Sunday, September 30, 2007

gatecrash...

gatecrasher (noun)
-> ito yung taong ubod ng tigas ang mukha
na magpunta sa isang pagtitipon kahit
na hindi naimbitahan ng taong nagpa-pa-party.


----------------------------------------------

araw ng binyag ng anak ni eyron at meydyor nun,
at syempre andun ang mga taong ayaw matulog sa
party ni eyron.
tulog na tulog si crashey ng umagang yun
ng bglang mag-ring ang
knyang telepono.


crashey: (still sleepy) heller? hu d hell are you? calling me in this
early sunday morning?! don't you know that i am too tired
last week because of many draining tasks that i am doing during overtime?
dont you know that this is the only day that i will sleep this long?
who are you disturbing this wonderful morning of crashey?

prexy: hey crashey!! its me prexy, im with basted-forever now,
were going to the party of eyron,
wat tym r u going there 2day?
were driving back now to manila, wil be der at round 10am!

crashey:(suddenly awake) huwaaaatt party are you talking about?!
is there a party? my betcha-by-golly-wow i was not invited
by that tropapips of ours- eyron, why why why delilah???

prexy: you see it was wlang-kabusugang-dipad who did
the inviting for the party, she does not have your number,
because you were not making pansin with each other for
the past 3(?) years already, because you don't want to,
remember? and because you love your detergent so much,
eyron has no celfone, so maybe thats why you were not
informed crashey. hey common,
you go, don't you go starting with that detergent of yours
common, tara lets go to the party of eyron's new baby.

crashey:(pakipot) huh! i have my detergent excuse me.
i will not go!!! even if I really want to go, because I am missing
all the tropapips-who-does-not-like-to-sleep. But if you make
pilit of me 1 more time, maybe i'll change my mind.

prexy: owww.. comon crashey. why the hell are you so maarte all the time?
you think it's bagay?nway, ok ill do it.
Common, let's go together to eyron's party,
dont make pakipot anymore, it's not bagay to you.

crashey: hmmmm... no! no! excuse me prexy.
i am not using my detergent
i am just shy.

prexy: dont be maarte crashey, you're invited you know,
in our tropapips, there is no need for inviting anymore,
remember "we are one",
and i just like to tell you that
this phone bill is costing me too much now, its 30mins already.

(after 3 seconds)
crashey:OK il go, i wont give you a hard time anymore, kulisap will be there right?
i will go with mikee, then we'll meet there.


-------------------------------------------------------------------------
(warning: hndi po si babs si walang-kabusugan,
matakaw lang ito pro wla pa siya sa level ni babs (physically),
si babs ay nagkukuta ngaun sa australia)

hndi ko alam kung paano
nagawang mapilit ni prexy na magpunta si crashey
nung araw na yun sa napakasimple
pero matagal na diskusyunan, hehehe...
natutuwa ako sa kanya.

sabi sakin nung pinakamagaling at natatanging propesor na
pinapakinggan ko ng maayos -- si propesor worldlit,
nung nasa kampus-ng-san-marcelino-estupidents pa ako,
pag me bagay ka daw na hndi mo gustong kalimutan,
o pag me gusto kang maalala,
wala kang ibang dapat gawin kundi.
isulat mo.


kaya heto,
hndi ko man makwento ng matino
yung lahat ng magagandang nangyari
sa araw na yun, ok na to,
pra pag nabasa ko to, 5 taon mula ngaun,
dito sa pc ko,
maalala ko,
ang nakakatuwang geytcrash ni crashey.
boring naman kung
mag-d-dear-diary ka db?
yikes.



ayun,

para sau crash,
natutuwa ako sayo,
ang bagsik mo,
kahit last minute na at alam mong ge-geyt-crash ka
me bitbit ka pa tlgang regalo khit saksakan ka
sa kakuriputan, bagay naman pla sau ang me bitbit mnsan eh,
maiba naman.

natutuwa ako sayo,
para kang batang me hawak na lobo habang
pababa ka ng lrt at patawid dun sa kalsada
habang hnhntay ka ng mga ayaw matulog
sa nakaparadang tsikot ni basted forever,
hangang ngayon,
di ka pa tlga marunong tumawid.

natutuwa ako sayo,
langya ka, late ka pa rin!
kala ko ba nagbago ka na?

natutuwa ako
habang pinagmamasdan kitang kumain nung araw na yun,
at di mo alam pinapanood kita,
lalo nung makita kong
nagtayuan ang lahat ng taong ayaw matulog sa table para sa yosi
at maiwan kayo ni
walang-kabusugan sa table,
natuwa ako sa buntong-hininga mo,
sabay tingin sa kisame,
sabay pasimpleng tingin kay walang kabusugan
na parang kumukuha ng buwelo,
-para ka talagang bata mnsan.


at natutuwa ako dahil
napaka-brave mo ng basagin mo ang nakabibinging
katahimikan, at sa wakas eh itapon yung 3taon mo ng detergent na
nakapagitan sa inyo at ng sabihin mo kay walng-kabusugan
ang...
"kamusta na walang kabusugan?"

at lalo akong natuwa ng makita kong ngumiti
si walang-kabusugan, para sabihing...
"ga-gradweyt na ko, at tinatapos ko lang ang thesis ko"

nakakatuwa kayo,
matapos nun,
kung magkwentuhan kayo,
parang wala ng nangyari ah,
sabagay, hndi ko na nga maalala kung bakit nga ba
nagsimula ang epic-drama-chapter nyong dalawa.
sa wakas, natapos na.

natutuwa ako
sa iyo at nagpunta ka
at gumeyt-crash sa party ni eyron at meydyor
nang hndi muna tinatanong kung sino-sino ang
pupunta at kung sino-sino ang naimbitahan
kahit na nakaligtaan kang yayain nung araw na yun,
(ugali mo yun db? ung magcheck muna kung sino pupunta?)


natutuwa ako kasi,
wala ka na ata talagang detergent pare ko.


sa araw na yun,
atleast me mga bagong aral tayong natutunan,
una,
walang maidudulot na maganda ang detergent
na ubod ng tagal na
pangalawa,
ibang klase tlaga taung magsaya,
pangatlo,
dapat malaman ng lahat ng tao
ang pagkakaiba ng PISO sa LIMANG PISO
at lastly
mula ngaun, bawal na kaung pagtabihin nina kabalyeros-phranswa,
walang kabusugan, at kulisap,
habng hinahayaan kayong mag-isip at mag-figure-out
kung pano isolve kung bakit ayaw gumana ng isang
machine na hinuhulugan ng barya.


kabalyeros-phranswa: hey i like to use that!

kuya manong: okey, pag ggmitin nyo to children,
maghulog lang kayo ng PISO, tapos i-press nyo to,
'to, 'to, 'to, 'to, 'to, 'to at eeeeto...
and whallaah, ayun na ang hnihntay nyo.
do you understand that little boy?

phranswa: yes! kuya manong. i'll kip dat in mind.

(kuya manong walks away.
pranswa, walang-kbusugan, kulisap, crashey were left with the machine)

pranswa: (paulit ulit na gngwa ang tinuro ni kuya manong)
hey guys, ayaw gumana nito! badtrip!

kulisap: hmmm... let me try. (after 2 mins)
naku sira ata ito eh. (sabay palo sa machine)
bulok!

phranswa: ako uli, subukan ko. (after 5mins)
ayaw ata tlga eh, sira siguro.

(isip... isip... ang mga engot, este tao)
walang-kabusugan: aha! baka dapat 5PESOS ang ihulog natin.

phranswa: dont be stupid. ang sabi ni kuya manong,
piso, okey? PISOOOOOO!!

(matagal na try-and-try ang tatlong pabida,
binasag muli ni kulisap ang ktahimikan,
sinapian ni walang-kabusugan)

crash/kulisap: alam ko na! alam ko na! baka 5pesos ang
dapat ihulog natin! dali subukan mo phranswa.

phranswa: dahil me pagka-tanga ako minsan at naniniwala ako sau,
tama! 5pesos nga sguro ang kasagutan! wahahaha! henyo tlga tau!



pinasok ni phranswa ang 5 pesos,
at nagbara ang slot,
at nasira na ng tuluyan ang machine.




lagot.
d^_^b


para sa mga wala nung araw na yon,
sana'y nakita nyo ang namutlang hitsura ni phranswa nung
pinagkanulo siya nung dalawang henyong nag-isip sa 5pesos
nang mapansin ng ibang ayaw matulog na nasira ang machine.




everyone: "hoy! anong ginawa nyo jan ha? bakit di na gumagana?!?"
kulisap and wlang-kabusugan: "Si phranswa kasi hinulugan ng 5 pesos eh"



yan ang friendship,
me loyalty.


hehehe.


para sa mga ayaw matulog,
hangang sa muling eyeball mga pare,
nagbago na hitsura ng marami sa atin ah,
iba na tlga pag me pera na,
biro lang.
pasensya na at maaga akong umeskapo
at nilayasan ko kau,
kahit na kulang na lang eh maglumuhod si
family-man-image-kunong-taga-sira-ng-grad-ball
para hndi ako umuwi,
big girl na ko eh, madami pa kong kelangang gawin,
pero,
namimiss ko kau,
lagi lagi lagi lagi
kahit kaka-kita ko pa lang sa inyo nung isang araw.
namimiss ko tlga kayo...
(tumigil ka na nga sa drama mo! kadiri ka!)




para sa inyo eyron at meydyor,
congratulations.
you look so good together.
salamat sa pagkain at sa inom,
nabusog nyo kami.
at..
patawad tlga dun sa machine nung kapitbahay nyo,
nabigla lang. hihihi.



para sa ika-apat at pinakabagong anghel
na nagpabago muli sa buhay
ng mga taong ayaw matulog...
maligayang pagdating sa mundong ito.



pahabol, isa pang dapat isulat.
sa kanta ko dati pra ke bets...
at kung sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo,
ay isipin na lang na ang buhay ay mgkkroon ng araw na magkaksalubong kami at wawasakin ko ang pgmmukha nya pra sau pramis. (cencya nwala ata sa tono ung kanta)

ayun nagkslubong kmi,
nagkatabi pa at some point sa upuan,
pro di ko nagawa ang sinabi ko,
di ko na din gagawin pa, (nkahinga nb kau guys?)
dahil nakita kong masaya uli si bebets,
at habang ganun siya,
peace-loving citizen ako,
pro sa susunod, watch-out,
im gonna be on a wrestling-boxing-taekwondo-hatefull-words-rapping match.
(asus, tlga lang ha? heler?)



at ke crash-
(kahit sabihin pang nakaligtaan lang, gatecrasher ka parin.)

Wednesday, September 26, 2007

sa abente unong nagdaan

ilang minuto bago matapos ang abente,

nagmamadali akong umabot sa kuwarto ko,
bilang tradisyon eh, di pwedeng magbago,
kelangan nakapikit ang mata ko
pagpatak ng unang minuto ng abente uno,
pero teka! kelangan ko muna maligo,
tradisyon uli, di pwedeng baguhin,
abente uno na maya maya,
amp#$%%! kung bakit naman kasi sa dinami dami ng araw
sa buong taon,
ngaun pa ko kelangang abutin ng ganitong oras sa pabrika?
bakit ba di ko naisip na napaka-importante nito para sakin?
badtrip.
2 minuto na lang,,,
dalian mo ganda! ayan na!
biglang nahulog ung basket ko,
ay ampE$%^$! nagkalat ang lahat ng gamit ko sa
buong banyo, sige pulot!! nanginginig ang kamay kong
pinagpupulot ang lahat ng yun at isinaksak uli sa pasaway na
basket ko, nang maipasok ko na lahat, at ibabalik na sa cabinet,
k-a-b-l-a-g!
amp!@#4! na naman! nahulog uli.
ano ba naman to?! dali pulot!
nagmmdaling isinaksak ko uli pero huli na
ang lahat.
tumunog ang alarm clock ko
na nagsabing, abente uno na.

ayun masaya naman palang maligo sa unang minuto nito,,,


nagising ako sa umaga ng abente-uno,
at tulad ng tradisyon,
may puting tanawin sa harap ko,
dapat nga lang isang mata ko lang ang nakadilat,
improvised lang kasi yun, nilagay kong wall paper
ung larawang nakita ko sa internet,
kahawig nito ung tanawing gusto kong makita.

hndi pa kumpleto,
wala pa ang boses ni nanay at ni balu,
nagsimula na naman akong magtampo dahil
hndi agad naalala ni nanay ang araw na yun...
(isip bata!)
nasa pabrika na ko nung maalala kong
me ginawa nga pala akong "milagro" sa telepono ko,
nung maayos at matangal ko na ang "milagro"
ayun automatikong tumunog ang telepono,
at narinig ko na rin ang boses na hnhntay ko
sa umagang yun, pra makumpleto ang araw ko.
(me sigaw nga lang sa umpisa, nadinig ko,
nahighblood na ata, ang sweet!)


ayun,
di ko na isasalaysay pa...
natupad ba ang munting kahilingan ko?
eh ung mga inaasahan ko?
eh yung mga binalak kong gawin?

ewan.


sinamahan ako nung higante at ni exclamtion point
para tuparin ko ang pangako ko ke jeboy sa araw na yun,
matagal, mahaba, at seryoso ang mga bgay na
nasabi ko kahit di ako nagbukas ng bibig.
sana kung me text sa lugar na pinuntahan ni jeboy,
maipaliwanag nya sa lahat nang naghahanap ng
paliwanag, ang mga bagay na dapat sanang siya ang
nagpaliwanag dahil di ko maipaliwanag,
dahil hndi ako si liwanag.


natapos ang araw, at natuwa ako sa
"KAKAIBANG" sorpresa ng mga taong ayaw matulog,
lalo na shempre sa mga kumbaga eh main cast ng
telenobelang buhay ko, at inaasahan ko tlga sa arw na yun
(ke babs, prexy, basted-forever,
bebets, kay mango tree at sa misis niya, kay unti-unting-mararating,
kay family-man-image-kuno, ke utan, ke isa-mendez-ala-tuna,
ke goodie-goodie-na-nakalimot-na-ata-sa-mga-taong-ayaw-matulog-dahil
-pa-rin-ba-masama-ang-loob-dhil-sa-one-and-only-nya?,
ke bisprin-talsik, kay-soyti-basta-tapat-ka-lang-sa-liwanag,
ke pachuchay? at ke eiron, sa-nanay-ni-chrisna, sa mga kabalyeros,
sa tinuruan-ko-pano-magsimulang-manligaw at sa sineseryoso-nyang-taga-bataan,
at ah oo, sa pusa kong inalagaan ko ng kay tagal
- si 200113026, at sa iba pang ayaw matulog,. patawad masakit na
ang kamay ko hndi ko na masulat, hampasin nyo na lang ako ng dos por dos
para makabawi kayo, ayos na ba yun?ndi naman ako mssaktan dun,
may bagay pa na mas masakit dun, alam nyo na siguro yun, di ba?
di ko na sasabihin, baka magiyakan pa silaaaaaaahhhhh
(prang ndinig ko na dati tong silaaahhh ah..), at mapamura pa ko)
taon taon na lamang ay may natatngap akong sorpresa,
kahit naman alam ninyong lahat na wala kayong mapapala sa kin
at hndi nyo ko mahuhuthutan kahit piso,
pero sa lahat ng sorpresang natangap ko mula ng makarating ako
sa lupain ng san-marcelino-estupidents,
hndi ko inasahan ang araw na yun, shet!!
maling akala... iba tlga.
nasorpresa ako, narinig nyo?
totoo.. nasrpresang nasorpresa...
(sarprays mayks!) (ohwww.. jo?bakeeett??ha?bets?bakeeet??)
maraming salamat sa ramdam na randam na
naguumapaw na pagmamahal mga pare.


nakakuha parin ako ng makapagbagagdamdaming mensahe
mula sa mga muntik nang makalimot saking taga-tres,
na kasama ko sa mga escapades ko kahit wlang lisensya,
kya nauuwi sa presinto nung sobrang-kabataan namin,
at tulad ng sbi ni kel
"jang malyari alang megbayu, itamu parin,
ing importante ali tamu kakalinguan ing dati".

ayun naalala nga parin ng mga f1 ng dating buhay ko,
namely j1, j2, j3, di pa kumpleto ang tropa,
wla pa si j4 to j7.


masaya naman sa pabrika,
kahit hndi na masyadong pantay ang paghinga ko
sa antok o sa pagod, di ko alam,
matino naman kahit papaano ang mga naiwan ke ama,
at isa pa, mukhang white flag na ata kami ni drasie.
naging payapa naman sa kamay nung manlolokong-attached ang araw ko,
at nakakuha pa ko ng sweet na mensahe ke tranquilizer, smallow ke exclamation,
isang "suspense", pgiging party manager at sa unang bati kong natangap habang
nsa banyo ako mula ke utakprep, at
"ganda" sa email nung multo na once in a lifetime
chance lang ata makukuha.
,, at
isa pa, Ok na uli kami ni new-employee-dahil-sa-bago-uli-niyang-buhok
at medyo natututunan ko na talagang itapon ung detergent ko.
sa mga nagsisulputan matapos ang email ng higante,
malamang kelangan ko din ipagpasalamat.

naitawid din namin ng mga taga-bahay-ni-kuya-dragon edition
at ng paborito naming
bisita ang sahig moment namin,
at sa wakas eh nakarinig uli ako ng
tawanan sa sahig,
sana eh maulit pa ito.

at syempre,
andun ung isa sa bagong secret weapons ko,
pag nkakaramdam ako ng lungkot,
hndi man siya nakipag-unahan nung bente uno
para magpapansin,
siya parin ang sumasalo sa maraming araw
at maraming pagkakataon na sadyang di ko nais mangyari.
at sinsaluhan ako sa mga paglalakad ko.
kanji boy, tatalunin kita sa bowling!

teka kelangan ko nga palang ihabol,
niyanig parin ako, ng dalawang murit sa buhay ko,
na ksama ko na simula ng magkaroon ako ng unang lapis,
bago pa man ako matutong magbasa, nakasama kong
tinuruan ng ballad version ng kantang
heyrphleyn-heyrphleyn-hin-dah-iskay ni
mam Flores at bago ko pa malaman
na ang ibig sabihin ng "chickenforsale" sa tapat nina popeye
ay pwede ring iluto ng adobo, tinola, pinaupo, afritada,
sa cornoil,at mrami pang iba
-> at hindi lang talaga panglutong-s_L_


nagkapatawaran na rin kami ni white-weird-looking,
salamat ke utak-prep at ke mam-bait,
ay teka, nagkabawian pala, ay hindi hndi,
ayos na pala uli, oops teka lang tatlong oras na,
hndi na naman pala, ay teka teka, hndi pala mali
ok na pala kami uli, ano?ano? teka sinong me sabi,
hndi na uli! oooppsss... hndi ok na pala.
Ah ewan! di ko na ire-reminisce, basta
nasa pagitan kami ng ok at ng hindi-ok.
ayos na sakin un, pwede na, pra masabi kong,
hindi kami nasa hindi-OK-na-sitwasyon.


tatlong araw matapos ang pinakahihintay na biyernes ko,
dinala ako ng mga paa ko sa gilid nung kahon,
siguro... naisip ko,
kelangan ko nang bumalik sa em-vi.
me hawak akong mais sa kaliwang kamay ko,
pero pagtingala ko, wala na si charlene,
napasenti ako.
isang tricycle na lng sana at maihahatid
na ko para makita ko na ang MV,
at masabi ko na rin ang lahat ng bagay na gusto kong
sabihin,
at alam kong hinihintay ng marami na sabihin ko.
pero napakaduwag ko lang ata,
kya bumalik ako at di na natuloy ang plano ko,
di bale, maluwag pa naman ang paraisong nilalakad ko
kung saan naroroon ang kahon.


sa kabila ng lahat ng kamalasang nangyari,
nagpapasalamat parin ako dun sa pinakasikat-na-higante-ng brilyante,
alam kong nalulungkot siya nung mga panahon na yun,
pero ndi nya pinapakita, kung bakit,
hndi ko na sasabihin pa, ang sabi nga nya,
di naman siya makuwento pra sabihin pa ang mga bagay bagay.
para sa kanya, nagulo nya ang isang linggo na
hinintay ko ng kay tagal.
siguro nga totoo, kasi hndi yun ang inaasahan ko,
pero sana di na niya isipin yun
kasi ayos parin, bakit?
sa tagal ko ng pakalat kalat sa mundo, ngaun ko
pa lang natapos ang araw ng martial law,
na may mga ganoong pangyayari,
ung tipong pagod na pagod ka na,
pero di ka pwedeng tumigil,
gusto mong matulog
pero hndi mo pwedeng pagbgyan ang srili mo,
gusto mo ng umalis at sumuko na,
pero hndi pwede, kasi alam mong me tao sa kanan mo
na naghihintay at nag-iisip na baka nga me mangyari kung andun ka
para gumaan ang pakiramdam nila,
sa tagal ko ng pakalat kalat sa mundo,
sa tuwing sspit ang abente uno,
ang lagi ko lang naiisip eh kung ano gagawin ko
para maging masaya ako,
mnsan ayos din kung mag-eefort ako
pra me sumaya namang iba.

at isa pa,
reyna ako ng hagdan noon,
kya madali na para sa isang tulad ko ang tangapin
ang mga araw na ganito.
(pero kapag naging tao na si frameID153, pinapangako ko,
bubugahan ko siya ng apoy...)

hindi ko man nagawa ang mga naplano kong gawin sa lingong yun,
nasabi ang mga bagay na dapat ko sanang nasabi,
naisip ung mga bagay na dapat inisip ko,
naparamdam ung mga bagay na dapt sana eh pinaramdam ko
nung araw na yun,
hndi man nangyari ang mga inaasahhan kong
mangyari
at
hndi man natupad ang mga mumunting kahilingan ko sa araw
na yun upang maging masaya muli.


iba parin yun,
biyernes yun eh.

kahit na...
may basong nabasag, may gamit na nabasa,
may atm na nawala, may nahulugan ng isang daan,
may naospital, may pinantal,
me nasuka, me pinulikat, me tinanghali ng gising
nalate man, at me tardiness report,
nasagi man nung mamang naglalagay ng sampayan sa
daanan, may nadapa man sa tiange ng tektite
at nagasgasan ng baba, naubusan ng toothpaste,
nawalan man ng kuryente, umasa mang mawawalan ng pasok
at nauwi sa pagkaunsyami,
may lababong nagbara,
nag-hang ang laptop,
nakidnap man si mikee ng di ko nalalaman,
napuyat,
pro walang natapos,
nawalan ng payong sa gubat,
naputikan,
naligo sa ulan,
nasigawan habang patawid sa kalsada,
nagmukhang tanga habang may kausap na kamay,
nakakain ng sili,
nahulugan ng caterpillar,
nag-illegal operation man ang excel kahit hndi pako
nakakapag CTRL+S sa buong gabing pag-edit ko,
at kahit pagbalik ko ng pantry eh hndi ko
na nakita kahit anino ng cake ko.
at kahit na narinig kong tumunog ang nagpapaalalang tapos na
ang abente uno sa pabrika at si drasie ang kapiling ko,


ayos parin,
kahit di ko pa nasabi,
me natangap parin akong mensahe
mula kay ani at sa iba pang kazoku,
hndi man ako sumagot,
di bale nagsisimula na kong magtapon ng detergent ko ngaun.


at isa pa,
binati mo ko, oo ikaw na nagbbsa nito.


swerte parin,
kahit me hagdan ng bustillos na sumapi sa buong lingo ko.


at sa kabila ng lhat,,,


salamat parin sa abente unong kasing aliwalas
ng puting tanawing pinapangarap kong makita

-muli.

(from ani matpos itong mabasa
marahil ito ang matatangap ko:
"kasak mo!")

Saturday, September 15, 2007

feels-like-heaven-na-uli-ah...

at mukhang langit na nman ang
paligid sa bayan namin
ngaung panahon na to....


ang bilis naman, andito na uli ang tanawing to.

nakatanaw ako sa labas ng bus na
sinasakyan ko at nakita kong
nagiging puti na uli ang paligid sa bayan namin,
haaay... kay gandang tanawin,
haaay uli, para sakin ito ang pinakamagandang
bagay sa mundo, ito lang ang bagay sa mundo na pwede kong
tingnan habang buhay at hndi ako mapapagod
at magsasawang tingnan kahit kelan.
(uulitn ko, tulad ng sinabi ko nung nakaraang taon,
hndi ako imported, hndi kita niyayabangan,
hndi snow ang tinutukoy ko)


hmmm...
pagising ko sa araw ng biyernes,
iba na uli.

tinanong ako ng pabiro ni utak-prep nung isang araw
kung ano ba gusto ko mangyari sa biyernes,
tinawanan ko lang siya,

pro ang totoo sana magawa ko ang mga bagay na ito
bago matapos ang araw ng biyeres.

sana...
matupad ko ang pangako ko ke jeboy,
sa huling gabing naksama ko siya at sinabi nyang
gusto nya ng dilaw na kahon sa araw ng biyeres...
na kahit iba ang pinaniniwalaan ko sa karamihan,
matuto akong magpasalamat at dumalaw paminsan minsan

sana...
maging payapa ang araw ko sa pabrika mula
sa mga kamay nang manlolokong-baliw-na-pasado-sa-lahat-ng-signs
at sa utak-prep-na-mentor-ko at ng iba pang miyembro
nang balang-araw-na-mga-tao.

sana...
maging masaya ang araw ko sa pabrika,

sana...
peace na kami ni dragon.

sana rin...
magtuloy tuloy na ang iniwang payo nung umalis na kalbo
para sa mga naiwan ke ama.

sana...
magawa kong kumain ng mais magisa
sa gilid ng malaking kahon,
habang nakapila sa tapat ni charlene
at magmuni-muni uli...

sana...
mkasama ko ang mga taong ayaw matulog. =(
dahil nangungulila na ko sa di namin
pagkikita.

sana...
maging masaya din ung pinakasikat na higante sa pabrika,
(papasayahin kita wag kang mag-alala)
at ung tatay-ni-keng, ung kakambal kong tuta,
at si-intsik, at ung-lumampaso-sakin-sa-chess-nung-4th-year-high
("rematch naman tayo!", wounded ego yan lena, tama na, move on),
sa araw ng pag-gunita sa martial law.

sana...
mapatawad na ko ni
white-weird-looking at makalimutan na nya
ang milyon milyong walang kwentang
sapi-days naming dalawa
dahil mature-thinking na ang mga tao
at maging magkaibigan na kami kht papano,
dahil nakakapagod ng umikot sa gilid nina
tranquilizer pag nauuhaw ako, at
dahil namimiss ko nang ngitian siya sa pabrika.

sana...
walang trafic.

sana...
di ako matulad ke prexy na nagbura ng inbox nya
at walang napala, dahil nagkaamnesia lahat.

sana matupad parin ang estero de balete ko,
hndi man ngaun dahil
sinusunod ko ang payo ni attached-daw,
este nung pinagmanahan pala ni attached-daw.

sana...
maalala ng lahat nung mga dating
espesyal na tao na isinama ko sa mga simpleng
pangarap ko noon, hndi man nangyari ang mga
ninais naming mangyari, maalala niyang
panahon na ito para ipaalalang
minsa'y pinasaya kita.

sana...
masabi ko rin ang lahat ng di ko masabi,
sa lahat ng taong naghihintay ng dapat kong sabihin,
para maging maayos na ang lahat...

sana...
matapon ko na rin ang
pinakamamahal kong detergent,
na pinanlalaba ko sa iba ibang klase ng mantsa,
at klimutan na ito tulad ng sbi ni
kanji boy na "yesterday ended last night"

sana makita ko ang mga anghel sa buhay ko,
si andreana, si alessandro, si gabriel
at si emmanuel.
napakaduwag ko lang ata talaga.

sana...
mahiram ko si "andrei" at magamit ko
uli ang lisensya ko, isang ikot mula sa tres,
hangang sa daang pataas, para mahampas uli ng
malakas at sariwang hangin ang mukha ko,
na baka magpagising sa katigasan ng utak kong tulog.

at...
sana,
kasama ko si nanay na tingnan
ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo
sa unang minuto pagbukas ng mata ko sa bagong araw ng biyernes.

at syempre...
sana maalala mo ko.

Tuesday, September 11, 2007

wake up your seatmate

Gusto ng maidlip para magkapanaginip
Umalis sa mundong totoo at puno ng gulo
Para kahit sandali ika'y makatabi
Para kahit papaano di ka na lalayo