Friday, June 1, 2007

sa pag-alis ni babs

to babsy,

paalam babs,

we'll miss you...

i will terribly miss you.

mag-iingat ka dun!
behave sa australia pare!


wag masyado papayat,
mamimiss kong kurutin ung bilbil mo.


tandaan mo lang:

walk-out-queen-man-at-nuknukan-ng-kuripot-nakakainit-ng-bagang-dahil-di-mo-mahuthutan-kahit-piso-at-walang-sense-kausap-at-may-sariling-mundo-kaya-di-mo-makausap-ng-matino-architect-man-at-madalas-kang-pikunin-sa-pang-aasar-madalas-man-kitang-taguan-hindi-replyan-paasahin-at-indyanan-sana-alam-mong-mamimiss-kita-kahit-papano-at-hahanap-hanapin-ko-ang-bilbil-mo-pag-napapsenti-ako-at-kahit-sa-pagbalik-mo-eh-atakihin-ka-ng-kakuriputan-mo-at-kahit-anong-pasalubong-eh-hindi-mo-maalalang-ambunan-ako-makita-ko-lang-MALUSOG-ka-at-MASAYAHIN-parin-ok-na-yun-basta-tigilan-mo-na-lang-kakasumbat-mo-dahil-masakit-sa-tenga-ko-at-bumababa-sa-patience-level-ko-buti-na-lang-hindi-na-walk-out-queen-ngayon-maalala-mo-sanang-kamustahin-ako-o-kwentuhan-ako-kahit-1-sentence-lang-kung-kamusta-ka-sa-australia-at-tandaan-mo!-AYOKO-NG-KANGAROO!...----mahal-kita-babs-hindi-lang-halata.


mag-iingat ka dun.



from kulisap, with love

(oh common?!?)

Saturday, May 5, 2007

tu-sero-sero-wan-tri-sero-sero-tu -(ang pinakamahabang nonsense, pinakamagulong sulat at pinakawalang kwentang kwento)

200113002
tutawsan-wan-thertin-sero-sero-tu
yan naalala ko na,
tandaan: 200113002....
ulitin ko nga.
200113002.
ayos! kabisado ko na.

Wag mo na bashin to, bka masiraan ka ng ulo.




Medyo napadaan ang swerte ngaun.
Ilang araw na lang makukuha ko na si flex, at ilang
buwan ko na ring nakakalimutan ang matinding sumpa sa oras.

Nung sanggabi din, nkasama ko si babs,
si ex-buntis-bets,
si gwapo-namn-pro-4ever-basted-na-lang-ata-tlga,
at ang knight-in-shining-armor-twin-brother-ko.
Maliban sa for the first time na
nahuthutan ako ng ilang barya para sa
the-usual-trip-nung-college,
eh sobrang masaya na ang buong part ng pagkikita.


Sa kabila ng labis na kasiyahan dahil sa wakas
nagkita na kami matapos ang ilang petsang pagtatago ko,
may isang pagkakataon nung gabing yun
na may nabanggit ung isa dun sa tatlong engot
para matigilan ako-
dahil may naalala ako?
bka hnanap?
o nanibago sa bagong atmosphere,
(hndi na "foggy mode" tulad sa tambayan)
o bka natamaan lang ung natitirang espasyo,
ng bagay na kinalimutan ko na...


Isa pang swerte ngaun.
Aaalis na ppuntang kbilang pabrika ung
new-employee-dahil-sa-sumusunod-DAW-nyang buhok,
kya sinapian ito at
nilibre kaming manood ng gagamba
sa malaking tv,
---ako, si naglalakad-na-exclamation-point
at ung pinaksikat-na-higante-ng-brilyante-sa-pabrika,
para sa "blending" moment bago ang lunes.
Nkkaluingkot man na ilang tulog mula ngaun
mkkta ko uling soloista si 363 sa isang sulok ng
ikaapat na patong sa umaga, masya parin
kasi matagal ko nang di nkksama ng matino ung tatlong engs,
at
-minsan lang mapwersa ng libre ung kuripot.


Hbang nag-gwrdiya-sibil ako dun sa tatlong upuan
bago lumabas si gagamba,
naalala ko bgla ung araw kinabukasan ng mkta ko sina babs.



Bumalik ako para kunin ang listahan ng marka ko
sa campus-ng-mga-zobel-de-ayala-de-remualdez-
na-napapalibutan-ng-estero-de-balete-estupidents.
Sa window 14 ako dumiretso para hanapin ang anghel
(OO, anghel na siya kumpara ke gori, na 90% ng
kilala kong estupidents eh may secret wish
na sipain sya kahit mnsan bago gumradweyt.)
Sinabi kong kelngan ko na ung listahan at
inabot ko ung natapos ko nang fill-upan na papel,
para makuha ung listahan.
Upang di ako mainip sa paghhntay
(base on years of experience, ngkkwrinkles ako s khhntay)
e napagpasiyahan kong libutan muna ang lugar
ng mga ayaw matulog at nakita ko uli ung tulay ng estero de balete,
ung paborito kong step ng fire exit,
ung poste ko sa ST quad at ang aking... dakilang carpark.
kya siguro, naalala ko uling -ewan.

Pagkatpos ng "wandering" trip ko,
naisipan kong baka nahanap na ung listahan
kaya bumalik na ko sa window 14.

Bumalik sakin ung form ko, kasama nung listahan.
At..
natawa ako sa nkita ko.
Tinitigan ko ung form, naka-cross-out ung part ng
student number ko.
Mali pala ung nasulat ko at kinorek nung anghel sa
window 14. Engot.

Natawa ako.



Hndi ako si 200113026
-ako nga pala si 200113002.
nalimutan ko, sablay.




Natawa ako.
Nkakatawa dahil mnsan pala kahit sinabi mo na sa sarili mo na
nakalimutan mo na siya at lam mong nilayo mo na ang sarili mo
at napalitan na ng galit ang lahat ng mgagandang alaala nya sa buhay mo.

subconsciously,(ha?) o sa mga panahong di ka masyadong nag-iisip,
may mga bagay na matatwa ka talaga,

kasi minsan kahit lumipas na ang mtagal na panahon
mas malinaw pa sa amnesia-prone-memory mo
ung 9-digit number nya kesa ung sa sarili mong nmber na gngmit sa
pagcheck ng grades sa CS pag nagasgas na
at di na gumagana ung hitech-kunong-ID mo
pro ayaw mo ipaayos kasi "cute" ka dun sa picture
kya tintyaga mo sya. epal tlga.




Natapos na ang gagamba
ganda at ayos!
napasaya ako lalo habang naririnig kong naghahagikgikan ung
new employee at ung higante at alam kong minumura na sila
ng mga katabi namin sa asar at lalong masaya nung
marinig kong sumigaw ung higante dahil sa gulat nya kay H.


Ayun.
masaya naman.
pro binagabag parin ako at kinakatok ng alaala ng gagamba
kong mukhang pusa na kay tagal kong inalagaan,
-noon.


sampol mula sa gagambang libre ni new employee
(hndi eksakto, parang ganto lang ung dinig ko,
wag magtiwala, hearing powers to eh)



"i should never have hurt you...
should'nt have said those words."


. -gagamba

"None of that matters,
you are my friend.,"


. -kulisap(sana)




paguluhin ko man ng paguluhin, at pahabain ng pahabain,
at halu-haluin ko lahat upang malito ka at
malito ako.
mas okey parin kung guguluhin ko lalo
at ssbihin ito mula s isang anti-sitaw,


maligayang kaarawan 200113026


sana alam mong..
naalala ko.
at hnintay kong matanggal ang bula nung pride sa
washing machine mula paggising ko nung araw
bago mag-labor day hangang sa unang minuto ng umaga ng labor day
pero sadyang maganda ang detergent namin at...
mahirap lang talagang magsabi ng
it doesnt anything-that-occupies-space-and-has-weight (ano daw?)
tska...
pinapantal uli ako.


Sunday, April 1, 2007

bente singko sa estero de balete de san marcelino

repost after deletion months ago
due to insistent public demand,
(2 tao lang ata 2ng tinutukoy kong public hehehe...)



sa title pa lang ng post na ito,
mlamang isang tao ang mtatawa pag nabasa nya to,

naalala mo pa ba yung bente singko natin
para sa estero de balete?

rewind... rewind... rewind...
1 taon at tatlong buwan pabalik,


naalala mo na ba unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin??

isang gabi sa may tulay
ng estero de balete,
na tourist attraction nang mga bagong salta sa
campus ng mga zobel-de-ayala-de-romualdez-de-kalaw-de-san-marcelino estupidents,
kasama ko si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
hndi ko alam pano kami nagkasamang dalawa,
hndi naman tlaga kmi nagkukwentuhang dlawa usually,
hi hello lang nga madalas,
pro ngaun bgla ko siyang napagtuunan ng pansin,
siguro dahil nakita kong,
binbalutan nang lungkot ang kanyang mga mata,
nagkukunwaring masaya siya,
sa mraming araw ko siyang pinagmamasdan,
nkikita ko ang hndi ko maipaliwanag na
pag-alinlangan s kanya,
ang akala ko,
pag tinabihan ko siya,
sa pagkakatayo nya sa gilid ng tulay,
mapaptawa ko siya..
(maganda at mataas pa ang record nang sense of humor ko nung college,
kya confident akong magagawa ko yun, hndi tulad ngaun,)
at kahit papano ay makalimutan nya ang lungkot na kanyang nararmdman,

pro nagkamali ako,
nung gabing yun,
ang isang napakalalim na buntong hininga nya ang
nagpagising sa isang pakiramdam na
hndi ko maunawaan...
(mas mlakas malamang ang sense of loneliness sa puso nya,
at ako ang napalungkot nya)
wla siya masyadong nasabi,
pro sa tingin ko,
naiintindihan ko sya bgla,
at naramdaman ko rin yung pakiramdam nya...


dalawang bente singko ang dinukot ko sa bulsa,
(tingin ko eto lang ata ang barya ko nun)
medyo corny to,
pro yun lang ang naisip ko,
dahil ayoko talagang magpatalo sa kanya,
tingin ko, at para sa akin,
mas malakas ang powers nang sense of humour ko
kesa sa sense of loneliness nya,
ang balak ko sana, maglalaro kami ng,
taguan ng bente singko (genius idea huh?very mature thinking db?),
kya lang,,,
niyaya ako ni unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin
na mang-trip at gawin nming mlaking wishing well
ang estero de balete,
natawa ako sa ideyang naisip nya,
pro sineryoso nya talaga ito,
parang batang pikit-matang hawak nya yung bente singko,
sbay hagis nya sa balete,
(medyo nahiya ako nung mga panahon na yun,
pano kung may makakita sa min,
eh di mwwla ang pa-cool kunong image ko)
ang akala ko after nyang ihagis yun eh tapos na,
ok, pasimpleng exit na lang ako,
tapos wala na makakaalala.
pro bglang napatingin sya sakin
sabay sabing.
"its your turn"
tinawanan ko lang sya sabay iling,
sbi ko wag na lang,
sa loob loob ko hndi ako magpapadala sa pagkasira nang ulo nya,
pro malungkot parin yung mata nya kya
no choice na ko,
pagbbgyan ko na sya,
hnwkan ko yung bente singko
sbay isip ako kung anong i-wiwish ko...
tska ko narealize...
shet!!!
wla akong maisip na i-wi-wish dun sa pagkalaki-laking wishing
well namin with multi-colored lights and floating water lilys at
unidentified objects in different shapes and odors.
(hndi dahil perpekto ang buhay ko ah, ewan ang hrap pag
may isang wish lang eh!)
(---- kitams, at sinabi kong katawatawa ang idea nya ah, pro sineryoso ko nmn)

very supportive nmn si unti-unting-mararating-kalangitan-at-bituin,
at nagsabing i-wish ko na lang na sana eh gumradweyt na lang lahat sa
batch namin, o kya world peace, o kya, makarma si profesorr ______ (whe... bkt ko ssbihin? )

kya lang selfish ako nung gabing yun,
gusto ko isang wish na nga lang,
gamitin ko na lang pra sa sarili ko,
matapos ang brain-splitting kong pag-iisip,
isang kajologsang moment na
napa-close-your-eyes-and-dont-breathe-then-make-a-wish
ako.
kadiri,
pro sineryoso ko yun,
kasing-seryoso ko sa subject ko ng
world lit at phil. lit nung college.

pagkatapos nun,
napangiti siya,
tumawa pa ata,
hndi ko alm kung naisip nyang engot talaga ako at nauto nya ko,
o katawa tawa lang yung jologs moment ko
na dinedeny kong ginawa ko
dahil knkantiyawan ako nung ibang
nakakitang tambay sa estero de balete ng skul namin,
o dahil,
-
bka nakita nyang pareho lang kami ng wish.


toinks!

para dun sa kasama ko nung jologs moment ko
sa bente singko sa estero de balete,
ang tagal na kitang di nakikita
at nakakausap,
yun ata yung huling araw na nakausap kita eh.
natupad ba yung wish mo??
balitaan mo naman ako.

ntatawa ka ba??
mlamang pareho tau ng wish nun no?!?
buking na.
(mga selfish talaga.)


ako?
muntik na.

false alarm.

pag narinig mo ang salitang
"BUKAS NA LANG" at "AYOKO NG BUKAS"
sa loob ng tatlong oras paulit ulit
mlamang,

hndi ka na mniniwala sa bente singko sa estero de balete.


kng san man to napulot ni babs,
slamat.


we should cry to be able to laugh, fall apart to be
whole once more, and get hurt to learn and love
again...=)


ooooopppsss pro,
naniniwala pa rin ako dun sa wish ko
sa estero de balete,
(haha! at sinabi ko talagang di ko un sineryoso sa lagay na to.)
anlufet.

Wednesday, January 3, 2007

nagulat ako sa picture nya...

nagulat ako sa picture nya...





naman!





it's a boring day today,
ala magawa.
asan na ba mga tao sa bahay?
bgla silang nwala lahat??!?
wla pang makaalalang mag-text.
hirap ng balik buhay single ah.
akala ko ba marami akong kaibigan?
grrrhhh....
globe k b? txt mo nga ako.
(attack of desperation oh)

so... no choice, dating gawi,
tingin tingin sa net,
then i came across sa isang picture ng friendship ko...

whalllaaahh.....
totoo ba to?!?
ang primary photo nya...

isang chuchay na ngiting ngiti ang bumungad sakin,

naman!

at napa-sigaw ako ng...
"ay pu---@o!#9^7&ch))!!
gumradweyt na pala siya???"



-hindi kasi nagparamdam


bgla akong kinilig na naexcite na natuwa na
ewan ko ba kung anong pakiramdam un...
basta!

hehehe...

heto ay...

pra sa ex-house mate ko nung huling sem ko sa
campus ng mga zobel-de-kalaw-de san marcelino-de romualdez na
napaplibutan ng estero de balete estupidents.,

...na mahilig maglinis kuno sa bahay naming hindi nauubusan ng kalat,
salamat sa akin at sa aking "oo cge liligpitin ko mmaya yan, promise!"
(sabay kindat pampacute!)
pero reklamo naman siya habang ligpit ng mga HINDI NYA RAW KALAT.



...na daig pa ang alarm clock pag binungangaan kami,
kya mappabangon ka talaga sa takot dhl baka
hagisan ka nya ng kumukulong tubig.


...na kabisadong kabisado ko ang tunog ng yabag
sa hagdan, kapag paakyat na siya sa bahay,
at kulang na lang makipagpustahan ako ng bahay
at lupa kay melds sa pagka-SURE kong sya un
(nasa dagundong lang yun ng paa hehehe...)



...ung katabi ko sa elecs na medyo MATA---
(oh wag kang magwala jan)
ung katabi ko sa lecs na medyo mata---NONG!
matanong ka db? mahilig magtanong, db?
(uulitn ko sna ang sbi ni Profesor bagong-ligo-ang-pakiramdam-ECE,
kya lang naawa ako sa sasapitin ng katawan ko mula sau pag ginawa ko yun)



namis mo na ba pang-aasar ko sau?



para sau... chuchay,
ang lupet ng pic mo,
smile to the max ah???
hehehe...


wag kng magreact msyado,
malamang minumura mo na naman
ako habang binabasa mo to.
hndi ko mapigilan,
favorite tlga kitang inisin, next to melds.



CONGRATS PARE!
ginulat mo ko.
Whatttaahhh picture!




tama na,
seryoso na tong part na to,

Congratulations dude!
now, that's the silver lining i was talking about.
see?
im so so proud of you..





mas seryoso tong part na to...
painom ka naman.

Wednesday, September 13, 2006

kay lena...

ang-theme-song-ng-mga-taong-ayaw-matulog

Darating din ang araw
Na tayo'y tatanda
Babagal ang mga paa
At manlalabo ang mata
Hindi mo mamalayan ang pagikot ng mundo

Darating din ang panahon
Na malalagas ang buhok
Balat ay kukulubot
At makukuba ang likod
Hindi malilimutan ang pagibig ko syo, magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko syo

Darating din ang bukas
Na tayo'y kukupas
Ang buhay ay magwawakas
Kasama ang gunita
Ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko syo,

Magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko syo

Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin, magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso

Sunday, September 10, 2006

kOnTiNg SeNti...

pag pakiramdam mo sinakluban ka nang langit at lupa,
na parang lahat ng kamalasan sa mundo eh,
nasalo mo na ngaun,
na tipong takang taka ka na kung ano ang nangyayari at
bakit parang pinagttripan ka nang mundo,
at nasa hotseat ka ng kasablayan,
ano ang tamang gawin??

sbi ni peter pan, think of a happy moment, so you can fly.
sbi ni julie andrews, i simply remember my favorite things and then i dont feel so bad.

ewan ko kung anong meron ngaun at nppasenti ako,
di ako maktulog, mlamang dhil s text ni prexy tungkol sa sept 17,
o bka dahil... ehem! ngaun ko lng to ssbihin at hnding hindi ko na uulitin pa...
heto na... dhil bka,,, gnito nga tlga
-pag tumatanda ka na.

akalain mo.. ang bilis ng panahon,
prang kelan lang ng maligaw ako sa campus ng mga zobel-de-kalaw-de san marcelino-de romualdez na
napaplibutan ng estero de balete estupidents.,
kung san ko nakilala ang mga kakaibang nilalang na
nagpabago sa buong packaging nang isang kulisap.
nagawang patulugin ang ayaw matulog,
magamot ang sugat na inakala ng marami ay hindi kailanman maghihilom,
mapagsalita ang dating pipi,
mapagsayaw ng buttercup ang pilay,
makarinig ang... (oops di pla ksama ang hearing ability)
bigyan ng kumpiyansa at tiwala s srili na
hnding hindi mo mabibili sa raon o sa divisoria,
turuang magmhal at umiyak kahit na...
ano ba term dun?
hindi bato ang tamang term eh,
hndi-lang-ma-emosyong-katauhan, yun! yun yon!
pro hayaan parin syang mabuhay s kanyang sariling mundo.

kya panahon na pra mag-alay ako ng post
pra sa kanila,
ipakilala s mundo ang mga nilalang na ito,
na ewan kung nag-pabuti o nagpasama lalo sa kin.


syempre andun si BISPRIN kong tulo-laway-pag-tulog at talsik-laway pag galit,
pero kilabot pa rin ng mga bading, na nagturo sakin nang tamang meaning ng
"drink moderately and at your own risk", na mayroong natatanging way para pasayahin ako dahil sa kakaiba nyang pagbigkas ng words,
na hangang ngaun pinagtatkahan ko kung ano pinakain sakin at mahal na mahal ko ang engot.

ang LALAKENG MANGO TREE na once upon a time eh super buddy ko,
pro ng magbago ang tibok ng puso eh... (d ko na itutuloy, tpos na pla ang
drama chapter na ito, pro babangitin kita d2 ha?) na nagbigay daan pra magkaroon ako ng matinding self-confidence (ikaw b nmn ang mging biktima ng mga nakakahiyang exhibition nya s campus)

si EX-PARTY-GIRL-TURNED-HOT-MAMA bebets, na nagparealize saking
may potential akong mging galante, super sweet kht may topak, mgkaroon ng mahaaaabang pasensya,
magpigil ng tantrum attacks ko at maging si darna paminsan minsan pra sagipin sya at siguraduhing
hndi sya mlulungkot s loob ng 9months. SLAMAT TAPOS NA ANG PAGPPGIL ko!
please sing: at kung sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo,
ay isipin na lang na ang buhay ay mgkkroon ng araw na magkaksalubong kami at wawasakin ko ang pgmmukha nya pra sau pramis. (cencya nwala ata sa tono ung kanta)

ang GUWAPO-NAMAN-PRO-FOREVER-BASTED-NA-LANG-ATA-TLGA, (dhil hndi nkikinig sakin),
na parang si 222 na isng twag o text ko lng may instant service na (nung college lng ha?) na nagturo saking
umiyak pag sumobra sa tawa o sa lungkot, pro msarap pa ring ipasok sa microwave oven mnsan dhil d nya maalala ang tamang spelling ng A-P-P-R-E-C-I-A-T-I-O-N.

si BABS na ilang dekada nang nagplanong magdiet pro hangang plano lang tlga,BS-Computer Engineering
major in architechture with speialization in AUTOCAD and ENG'g Drawing 1A, na may pinakamalupet na talento (na hindi ko tlga magaya) sa pag-imbento na palusot pag nagkagipitan na(EX: brown envelope pra kay doctorate)
na nagbigay example kung pano magpakatotoo at sumugal pra sa kaibigan, di bale na kung may mainis,
magmahal ng wlang kapalit, at pikit matang tangapin ang mga kapintasan.

SI ISA-MENDEZ-ALA-TUNA na wlang sawang sumasalo sakin sa telepono, sa mga kamalasang ngyayri skin, at ksama ko lagi s mga crying sessions ko, mula nung nsa bustillos hangang sa pgkwala ng walet at atm ko s CR sa bago kong trabaho, at nagturo sakin nang pagplantsa, pagtahi, tmang pagtiklop ng kumot at mga kakikayan sa katawan, ksama na ang pagsuklay.

ang LOVERBOY-NA-SMART-IMAGE-PRO-MAY-PAGKATANGA-LANG-PAG-IN-LOVE na kasikretohan ko
sa maraming kalokohan pra maprotektahan ang image namin pareho na "goodie-goodie" at ksabyan ko sa
english-speaking monologue pag... hehehe! na may pambihirang pasensya sakin at s mga kakulitan ko at pang-iinis ko s kanya, at nagpatotoo skin na POSIBLE NGANG MAS TSISMOSO ANG LALAKE KESA SA BABAE.

ang BAGONG-BUHAY-NA-DAW-NGAUN-AT-SERYOSO-NA-SA-BUHAY, hndi ko alm kung dahil nakokonsyensya na sya s maraming babeng napaiyak nya o dhil natatkot sya s karma na bumalik s magiging anak nya ang mga pambabae nya, o dahil tumatanda na sya at nag-papaka-family-man image na. pro kht ubod ng babaero eh isang totoo, ibang klase at hndi manlolokong kaibigan na mdyo may tampo tampo dahil hndi na natupad ang pangako ko s knya. PERO naaalala ko hndi parin niya pinagbabyaran ang pagsira ng THIS-IS-THE-MOMENT ko sana nung graduation ball kay 6-pocket-polo, pucha! nagpangap akong happyng happy ako nun na siya ang kasayaw ko at hindi si 6-pocket.

syempre ang aking KNIGHT-IN-SHINING-ARMOR-NA-FOREVER-KUYA-KO-O-TWIN-BROTHER-CHUVANES- si prexy,,,, na isa sa mga natatanging swerte ko sa buhay na regalo sakin ni lord, khit tinatamaan ng ksablayan. (hndi ko ma-eenumerate mga naturo mo sakin, hndi kasya dito,,,)pro slamat sa pgpaparealize sakin na hindi ako dapat basta basta nag-re-react, at siguraduhin ko munang in good condition ang hearing powers ko bago ako gumawa ng isang madamdamin-at-agaw-pansin-sa-mraming-tao-na-walk-out- with matching flying tantrum attack pa, dahil pag nalaman mo ang totoo eh i-wi-wish mo na lang na sana eh maglaho ka muna kht 5 days man lang hangang sa mkahanap ang mga tao ng bagong pagtatawanan bukod sa public exhibition mo ng iyong feelings.
(nkakahiya yun!!waaahhh!!! pinapausog mo lang pala ung CPU ni babs! hahaha!)
SALAMAT SA OHM'S LAW PARE, V= IR lang ok? alam m na yun! ang layo na ng narating ng simpleng formula nating yun.

at syempre andun na ung viva-hot-babes ng campus na ubod ng bagal sa CR kya nilalayasan ko at mdalas sumalo sa mga kasungitan ko pag naiingayan ako s knla habang nagbbsa ako, at yung mga tambay ni tita lorie na hayok sa LEEKS (hi! chai!),
at ang mga kabalyeros, klala nyo na kung sno kau, hndi ko na iisa-isahin ito, namimis ko na kaung lahat pro natatkot akong magpakita, kasi tiyak na magpapalibre kau ng inom sakin at kain sakin.. iipon muna ako pra s inyo. hehehe...

may tatlong bagong anghel ang tropa na biglang nagpabago sa buhay buhay namin...
at s september 17, mlamang magkita kita uli kami,
yun ang text ni prexy,
dhil binyag ng isa pang bagong anghel sa buhay nmin,
dala ng KABABAYAN-KONG-INLOVE-NA-IN-LOVE-KAY-SOYTI, na grabe ang powers pgdating s paghuli sa pambababae ng syota nya.
si soyti? sya ang PAKNER-KONG-MAPAGMAHAL-SA-MARAMING-BABAE-PRO-NGAUN-DAPAT-HINDI-NA-KASI-LULUMPUHIN-NAMIN-SYA na partner kong bumuo sa isang napakalupet na ISA card nung college na tnuturing kong pnakapborito kong gnwang project dhil enjoy ang presure na nranasan ko, hndi yung nakakasakit ng ulo.

ahhhhhhhhh....
nakaksenti.
kasi di na tlga magiging katulad ng dati.
alngan namang mag-inuman at mag-party na may akay akay na sangol s isang kamay ang ilan sa min????
hehehe...
nkakamiss.
pro pag dindapuan na ko ng lungkot,
at kailangan ko ng isang happy thought to fly,
i simply remember my favorite thing,
and then i dont feel so bad.
may ipapayo ako s inyo pra mwla ang lungkot nyo.
alalhanin nyo lang ang award winning piece na to,
pag di ka natawa o napangiti, malala ka na tlga pare.

"bakit di mo sila tanungin ha jo? bkit di mo sila tanungin? tanungin mo na!"
"sino?"
"SILAAAAHHHHH!"

"nasaan ka nung kailangan kita???"
"... nagpunta nga ko ng sm magisa pra bumili ng polo eh.."
"so galit ka samin ganun? msama kami ganun?"

"...sa friendship pare dpt BROAD ang mind mo"

LESSON LEARNED: wag nyo itago ang susi ng bahay sa kaibigan mo lalo at alam mong mlapit na syang malasing okies?
(tandaan, mhaba pasensya mo, wag kang mapikon sa kin ok?)

>> ang joke na ito ay para sa insomniacs lang, kung di ka natawa, malamang hndi mo alam ang tinutukoy ko<<<

at oo nga pla may isa pa kong nkalimutan,,,
si...
hndi ko na maalala pangalan nya,
wla na rin akong balak alalahanin pa,
simula nang daanan kami ng buhawi (isang matinding buhawi yun mlamang)
isang gabi sa lugar na pabilog na buhay na buhay pagsapit ng gabi pra sa mga kabataang
wlang mapaglagyan ng pera sa maynila.
at umuwi akong may kumkantang NOBELA
sa aking likuran,

dhil s knya,
natuto akong...
i-digest ang phrase na to---
one is enough, two is too much, 3 is... sapakan na to!


at maging konting senti.


>>para sa insomniacs, click ka d2<<

You laugh because Im different I laugh because you're all the same...

hehehe....

blog.

"kabaduyan ang pag-b-blog..."
yan ang tanda kong bangit ni kulisap dati.

pro may secret blog account yun dati na hindi na nya mabuksan ngaun,
ksi...

nkalimutan na nya ang password.
at tingin ko 5 months na nyang inaalala ang password nya dun.

pro wla na talaga.


ano na ang nangyari sa pagka-"i-dont-care-kung-iba-ako-sa-iba-attitude"?

wla na.

impluwensya.

huh!

kelan pa ba ko naimpluwensyahan.
kalokohan.

pro tingin ko...

iba parin ako.
wlang pakialamanan,

pro minsan ok din na i-try ko yung mga bagay bagay na kinahihiligan nang marami...
mga dudes at dudettes belonging s age-bracket ko...
(nsa teen age bracket pa nmn to no??
bwal magreact ang mga katropa ko d2,
sapakin kita eh..)


kya heto na,
kakain na ko ng gulay,
at manonood na ng telenovela,
o koreanovela,
at di na ko magsasalita mag-isa,
o tatawa mag-isa,
lalo na pag nasa public place,
at hindi na ko kakain mag-isa,
mas msarap pla pag may kasabay.
at magaaral na kong magsuklay
at hndi na kakain ng kobe krunch
makikinig na rin ako sa westlife,
(ay hindila, iba na lang, tsaka na lang ang boybands)
makikinig na pla ako s music other than ung
banda banda na usual kong pinapakingan.

try to appreciate other things na hindi ko dati binibigyan ng pansin,
para.....


hehehe..
ewan ko.

di ko pa alm ang sagot dito eh.



You laugh because Im different.
- I laugh because you're all the same.


-but now that i am becoming like one of them,
im still laughing, (hndi dahil may sayad ako, alam na natin yun, may iba pang dahilan)
im still laughing
ewan.

>> sbi sayo eh, weirdo ako.