Saturday, September 15, 2007

feels-like-heaven-na-uli-ah...

at mukhang langit na nman ang
paligid sa bayan namin
ngaung panahon na to....


ang bilis naman, andito na uli ang tanawing to.

nakatanaw ako sa labas ng bus na
sinasakyan ko at nakita kong
nagiging puti na uli ang paligid sa bayan namin,
haaay... kay gandang tanawin,
haaay uli, para sakin ito ang pinakamagandang
bagay sa mundo, ito lang ang bagay sa mundo na pwede kong
tingnan habang buhay at hndi ako mapapagod
at magsasawang tingnan kahit kelan.
(uulitn ko, tulad ng sinabi ko nung nakaraang taon,
hndi ako imported, hndi kita niyayabangan,
hndi snow ang tinutukoy ko)


hmmm...
pagising ko sa araw ng biyernes,
iba na uli.

tinanong ako ng pabiro ni utak-prep nung isang araw
kung ano ba gusto ko mangyari sa biyernes,
tinawanan ko lang siya,

pro ang totoo sana magawa ko ang mga bagay na ito
bago matapos ang araw ng biyeres.

sana...
matupad ko ang pangako ko ke jeboy,
sa huling gabing naksama ko siya at sinabi nyang
gusto nya ng dilaw na kahon sa araw ng biyeres...
na kahit iba ang pinaniniwalaan ko sa karamihan,
matuto akong magpasalamat at dumalaw paminsan minsan

sana...
maging payapa ang araw ko sa pabrika mula
sa mga kamay nang manlolokong-baliw-na-pasado-sa-lahat-ng-signs
at sa utak-prep-na-mentor-ko at ng iba pang miyembro
nang balang-araw-na-mga-tao.

sana...
maging masaya ang araw ko sa pabrika,

sana...
peace na kami ni dragon.

sana rin...
magtuloy tuloy na ang iniwang payo nung umalis na kalbo
para sa mga naiwan ke ama.

sana...
magawa kong kumain ng mais magisa
sa gilid ng malaking kahon,
habang nakapila sa tapat ni charlene
at magmuni-muni uli...

sana...
mkasama ko ang mga taong ayaw matulog. =(
dahil nangungulila na ko sa di namin
pagkikita.

sana...
maging masaya din ung pinakasikat na higante sa pabrika,
(papasayahin kita wag kang mag-alala)
at ung tatay-ni-keng, ung kakambal kong tuta,
at si-intsik, at ung-lumampaso-sakin-sa-chess-nung-4th-year-high
("rematch naman tayo!", wounded ego yan lena, tama na, move on),
sa araw ng pag-gunita sa martial law.

sana...
mapatawad na ko ni
white-weird-looking at makalimutan na nya
ang milyon milyong walang kwentang
sapi-days naming dalawa
dahil mature-thinking na ang mga tao
at maging magkaibigan na kami kht papano,
dahil nakakapagod ng umikot sa gilid nina
tranquilizer pag nauuhaw ako, at
dahil namimiss ko nang ngitian siya sa pabrika.

sana...
walang trafic.

sana...
di ako matulad ke prexy na nagbura ng inbox nya
at walang napala, dahil nagkaamnesia lahat.

sana matupad parin ang estero de balete ko,
hndi man ngaun dahil
sinusunod ko ang payo ni attached-daw,
este nung pinagmanahan pala ni attached-daw.

sana...
maalala ng lahat nung mga dating
espesyal na tao na isinama ko sa mga simpleng
pangarap ko noon, hndi man nangyari ang mga
ninais naming mangyari, maalala niyang
panahon na ito para ipaalalang
minsa'y pinasaya kita.

sana...
masabi ko rin ang lahat ng di ko masabi,
sa lahat ng taong naghihintay ng dapat kong sabihin,
para maging maayos na ang lahat...

sana...
matapon ko na rin ang
pinakamamahal kong detergent,
na pinanlalaba ko sa iba ibang klase ng mantsa,
at klimutan na ito tulad ng sbi ni
kanji boy na "yesterday ended last night"

sana makita ko ang mga anghel sa buhay ko,
si andreana, si alessandro, si gabriel
at si emmanuel.
napakaduwag ko lang ata talaga.

sana...
mahiram ko si "andrei" at magamit ko
uli ang lisensya ko, isang ikot mula sa tres,
hangang sa daang pataas, para mahampas uli ng
malakas at sariwang hangin ang mukha ko,
na baka magpagising sa katigasan ng utak kong tulog.

at...
sana,
kasama ko si nanay na tingnan
ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo
sa unang minuto pagbukas ng mata ko sa bagong araw ng biyernes.

at syempre...
sana maalala mo ko.

Tuesday, September 11, 2007

wake up your seatmate

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo

Monday, July 9, 2007

learnings ksama si kanji boy sa ikalawang lingo

post ko lang tong mensahe ni bebets,
bago simulan ang mga natutunan namin sa misadventures na
narinig namin sa ibang tao sa lingong to
habang kumakain ng pagkaing-walang-bukas-ng-ever-reliable-kong
kulot-na-kanji-boy-wanton-expert.

para dun sa tambay ng OZ,
"maawa ka na man, bingi na nga, ulyanin pa, idagdag mo pang
clumsy pa mnsan at buhol buhol ang dila na parang
kakatapak lang ng grade two kung mgsalita,
mnsan lang gumwa ng seryoso sa buhay,
pinagtawanan mo pa??? wag ganun... "


teka! bago ka tumuloy,
kung iniisip mong nagpapatawa ako,
this time, hindi ako nakikipag-biruan, seryoso talaga to.
dahil kung joke to (wlang kwenta na, corny pa)


learnings namin ni kanji boy sa araw ng ikalawang lingo:
"ang pagsigaw ay hndi kailanman
magpapabusog sayo kung gutom ka, lalo na kung wala ding almusal
yung taong sinigawan mo..."


"kung alam mo ng retarded ka,
may pagkakaiba ba kung malalaman mong retarded ka nga?"


"wag na wag mong isisisi sakin kung
nageffort ka ha? edi matulog ka ng maaga!"


"kung sikreto ba namin to? pwede bang maging sikreto mo rin?"


"mas masaya talaga pag dedbat ka,
kesa pag may load ka..."


"masakit ba ang malamang di ka taga-dreamland,
kasi magnacumlaude ka ng manhid-at-joketime-academy"


"kung gusto mong mag-taxi, wag ka ng mag-dalawang isip,edi sumakay ka na"


"wag kang mag-expect kung alam mong may ine-expect ka..."

"mas masarap pakinggan yung,
para-kang-may-sayad-sa-ulo kesa sa
ang-bait-mo-talaga-sana-lang-wag-ka-nang-magulo"


"hndi lang yung naaksaya mo na galing sau ang dapat mong panghinayangan,
pwede ring yung naaksaya mo na galing sa iba" (si kanji boy nkaisip n2)


"wag na wag ka mag-uusisa sa buhay nya
kung i-shu-shut-off mo naman siya pag sya nag-usisa"
(sa falling star ni tranquilizer)


"hndi lahat ng hypothetical question, ibig
sbihin pinaparinggan ka nya kya siya nagtanong"


"pag may napulot kang celfone,
isoli mo,okey lang mag-efort ka, malay mo diyosa pala ang may-ari,
edi naka-jackpot ka pa ungas!"


ang dalawang importanteng gintong aral na
tinuro sakin ni ten-o-clock-sa-nihongo,
na nagpatino dun sa KAKILALA namin at magagamit ko
marahil hangang tumanda ako, o hangang
mag-"mature" ako. (pang-upgrade ng patience level technique)
a.) make sure that the juice is worth all the squeezing.
if it's not worth it, wag ka na lang mag-tantrums,
sayang ang oras na ilalaan mo sa kkaisip na
"hurt-ako", 'kala mo naman bagay sau.
b)"kung importante sya sau,
utang na loob baliw kainin mo na ang pride mo,
wlang maidudulot na mganda yan sau."



at ang pinakamahalagang lesson:
"WAG NA WAG KANG BIBILI NG SAMPAGUITA SA MAY SHAW BLVD,
HABANG NAG-EEMOTE KA SA PAGLALAKAD,
GOOD SAMARITAN KA NGA MAWAWALAN KA NAMAN NG PAMASAHE PAUWI,
AT MATUTULAK KA PA DUN SA SIDEWALK
KITA MONG ANG BILIS MO PA NAMANG TUMALSIK"

Friday, June 1, 2007

sa pag-alis ni babs

to babsy,

paalam babs,

we'll miss you...

i will terribly miss you.

mag-iingat ka dun!
behave sa australia pare!


wag masyado papayat,
mamimiss kong kurutin ung bilbil mo.


tandaan mo lang:

walk-out-queen-man-at-nuknukan-ng-kuripot-nakakainit-ng-bagang-dahil-di-mo-mahuthutan-kahit-piso-at-walang-sense-kausap-at-may-sariling-mundo-kaya-di-mo-makausap-ng-matino-architect-man-at-madalas-kang-pikunin-sa-pang-aasar-madalas-man-kitang-taguan-hindi-replyan-paasahin-at-indyanan-sana-alam-mong-mamimiss-kita-kahit-papano-at-hahanap-hanapin-ko-ang-bilbil-mo-pag-napapsenti-ako-at-kahit-sa-pagbalik-mo-eh-atakihin-ka-ng-kakuriputan-mo-at-kahit-anong-pasalubong-eh-hindi-mo-maalalang-ambunan-ako-makita-ko-lang-MALUSOG-ka-at-MASAYAHIN-parin-ok-na-yun-basta-tigilan-mo-na-lang-kakasumbat-mo-dahil-masakit-sa-tenga-ko-at-bumababa-sa-patience-level-ko-buti-na-lang-hindi-na-walk-out-queen-ngayon-maalala-mo-sanang-kamustahin-ako-o-kwentuhan-ako-kahit-1-sentence-lang-kung-kamusta-ka-sa-australia-at-tandaan-mo!-AYOKO-NG-KANGAROO!...----mahal-kita-babs-hindi-lang-halata.


mag-iingat ka dun.



from kulisap, with love

(oh common?!?)

Saturday, May 5, 2007

tu-sero-sero-wan-tri-sero-sero-tu -(ang pinakamahabang nonsense, pinakamagulong sulat at pinakawalang kwentang kwento)

200113002
tutawsan-wan-thertin-sero-sero-tu
yan naalala ko na,
tandaan: 200113002....
ulitin ko nga.
200113002.
ayos! kabisado ko na.

Wag mo na bashin to, bka masiraan ka ng ulo.




Medyo napadaan ang swerte ngaun.
Ilang araw na lang makukuha ko na si flex, at ilang
buwan ko na ring nakakalimutan ang matinding sumpa sa oras.

Nung sanggabi din, nkasama ko si babs,
si ex-buntis-bets,
si gwapo-namn-pro-4ever-basted-na-lang-ata-tlga,
at ang knight-in-shining-armor-twin-brother-ko.
Maliban sa for the first time na
nahuthutan ako ng ilang barya para sa
the-usual-trip-nung-college,
eh sobrang masaya na ang buong part ng pagkikita.


Sa kabila ng labis na kasiyahan dahil sa wakas
nagkita na kami matapos ang ilang petsang pagtatago ko,
may isang pagkakataon nung gabing yun
na may nabanggit ung isa dun sa tatlong engot
para matigilan ako-
dahil may naalala ako?
bka hnanap?
o nanibago sa bagong atmosphere,
(hndi na "foggy mode" tulad sa tambayan)
o bka natamaan lang ung natitirang espasyo,
ng bagay na kinalimutan ko na...


Isa pang swerte ngaun.
Aaalis na ppuntang kbilang pabrika ung
new-employee-dahil-sa-sumusunod-DAW-nyang buhok,
kya sinapian ito at
nilibre kaming manood ng gagamba
sa malaking tv,
---ako, si naglalakad-na-exclamation-point
at ung pinaksikat-na-higante-ng-brilyante-sa-pabrika,
para sa "blending" moment bago ang lunes.
Nkkaluingkot man na ilang tulog mula ngaun
mkkta ko uling soloista si 363 sa isang sulok ng
ikaapat na patong sa umaga, masya parin
kasi matagal ko nang di nkksama ng matino ung tatlong engs,
at
-minsan lang mapwersa ng libre ung kuripot.


Hbang nag-gwrdiya-sibil ako dun sa tatlong upuan
bago lumabas si gagamba,
naalala ko bgla ung araw kinabukasan ng mkta ko sina babs.



Bumalik ako para kunin ang listahan ng marka ko
sa campus-ng-mga-zobel-de-ayala-de-remualdez-
na-napapalibutan-ng-estero-de-balete-estupidents.
Sa window 14 ako dumiretso para hanapin ang anghel
(OO, anghel na siya kumpara ke gori, na 90% ng
kilala kong estupidents eh may secret wish
na sipain sya kahit mnsan bago gumradweyt.)
Sinabi kong kelngan ko na ung listahan at
inabot ko ung natapos ko nang fill-upan na papel,
para makuha ung listahan.
Upang di ako mainip sa paghhntay
(base on years of experience, ngkkwrinkles ako s khhntay)
e napagpasiyahan kong libutan muna ang lugar
ng mga ayaw matulog at nakita ko uli ung tulay ng estero de balete,
ung paborito kong step ng fire exit,
ung poste ko sa ST quad at ang aking... dakilang carpark.
kya siguro, naalala ko uling -ewan.

Pagkatpos ng "wandering" trip ko,
naisipan kong baka nahanap na ung listahan
kaya bumalik na ko sa window 14.

Bumalik sakin ung form ko, kasama nung listahan.
At..
natawa ako sa nkita ko.
Tinitigan ko ung form, naka-cross-out ung part ng
student number ko.
Mali pala ung nasulat ko at kinorek nung anghel sa
window 14. Engot.

Natawa ako.



Hndi ako si 200113026
-ako nga pala si 200113002.
nalimutan ko, sablay.




Natawa ako.
Nkakatawa dahil mnsan pala kahit sinabi mo na sa sarili mo na
nakalimutan mo na siya at lam mong nilayo mo na ang sarili mo
at napalitan na ng galit ang lahat ng mgagandang alaala nya sa buhay mo.

subconsciously,(ha?) o sa mga panahong di ka masyadong nag-iisip,
may mga bagay na matatwa ka talaga,

kasi minsan kahit lumipas na ang mtagal na panahon
mas malinaw pa sa amnesia-prone-memory mo
ung 9-digit number nya kesa ung sa sarili mong nmber na gngmit sa
pagcheck ng grades sa CS pag nagasgas na
at di na gumagana ung hitech-kunong-ID mo
pro ayaw mo ipaayos kasi "cute" ka dun sa picture
kya tintyaga mo sya. epal tlga.




Natapos na ang gagamba
ganda at ayos!
napasaya ako lalo habang naririnig kong naghahagikgikan ung
new employee at ung higante at alam kong minumura na sila
ng mga katabi namin sa asar at lalong masaya nung
marinig kong sumigaw ung higante dahil sa gulat nya kay H.


Ayun.
masaya naman.
pro binagabag parin ako at kinakatok ng alaala ng gagamba
kong mukhang pusa na kay tagal kong inalagaan,
-noon.


sampol mula sa gagambang libre ni new employee
(hndi eksakto, parang ganto lang ung dinig ko,
wag magtiwala, hearing powers to eh)



"i should never have hurt you...
should'nt have said those words."


. -gagamba

"None of that matters,
you are my friend.,"


. -kulisap(sana)




paguluhin ko man ng paguluhin, at pahabain ng pahabain,
at halu-haluin ko lahat upang malito ka at
malito ako.
mas okey parin kung guguluhin ko lalo
at ssbihin ito mula s isang anti-sitaw,


maligayang kaarawan 200113026


sana alam mong..
naalala ko.
at hnintay kong matanggal ang bula nung pride sa
washing machine mula paggising ko nung araw
bago mag-labor day hangang sa unang minuto ng umaga ng labor day
pero sadyang maganda ang detergent namin at...
mahirap lang talagang magsabi ng
it doesnt anything-that-occupies-space-and-has-weight (ano daw?)
tska...
pinapantal uli ako.


Sunday, April 1, 2007

bente singko sa estero de balete de san marcelino

repost after deletion months ago
due to insistent public demand,
(2 tao lang ata 2ng tinutukoy kong public hehehe...)



sa title pa lang ng post na ito,
mlamang isang tao ang mtatawa pag nabasa nya to,

naalala mo pa ba yung bente singko natin
para sa estero de balete?

rewind... rewind... rewind...
1 taon at tatlong buwan pabalik,


naalala mo na ba unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin??

isang gabi sa may tulay
ng estero de balete,
na tourist attraction nang mga bagong salta sa
campus ng mga zobel-de-ayala-de-romualdez-de-kalaw-de-san-marcelino estupidents,
kasama ko si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
hndi ko alam pano kami nagkasamang dalawa,
hndi naman tlaga kmi nagkukwentuhang dlawa usually,
hi hello lang nga madalas,
pro ngaun bgla ko siyang napagtuunan ng pansin,
siguro dahil nakita kong,
binbalutan nang lungkot ang kanyang mga mata,
nagkukunwaring masaya siya,
sa mraming araw ko siyang pinagmamasdan,
nkikita ko ang hndi ko maipaliwanag na
pag-alinlangan s kanya,
ang akala ko,
pag tinabihan ko siya,
sa pagkakatayo nya sa gilid ng tulay,
mapaptawa ko siya..
(maganda at mataas pa ang record nang sense of humor ko nung college,
kya confident akong magagawa ko yun, hndi tulad ngaun,)
at kahit papano ay makalimutan nya ang lungkot na kanyang nararmdman,

pro nagkamali ako,
nung gabing yun,
ang isang napakalalim na buntong hininga nya ang
nagpagising sa isang pakiramdam na
hndi ko maunawaan...
(mas mlakas malamang ang sense of loneliness sa puso nya,
at ako ang napalungkot nya)
wla siya masyadong nasabi,
pro sa tingin ko,
naiintindihan ko sya bgla,
at naramdaman ko rin yung pakiramdam nya...


dalawang bente singko ang dinukot ko sa bulsa,
(tingin ko eto lang ata ang barya ko nun)
medyo corny to,
pro yun lang ang naisip ko,
dahil ayoko talagang magpatalo sa kanya,
tingin ko, at para sa akin,
mas malakas ang powers nang sense of humour ko
kesa sa sense of loneliness nya,
ang balak ko sana, maglalaro kami ng,
taguan ng bente singko (genius idea huh?very mature thinking db?),
kya lang,,,
niyaya ako ni unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin
na mang-trip at gawin nming mlaking wishing well
ang estero de balete,
natawa ako sa ideyang naisip nya,
pro sineryoso nya talaga ito,
parang batang pikit-matang hawak nya yung bente singko,
sbay hagis nya sa balete,
(medyo nahiya ako nung mga panahon na yun,
pano kung may makakita sa min,
eh di mwwla ang pa-cool kunong image ko)
ang akala ko after nyang ihagis yun eh tapos na,
ok, pasimpleng exit na lang ako,
tapos wala na makakaalala.
pro bglang napatingin sya sakin
sabay sabing.
"its your turn"
tinawanan ko lang sya sabay iling,
sbi ko wag na lang,
sa loob loob ko hndi ako magpapadala sa pagkasira nang ulo nya,
pro malungkot parin yung mata nya kya
no choice na ko,
pagbbgyan ko na sya,
hnwkan ko yung bente singko
sbay isip ako kung anong i-wiwish ko...
tska ko narealize...
shet!!!
wla akong maisip na i-wi-wish dun sa pagkalaki-laking wishing
well namin with multi-colored lights and floating water lilys at
unidentified objects in different shapes and odors.
(hndi dahil perpekto ang buhay ko ah, ewan ang hrap pag
may isang wish lang eh!)
(---- kitams, at sinabi kong katawatawa ang idea nya ah, pro sineryoso ko nmn)

very supportive nmn si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
at nagsabing i-wish ko na lang na sana eh gumradweyt na lang lahat sa
batch namin, o kya world peace, o kya, makarma si profesorr ______ (whe... bkt ko ssbihin? )

kya lang selfish ako nung gabing yun,
gusto ko isang wish na nga lang,
gamitin ko na lang pra sa sarili ko,
matapos ang brain-splitting kong pag-iisip,
isang kajologsang moment na
napa-close-your-eyes-and-dont-breathe-then-make-a-wish
ako.
kadiri,
pro sineryoso ko yun,
kasing-seryoso ko sa subject ko ng
world lit at phil. lit nung college.

pagkatapos nun,
napangiti siya,
tumawa pa ata,
hndi ko alm kung naisip nyang engot talaga ako at nauto nya ko,
o katawa tawa lang yung jologs moment ko
na dinedeny kong ginawa ko
dahil knkantiyawan ako nung ibang
nakakitang tambay sa estero de balete ng skul namin,
o dahil,
-
bka nakita nyang pareho lang kami ng wish.


toinks!

para dun sa kasama ko nung jologs moment ko
sa bente singko sa estero de balete,
ang tagal na kitang di nakikita
at nakakausap,
yun ata yung huling araw na nakausap kita eh.
natupad ba yung wish mo??
balitaan mo naman ako.

ntatawa ka ba??
mlamang pareho tau ng wish nun no?!?
buking na.
(mga selfish talaga.)


ako?
muntik na.

false alarm.

pag narinig mo ang salitang
"BUKAS NA LANG" at "AYOKO NG BUKAS"
sa loob ng tatlong oras paulit ulit
mlamang,

hndi ka na mniniwala sa bente singko sa estero de balete.


kng san man to napulot ni babs,
slamat.


we should cry to be able to laugh, fall apart to be
whole once more, and get hurt to learn and love
again...=)


ooooopppsss pro,
naniniwala pa rin ako dun sa wish ko
sa estero de balete,
(haha! at sinabi ko talagang di ko un sineryoso sa lagay na to.)
anlufet.

Wednesday, January 3, 2007

nagulat ako sa picture nya...

nagulat ako sa picture nya...





naman!





it's a boring day today,
ala magawa.
asan na ba mga tao sa bahay?
bgla silang nwala lahat??!?
wla pang makaalalang mag-text.
hirap ng balik buhay single ah.
akala ko ba marami akong kaibigan?
grrrhhh....
globe k b? txt mo nga ako.
(attack of desperation oh)

so... no choice, dating gawi,
tingin tingin sa net,
then i came across sa isang picture ng friendship ko...

whalllaaahh.....
totoo ba to?!?
ang primary photo nya...

isang chuchay na ngiting ngiti ang bumungad sakin,

naman!

at napa-sigaw ako ng...
"ay pu---@o!#9^7&ch))!!
gumradweyt na pala siya???"



-hindi kasi nagparamdam


bgla akong kinilig na naexcite na natuwa na
ewan ko ba kung anong pakiramdam un...
basta!

hehehe...

heto ay...

pra sa ex-house mate ko nung huling sem ko sa
campus ng mga zobel-de-kalaw-de san marcelino-de romualdez na
napaplibutan ng estero de balete estupidents.,

...na mahilig maglinis kuno sa bahay naming hindi nauubusan ng kalat,
salamat sa akin at sa aking "oo cge liligpitin ko mmaya yan, promise!"
(sabay kindat pampacute!)
pero reklamo naman siya habang ligpit ng mga HINDI NYA RAW KALAT.



...na daig pa ang alarm clock pag binungangaan kami,
kya mappabangon ka talaga sa takot dhl baka
hagisan ka nya ng kumukulong tubig.


...na kabisadong kabisado ko ang tunog ng yabag
sa hagdan, kapag paakyat na siya sa bahay,
at kulang na lang makipagpustahan ako ng bahay
at lupa kay melds sa pagka-SURE kong sya un
(nasa dagundong lang yun ng paa hehehe...)



...ung katabi ko sa elecs na medyo MATA---
(oh wag kang magwala jan)
ung katabi ko sa lecs na medyo mata---NONG!
matanong ka db? mahilig magtanong, db?
(uulitn ko sna ang sbi ni Profesor bagong-ligo-ang-pakiramdam-ECE,
kya lang naawa ako sa sasapitin ng katawan ko mula sau pag ginawa ko yun)



namis mo na ba pang-aasar ko sau?



para sau... chuchay,
ang lupet ng pic mo,
smile to the max ah???
hehehe...


wag kng magreact msyado,
malamang minumura mo na naman
ako habang binabasa mo to.
hndi ko mapigilan,
favorite tlga kitang inisin, next to melds.



CONGRATS PARE!
ginulat mo ko.
Whatttaahhh picture!




tama na,
seryoso na tong part na to,

Congratulations dude!
now, that's the silver lining i was talking about.
see?
im so so proud of you..





mas seryoso tong part na to...
painom ka naman.