jericho rosales at rayver cruz
ka-level ng pagka-asar namin sa mga taong
napaka-ingay pag nanonood ka ng TV o kaya ng sine,
(PANO KA MAKAKAPAG-CONCENTRATE?!)
nang marinig naming nagsisigaw ang pamangkin ni TP.


"'dito si TP, andito si TP!"
paulit ulit na pasigaw na sabi nung bata,
pilit na nagpapapansin sa kausap ni halmu
sa kabilang linya ng telepono,
pero walang ibang nakakarinig sa sigaw ng bata,
nagpalipat-lipat ang telepono sa iba ibang kamay,
pano ko nalaman? dahil narinig kong iba iba na
ang boses sa telepono,
pero hindi parin tumitigil at sumusuko sa kakulitan yung bata
at nung huli ay ibinigay ni halmu sa
batang nakikipag-agawan sa telepono upang ito naman ang magsalita,
nang makuha nung makulit na bata ang telepono ay
dali-daling patakbong nagpunta sa veranda upang
puntahan kami ni TP, humahangos na humabol si halmu
upang makuha ang telepono mula sa bata.
Mabilis tumakbo ang bata kaya umabot ito kay TP
at pilit na iniaabot ang telepono,
masayang masaya at ngiting ngiti ito
habang pasigaw na sinabing
"Andito si TP oh, sabi ko sa inyo eh,
TP kausapin mo sila, heto",

at patalon-talon na iniaabot
sa hndi gumagalaw na TP ang telepono.

Madilim ang mukhang nakatitig lamang si TP
sa bata at sa teleponong hawak nito,
umabot din si halmu at nabawi ang telepono,
pagkatapos nun ay di malaman kung pano hihingi ng
paumanhin kay TP sa kakulitan at kapangahasan
ng bata. Nagsusumigaw at nag-iiyak ang
bata ng makuha sa kanya ang telepono,
parang masamang masama ang loob dahil hndi nito
natupad ang binabalak niya nung gabing yun,
nagawa na lamang buhatin ni emilio ang bata
upang dalhin sa kuwarto at doon patigilin
sa pag-iyak, siguro dahil nahihiya na sila sakin
sa ingay ng iyak nito.
Sumunod si halmu at itinuloy ang pakikipag-usap sa telepono
kaya marahil hndi nila nakita nung ngumiti si TP
at sabihing wala namang dapat ipagpaumanhin dun.



Magpapaalam na sana akong umuwi,
kaya lang biglang tumugtog ng isang awitin si TP
sa gitara ko na noon ko lamang narinig.





Kinabukasan nung gabing nagpaturo ako kung pano maglagay ng
kapo kay TP,
maagang-maaga pa lamang ay natanaw kong
bihis na bihis si TP palabas ng gate nila.

Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay
namin pabiro ko siyang tinanong kung saan na namang lupalop siya maghahasik ng lagim.
Nakangisi niyang sinabing
"pag namiss mo ko, lalo kang magmumukhang tanga",
tapos may inihagis siyang kulay pulang parang matigas na wrapper ng candy sa may damuhan,tumingin siya sakin at sinabing

"pag nahanap mo ung guitar pick ko dito (sabay turo sa damuhan),
sayo na."



gago talaga.




kung alam ko lang na matagal na panahon
pa bago ko siya muling makikita o
pwede ring iyon na ang huling araw na makikita ko siya
dahil di na niya gugustuhing bumalik pa
(wag naman sana),
haaaayy sana...
-di bale na lang. bawal nga pala ang regrets.








Bakit kaya paglipas ng maraming panahon
dun ko pa lang naitindihan ung mga bagay noon?

Bakit kaya noon di ko naisip na hindi totoong may sipon
si TP tulad ng sabi niya?
sana nakita kong naiiyak pala siya habang
akap niya ang gitara ko at tinutugtog ang
pinakamalungkot na awiting narinig ko.


Bakit nga ba di ko naisip na kahit kelan
hndi madaling sabihin sa ibang tao na hndi ka okey,
at nasasaktan ka na,
at mas madaling tumawa na lang,
o itulak palayo lahat ng mga bagay na palapit sayo,
kesa aminin ang totoo na naghihintay ka lang ng tao-
kaibigan o kakilala,
na makakakita ng mga lihim na hinanakit mo sa mundo?



Bakit kaya di ko nakitang malungkot siya?
at kailangan niya ng kahit sino---
kahit isang ako lang na walang maiiaambag sa
buhay niya para maramdaman niyang hindi siya
nag-iisa?


Bakit kaya hindi ko sinabing umuwi siya sa kanila sa pasko
dahil...
sa milyon-milyong dahilan?



Bakit kaya ngaun ko lang naisip na kung ihahambing
sakin, sa pamilya, at mga kaibigan ni TP,
di hamak na mas lamang
sa amin ung batang nag-iiyak
sa huling gabing nakita ko si TP?
dahil mas mabuti siyang mag-isip
at mas alam nang puso niya kung pano magmahal,
dahil sa murang isip niya
mas naalala pa niyang ipakita sa lahat na bahagi si TP ng kanilang
mundo at gusto niyang manatili ito at sagipin ang kung ano
pa mang natitira sa mga nasira ni TP?



Bakit kaya di ko naisip na kahit ano pang ginawa niya para masaktan
ang marami kailangan ko pa ring ipaalala sa kanya na may lugar pa rin
para sa kanya at may nakakaintindi sa kanya?




Bakit ba hindi ko naisip noon na kaya marami ang nasaktan
at kahit ang extrang ako ay nasaktan
ay dahil totoo at tama ang mga bagay na sinabi ni TP?
di nga ba mas masakit ang
isang bagay, kapag totoo ito?





siguro,
mnsan,
kasi...
ewan, di ko pala alam...








Palabas sana ako ng bahay ng maagaw ang atensyon ko
ng isang patalastas ng isang network
pagdaaan ko sa harapan ng tv namin.
may isang batang nagsusulat habang nakadapa ito sa kama,
nag-flash sa screen ang isang mensahe ng network at binasa ko ito,

WALANG MAG-IISA NGAUNG PASKO.


sana totoo yun...
nangangarap ang walang ambisyong puso ko
na sana'y magkatotoo ang tv ad na yun,
na sana, hndi siya mag-iisa ngaung pasko.








Sa makakasama ni TP ngaung pasko,
habang-buhay ko kayong pasasalamatan
sa ibabahagi mo o ninyong mundo kay TP
ngaung kapaskuhang hindi ko siya mababati at mangingitian.







pinulot ko ung nahulog na kulay pulang guitar pick
sa harapan ng tindahan at ipinasok uli sa wallet ko.